Jane De Leon: “Namatay si Dad, hindi ko man lang siya nalibre... gusto kong bumawi sa kaniya talaga."

Ibinahagi ni Jane De Leon sa isang interview kung gaano kahalaga sa kaniyang buhay at tagumpay ang kaniyang parents.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi napigilan ni Jane de Leon ang pagpatak ng kaniyang luha sa pag-alala sa mga pinagdaanan niya at kaniyang parents, partikular ang kaniyang ama na pumanaw ilang taon na ang nakalipas.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Jane De Leon sa pumanaw na ama: “Gusto kong bumawi sa kaniya”
  • Sino si Jane De Leon before maging Darna?

Jane De Leon sa pumanaw na ama: “Gusto kong bumawi sa kaniya”

Muling inalala ni Jane De Leon ang kaniyang yumaong ama sa naganap na interview sa kaniya ni Ogie Diaz. Malaki ang pasasalamat ni Jane De Leon sa kaniyang parents sa lahat ng pagmamahal at suporta ng mga ito sa kaniya.

Naikuwento ni Jane De Leon na noong bata pa sila ay maginhawa naman ang buhay nila at may negosyo ang parents niya. Kaya lamang, isang araw ay nawala ang lahat ng pera nila dahil naloko ng kaibigan at business partner ang kaniyang ama.

Buhat daw noon ay nagkaroon na ng matinding trust issues ang tatay niya sa mga tao. Nawalan din ito ng lakas ng loob at ganang magtrabaho. Kaya naman, nanay niya ang nag-provide ng finances sa kanilang bahay habang house husband naman ang ama. Maayos naman daw ang naging set-up ng parents ni Jane De Leon nang nasa sitwasyon sila na iyon.

Larawan mula sa Instagram account ni Jane De Leon

Pero aminado ang aktres na dumanas sila ng matinding hirap hanggang sa punto na nagdidildil na sila ng asin. O kaya naman ay nag-uulam ng toyo at mantika sa kanin.

Dahil sa mga karanasan ay naging sobrang istrikto rin daw ng papa ni Jane De Leon pero kahit na ganoon ay napaka-maalaga rin daw nito. Katunayan ay papa’s girl nga daw si Jane De Leon at talagang malapit sa parents.

Anim na taon na nga buhat nang mamatay ang tatay ni Jane De Leon at ngayon na medyo maluwag na ulit ang kanilang buhay ay palagi niya itong naaalala.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“‘Yon nga ang nakakalungkot. Kasi nong namatay si Dad hindi ko man lang siya nalibre sa mga restaurants. Hindi man lang niya po naabutan kung nasaan po ako ngayon,” aniya.

Kung nandiyan pa raw ang papa niya sigurado siya na ito ang magha-handle ng lahat. Ultimo pagmamaneho ay hindi ito papayag na si Jane ang gumawa. Hands-on daw kasi sa pag-aalaga sa kanila ang kaniyang tatay noong nabubuhay pa ito.

“Gusto ko po ipa-experience sa kaniya lahat ng sarap ng buhay na meron kami ni mama ngayon,” saad ni Jane.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sino si Jane before maging Darna?

Isang masipag na estudyante at mabuting anak sa parents si Jane De Leon before siya nakilala bilang bagong Darna.

Nagsimula si Jane De Leon bilang commercial model at nagkaroon ng ilang proyekto sa mga serye sa TV. Unti-unti na itong nakilala bilang aktres nang gumanap itong isa sa mga karakter ng TV series na ‘Halik’. At ngayon nga ay itinanghal bilang bagong ‘Darna’.

Sa nasabing interview, nakuwento ni Jane De Leon na malaki ang pasasalamat niya sa tulong ng manager niya at ng kaniyang mommy. Naranasan daw nilang mangutang para may pamasahe papunta at pauwi mula sa mga audition.

Bagama’t papa’s girl ay number one basher daw ni Jane De Leon ang kaniyang daddy. Ayaw raw nito na mag-audition siya dahil gastos lang daw ito. Hindi naman daw nababayaran ang mga inilalabas nilang pera tuwing nag-aaudition.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dumating pa raw sa puntong inililihim nila ng kaniyang mommy sa kanilang daddy ang pagpunta nila sa mga audition. Naranasan din daw nila ng kaniyang mommy na matulog sa dressing room at magpalipas ng gabi sa mga convenience store at MRT station para lang makapunta sa trabaho bilang artista.

“Ginapang po talaga namin lahat.”

Larawan mula sa Instagram account ni Jane De Leon

Kaya hindi rin daw maiwasan ni Jane De Leon na maalala ang ama dahil gusto niyang maranasan nito na naging maayos na ulit ang kanilang buhay.

Bukod sa panloloko ng kaibigan, naranasan din daw kasi ng tatay ni Jane De Leon na maltratuhin ng step mother nito. Hindi ito pinapakain at ikinukulong sa cabinet.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Ngayon sana ano kung nandito si Papa talaga, kung ano man ‘yong naranasan niya since noong bata siya, pati ‘yong niloko siya, gusto ko po talaga palitan lahat ‘yon. Kaso wala na po si papa,” pahayag ni Jane.

“Ang hirap kasi gusto kong bumawi sa kaniya talaga, sobra.”

Isa rin daw ito sa dahilan kung bakit ayaw na niyang pagtrabahuhin ang ina. Dahil natatakot na raw si Jane De Leon na parehong parents niya ang mawala sa kaniya.

“Pa, sana po nandito ka ngayon. Siguro mas dadali ‘yong buhay ko kung nandiyan ka. Mas less ‘yong iyakan namin nina mama kung nandito ka. Mas sasaya po kami kung nandito ka,” mensahe nito sa kaniyang tatay.

Nag-iwan din ng mensahe si Jane De Leon sa mga taong nakatatanggap ng mga negatibong komento mula sa ibang tao.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Jane De Leon

“Hangga’t may isang taong naniniwala sa’yo at nakaka-appreciate ng talent mo, gawin mol ang siyang inspirasyon at ibigay mo ‘yong best mo…At the end of the day we cannot please everybody. Kaya importante, ituloy lang natin ‘yong buhay natin,” saad ni Jane.

“Hindi lahat ng bagay o opportunity madali sa umpisa. Hangga’t gusto mo talaga, gagapang ka…Wag silang titigil. Okay lang ma-frustrate. Ayos lang masaktan. Okay lang malungkot…May pag-asa hangga’t may tiwala ka sa sarili mo at sa family and friends na nagtitiwala sa’yo,” pagwawakas nito.

+Source

YouTube

Sinulat ni

Jobelle Macayan