Aktres na si Janella Salvador at kasintahan nitong si Markus Peterson, naghanda ng isang intimate party para sa kanilang anak na si baby Jude.
Mababasa sa artikulong ito:
- 1st birthday ng anak ni Janella Salvador at Markus Paterson
- Tips para sa pag-celebrate ng birthday ni baby
1st birthday ng anak ni Janella Salvador at Markus Paterson
Ipinagdiwang nitong October 20, 2021, Miyerkules, ang 1st birthday ni baby Jude. Ang kaniyang party ay may temang Boss Baby isang lead character sa animated movie ng Dreamworks noong 2017.
Makikita sa Instagram post ni Janella ang cute na cute na si Jude habang nakasuot ng kanyang suit and tie.
Larawan mula sa Instagram account ni Janella Salvador
“This bunny teeth smile is the one I live for.” caption ng aktres sa nasabing post.
Hindi naging hadlang ang pandemya upang maipagdiwang ang kaaarawan ng kanilang anak.
“Planning a party in the middle of a pandemic is difficult, but so is keeping a one-year-old baby in a suit (who loves to move around and cries when people collectively sing him the happy birthday song) happy during picture taking.” Sabi ni Janella
Larawan mula sa Instagram account ni Janella Salvador
Naging masaya ang party ni baby Jude dahil dinaluhan ito ng pamilya at matatalik na kaibigan ni Janella at Markus. Present sa nasabing party ang lola ni Jude na si Janine Desiderio at ang bunsong kapatid ni Janella.
Dumalo din ang ninang nito na si Erich Gonzales nagpost din sa kaniyang Instagram account ng pictre nila ni Jude, na may caption na, “Happy 1st Birthday, Jude! 🥰✨”
View this post on Instagram
Pinasalamatan din ng aktres ang mga ito sa pamamagitan ng kaniyang Instagram post.
“Nonetheless, it was a wonderful and intimate little party spent with family and close friends.“ pahayag ng aktres
“Thank you for loving our boss baby and for being there to celebrate his first year of life.” Dagdag pa niya.
Larawan mula sa Instagram account ni Janella Salvador
BASAHIN:
Janella Salvador, naunahan ng mga chismosa sa pagsabi sa Mommy niya na buntis siya
LOOK: Janella Salvador nagpa-liposuction to lose baby weight and jumpstart her “journey back to sexy”
Janella Salvador, pinag-iisipang kasuhan ang nagsabi na sana magkasakit si Baby Jude
View this post on Instagram
A post shared by Markus Paterson (@markus)
Masisilip naman sa isang video na pinost noong mismong kaarawan ni baby Jude ng kaniyang daddy na si Markus sa kaniyang Instagram account, ang kaniyang journey bilang tatay.
Aminado si Markus na noong una’y kadabado siya sa kung ano bang buhay ang naghihintay sa kaniya nang malaman niyang nagdadalang tao si Janella.
Hindi rin niya maiwasan noon na magkaroon ng doubt sa kaniyang sarili kung makakaya niya bang harapin ang bagong sitwasyong ito.
Gayunpaman ang video na ito na ipinost niya sa mismong kaaarawan ng kaniyang anak ay nagpapakita na naging mabunga at masaya ang kaniyang buhay bilang isang tatay.
“Jude at 1. Blows my mind that this year has gone by so quick, what a journey it’s been not just for us but the whole world. Happy birthday my son, my boy, my pride and joy.” caption ni Markus sa nasabing video.
Matatandaan na naging mainit na usapan nitong nakaraang taon ang pag-amin ni Janella at Markus na sila ay magkakaanak na.
Isa rin sa matindi nilang pinagdaanan ay kung paano ito mapapanatiling sikreto. At kung paaano nila ipapaalam sa kanilang pamilya ang sitwasyon.
Larawan mula sa Instagram account ni Janella Salvador
Ngayon ay iba na ang sitwasyon, makikita na masaya na ang kanilang pamilya habang ipinagdiriwang ang kaaarawan ng kanilang baby boy.
Malapit ng mag-first birthday si baby? Narito ang ilang tipid tips na maaaring gawin ng mga mommy.
- Pagsabayin ang birthday at binyag. Tiyak na malaki ang matitipid natin mga mommy kung isang selebrasyon na lamang ang gagawin para sa birthday at binyag ni baby. Isang handaan at isang beses na lang mag-iimbita para sa dalawang okasyong ito.
- Travel, imbis na party. Yes, hindi mo na kailangang gumastos ng malaki para sa iyong mga bisita. Sapagkat maaari niyong ipagdiwang ang birthday ni baby kasama lamang ang iyong buong pamilya.
- Party sa oras ng miryenda. Sa ganitong para hindi na kailangan maghanda ng maraming putahe at posibleng nakakakin na rin ng tanghalian ang iyong mga bisita.
- DIY. Maraming mga arts and craft ang mapapanood sa internet. Imbis na bumili ay ikaw na mismo ang maaaring gumawa ng mga pandekorasyon sa murang paraan.
- Facebook Invitation. Uso na ngayon ang mga mga virtual invitations. Sa ganitong paraan ay makakatipid ka sa maaari mong gastusin sa invitation.
- Food trays. Mas makakatipid ka kung oorder na lamang ng food trays imbis na magpacater.
Marami ang paraan upang maipagdiwang ang first birthday ni baby ng hindi gumagastos ng malaking halaga. Kinakailangan lamang na maging creative isipin ang mga posibleng alternatives ngunit mas tipid.
Tandaan, hindi naman kailangan na maging magarbo ang birthday ni baby. Sapat na na magkasama sama ang buong pamilya, maging simple man ito. Basta masaya ang pamilya, masaya rin si baby. Kung healthy rin ang ating anak ay wala na tayong mahihiling pa.
Source:
Instagram, GMA, ABS-CBN
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!