Idinetalye ni Janella Salvador sa isang podcast interview ang kaniyang mga naging karanasan sa pagbubuntis at kung paano nalaman ng kaniyang Ina na siyang buntis noon.
Mababasa sa artikulong ito:
- Paano ipinaalam ni Janella sa kaniyang Mommy na siya ay buntis.
- Reaksyon ni Janella ng malaman niyang siya ay buntis.
- Ano ang mga naging pagbabago sa buhay ni Janella at Markus ngayong sila ay mga Magulang na.
Janella Salvador, naunahan ng mga chismosa sa pagsabi sa Mommy niya na buntis siya
Sa isang panayam ng the SkyPodcast sa kaniya, ibinahagi ng aktres na si Janella Salvador kung paano nalaman ng kaniyang ina na siya’y pregnant sa kaniyang 1st baby. Nagbahagi rin siya nang kaniyang naramdaman nang malaman niyang siya’y buntis.
Video from skypodcast Youtube Chanel
Apat na buwan ng buntis ang aktres ng mapagdesisyunan nitong ipaalam sa kanyang Mommy ang balita. Ayon sa kaniya bago pa man niya ito tuluyang masabi ay alam na ng kaniyang Mommy na siya ay nagdadalang tao.
Pagbabahagi niya isa umano sa mga internssa ospital kung saan siya nagpa-check up ang nagpakalat ng balita. Dahilan upang malaman ito ng kaniyang Mommy.
“I think she found out because of, I think may kumalat.”
“I was so pissed, honestly, ’cause these are things you would wanna tell your, like your family members personally.”
Pinahayag ng aktres na noong una ay sobra siyang kinakabahan at natatakot sa posibleng maging reaksiyon ng kaniyang Mommy kapag nalaman na siya’y buntis.
“I was supposed to tell her in person. But because of the pandemic, it was lockdown, I couldn’t leave the house, I had to call her. I was so nervous I had to call her via video call.”
Dagdag pa niya ay naka-poker face lamang umano ang kaniyang ina habang sinasabi niya rito ang balita. Tila nakatulong pa nga umano na sa video call niya ito sinabi dahil may barrier sa pagitan nila.
Hindi nagtagal ay natanggap din ng kanyang mommy ang pagbubuntis ni Janella. Ipinakita rin nito ang pagsuporta sa anak sa pamamagitan ng pagbili ng mga bagay na kakailanganin sa pagbubuntis, tulad ng maternity leggings.
Janella ibinahagi kung paano nalamang ng kaniyang ina na siyang pregnant sa kaniyang 1st baby. | Larawan mula sa Instagram account ni Janella Salvador
BASAHIN:
Janella Salvador, aminadong mabilis mairita dahil sa pagod at dami ng iniisip bilang bagong ina
LOOK: Janella Salvador nagpa-liposuction to lose baby weight and jumpstart her “journey back to sexy”
Janella Salvador: “After giving birth, I really lost confidence in myself”
Janella Salvador, hindi mapigilan ang ngiti ng malaman na siya ay buntis
Nagbabakasyon sa Boracay si Janella at ang boyfriend nitong si Markus, kasama ang ilang mga kaibigan ng malamang siya ay buntis. Nakisuyo umano sila sa isa nilang kaibigan na bumili ng pregnancy test para sa kanila dahil natatakot sila na baka kumalat ang usaping ito.
Nang mag-positive ang resulta ng test ay saya ang unang naramdaman ng aktres. Maaaring iniisip ng mga tao na takot ang kaniyang naramdaman ngunit inilarawan niya ito bilang isang magical exprience.
Dagdag pa ng aktres,
“It was a happy moment. The fears? it was there but it wasn’t overpowering it’s more, more of joy.”
Janella ibinahagi kung paano nalamang ng kaniyang ina na siyang pregnant sa kaniyang 1st baby. | Larawan mula sa Instagram account ni Janella Salvador
Janella Salvador at Markus Peterson, mas naging responsable ng magkaroon ng baby.
Nang tanungin si Janella kung ano nga ba ang mga naging pagbabago sa relasyon nila ni Markus, ay ika niya mas naging responsable sila. Ngayong sila ay mga magulang na, nagbago rin ang kanilang mga priorities.
Ngayon ay may bago na silang routines. Kung dati ay pwede pa silang gabihin at mamasyal sa labas ngayong sila ay mga magulang na ay madalang na lamang nilang gawin ito. Dahil lagi nilang iniisip ang kapakanan ng kanilang anak.
“We gotta be in bed by 8:00 pm,” wika ng aktres.
Hindi naman umano nagbago ang samahan nila ni Markus. Nandiyan pa rin ang mga kulitan at biruan kahit sila ay may anak na.
Soure:
skypodcast
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!