TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
EnglishFilipino
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login
  • EnglishFilipino
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

Janella Salvador, aminadong mabilis mairita dahil sa pagod at dami ng iniisip bilang bagong ina

5 min read
Janella Salvador, aminadong mabilis mairita dahil sa pagod at dami ng iniisip bilang bagong ina

Kumpara noon, ayon kay Janella, mas gusto niya rin daw na organized lagi ang kanilang bahay. At wala na siyang oras para sa sarili niya at sa kanilang dalawa ng partner na si Marcus Paterson.

Janella Salvador baby na si Jude ang tanging priority umano sa ngayon ng singer-actress. Pag-amin ni Janella, nai-stress siya sa tuwing hindi kasama si Jude at naging mabilis mairita dahil sa pagod dulot ng pagiging isang ina.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Mga pagbabago sa buhay ni Janella Salvador simula ng siya ay maging ina.
  • Si Janella Salvador at Marcus Paterson bilang mga magulang.

Mga pagbabago sa buhay ni Janella Salvador ng maging isang ina

Sa isang vlog kasama ang kaibigan niyang si Erich Gonzales ay nagbahagi si Janella Salvador ng mga pagbabago sa buhay niya ngayong siya ay ganap ng isang ina.

Ayon kay Janella, napakalaki nang pinagbago niya at ng buhay niya ng dumating si baby Jude. Kung ikukumpara nga umano noon, ngayon ay mas responsible na siya.

Tulad halimbawa ng pag-aayos at paglilinis sa bahay na noon ay kinatatamaran niyang gawin. Pero sa ngayon, ito ang lagi lang nasa isip niya.

“Before I got pregnant, when you go to my house lagi ko sinasabi don’t look kasi its still magulo. Kasi tamad talaga akong mag-ayos dati.

But now after having a baby gusto ko lahat organized. Like wala na akong ibang iniisip kung ‘di mag-organize, mag-ayos, maglinis.”

Ito ang pahayag ni Janella sa itinuturing niyang isa sa pinaka-malaking pagbabago sa buhay niya ng maging isang ina.

Pag-amin niya mas naging oozy at mas madali siyang mairita nang maging ina

Janella Salvador baby Jude

Image from Janella Salvador’s Official Facebook account

Kaugnay nga nito ay mas naging oozy nga umano siya sa loob ng bahay isang bagay na naging isyu sa pagitan nila ng partner na si Marcus Paterson.

“Medyo oozy ako sa bagay-bagay. I want things in place where I last put them,” sabi pa ni Janella. Ito umano ang isa sa mga dahilan kung bakit naging mabilis siyang mairita kay Marcus kung minsan.

“Nagkoon ako ng stage na konting mali lang ni Marcus I get irritated easily. Hindi niya nakikita siguro pero ang daming tumatakbo sa isip ko every day.”

Ayon kay Janella, ang reaksyon niyang ito ay dulot ng pagod at labis na pag-iisip niya sa kung paano maalagaan ng maayos ang anak niyang si Jude. Pero napag-usapan na umano nila ito ni Marcus, kasabay ng pag-e-effort niya na mas pahabain pa ang pasensiya niya.

“I am trying to be more patient now every day. I guess motherhood, there are seasons lang like okay ka tapos mahihirapan ka.”

Janella Salvador baby Jude and partner Marcus Paterson

Image from Janella Salvador’s Official Facebook account

Janella Salvador si baby Jude ang priority sa ngayon

Sa ngayon, ang buhay ni Janella ay umiikot lang sa pag-aalaga sa anak na si Jude. Ito umano ang priority niya. Kaya lahat ng pag-aadjust ay ginagawa niya para maibigay ang pangangailangan at pag-aalaga na kailangan nito. Kuwenta pa ni Janella,

“Dati I used to wake-up like 1 pm, ngayon because of Jude nagigising siya minsan mga 6 am, 7 am so ganoong oras narin ako nagigising.”

Dagdag pa nga niya ay wala na siyang oras sa sarili niya.

“I do miss my me time. Luxury na ngayon iyong super tagal kong mag-shower like every day talaga.”

Kahit nga umano oras na makapag-solo sila ni Marcus ay hirap siyang maibigay.

“Kunyare mag-plan kami ng date, lalabas kami, as a mom, when you go out parang mas naii-stress ka pa imbes na ma-relax ka.”

Paliwanag ni Janella, ito ay dahil si baby Jude lang lagi ang nasa isip niya at na-giguilty siya sa tuwing iniiwan ito sa pangangalaga ng iba.

BASAHIN:

Janella Salvador, pinag-iisipang kasuhan ang nagsabi na sana magkasakit si Baby Jude

Janella Salvador: “After giving birth, I really lost confidence in myself”

Mainitin ang ulo at madaling magalit mula ng manganak? Maaaring senyales na ito ng postpartum rage

Janella may nais patunayan sa ibang tao at sa sarili niya

Janella Salvador bikng with baby Jude

Image from Janella Salvador’s Official Facebook account

Ayon par in kay Janella, hindi naman ibig sabihin nito na tuluyan niya ng iiwan ang pag-aartista. Sa ngayon, ang gusto lang nila ni Marcus ay maibigay ang lahat ng kailangan ng kanilang anak para lumaki ito bilang isang batang may disiplina at higit sa lahat marunong rumespeto sa kapwa.

“Most of us have issues growing-up and that’s what I want to avoid or if I can’t avoid it, just minimize na sana paglaki ni Jude wala siyang family issues. Gusto namin mapalaki siya ng maayos.”

Pero sabi ni Janella, muli siyang magbabalik sa pag-aartista. Ito ay hindi lamang para gawin ang mga bagay na gusto niya kung hindi para na rin patunayan na ang pagiging isang ina ay hindi hadlang sa pag-abot ng mga pangarap niya.

“I am out to prove that nanganak lang naman ako e. I’m still Janella. I just gave birth but still can do what I can do.

Iyong mga nagagawa ko dati, nagagawa ko pa rin naman. I can still act, I can still sing. I just want to prove not just to others but also to myself na kayang-kaya. Motherhood doesn’t stop someone from achieving their dreams.”

Ito ang sabi pa ni Janella Salvador.

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2

Source:

YouTube

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Janella Salvador, aminadong mabilis mairita dahil sa pagod at dami ng iniisip bilang bagong ina
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko