LOOK: Janella Salvador, ipinakilala na ang kaniyang first baby!

Congrats Janella and Markus!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa pagpasok ng 2021, inanunsyo ni Janella Salvador na siya ay certified mommy na, kasama ang kaniyang nobyong si Markus Paterson, sabay nilang ipinakilala ang kanilang first baby.

Mababasa sa artikulong ito ang:

  • Baby announcement ni Janella salvador at Markus Paterson
  • 5 early signs ng pagbubuntis

LOOK: Janella Salvador at Markus Paterson, ipinakilala na ang kanilang first baby!

Matatandaan na noong nakaraang taon, mabilis na kumalat sa internet ang baby rumors sa 22-year-old actress-singer na si Janella Salvador kasama ang nobyong si Markus Paterson.

Nanatiling tikom ang bibig ng dalawa habang kasalukuyang naka-based sila sa United Kingdom kasama ang pamilya ni Markus.

Janella Salvador at Markus Paterson, ipinakilala na ang kanilang first baby! | Image from Janella Salvador’s Instagram

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nitong Tuesday ng hapon, nag-post ang aktres sa sariling Instagram account ng kaniyang silhouette habang may kargang baby. “It’s time. 8 pm. Link in bio.” ito ang caption ng naturang post.

Sumunod si Markus na nag-post ng litrato ng kamay ng baby habang hawak ang isang daliri. Ang nasabing post ay may kaparehas na caption kay Janella na nagsasabing abangan ang video na kanilang iu-upload sa oras na 8:00 PM.

Janella Salvador at Markus Paterson, ipinakilala na ang kanilang first baby! | Image from Markus Paterson’s Instagram

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ngayong gabi nga lang, ibinahagi ni Janella sa kanilang YouTube channel ang kaniyang naging pregnancy journey kasama ang nobyong si Markus na may pinamagatang “Hey, Jude.”

Mapapanood dito ang unang pagpunta nila sa ospital, gender reveal, pregnancy exercise ng aktres pati na rin ang D-DAY!

Pinangalanan nila ang kanilang first baby na, Jude Trevor Patterson, na isinilang ni Janella noong October 20, 2020.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Janella Salvador at Markus Paterson, ipinakilala na ang kanilang first baby! | Image from Markus Patterson’s Instagram

Sunod-sunod naman ang naging komento ng mga kasamahan sa trabaho ng aktres. Katulad nina Kathryn Bernardo, Alex Gonzaga, Alexa Ilacad, Maris Racal, Liza Soberano, Sofia Andres, Maja Salvador at iba pa. Nagbigay sila ng positibong mensahe sa aktres bilang pagbati.

Inanunsyo nina Janella at Markus sa publiko ang kanilang relasyon noong nakaraang taon, September 12.

BASAHIN:

LOOK: Miriam Quiambao buntis sa kaniyang 2nd baby!

Am I pregnant? Detect the signs of pregnancy

Sintomas ng buntis: 10 maagang palatandaan bago mag-pregnancy test

5 early signs ng pregnancy

1. Labis na pagkapagod

Maraming mga babae ang nag-aakalang buntis sila kapag lagi silang nakakatulog kapag 3 PM ng hapon. Kung ikaw ay puyat sa gabi, maaaring ito ang dahilan. Subalit kung ikaw naman ay may sapat na pahinga at dinadalaw ka na ng antok bago ang dinner time, maaaring ikaw nga ay buntis.

Payo ng NSW Health, ugaliing matulog ng mga buntis nang nakatagilid para maiwasan ang stillbirth dahil maraming ebidensya na “sleep position can halve the risk of a late-pregnancy stillbirth.”

2. Mood swings

Maraming babae ang nakakaranas ng mood swings sa unang mga araw ng kanilang pagbubuntis. Uulitin natin, ang pagbabago ng level ng hormones ng mga babae ang dahilan nito at natatagpuan na lang ang sarili na umiiyak sa pinapanood na basketball at nagagalit sa cooking show.

Ito ay isang sintomas ng buntis at masasabing normal. Ngunit kung ikaw ay nakakaranas na ng kakaiba, kailangan mo nang magpatingin sa eksperto.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

3. Pagiging sensitibo ng nipples

Maraming babae ang nakakaranas ng pagiging sensitibo ang kanilang nipples dahil sa pagtaas ng kanilang hormones, estrogen at progesterone. Sa early pregnancy, ang suso ng babae ay nagsisimulang magkaroon ng extra fat at milk ducts dahilan para lumaki ito at nagiging sensitibo. Ang areolas ay nagiging maitim na nakikita sa unang linggo nito.

Janella Salvador at Markus Paterson, ipinakilala na ang kanilang first baby! | Image from Unsplash

4. Cramps

Ito naman ay mahirap na sintomas. Maaari kasing ito ay pagkamalan na padating na ang iyong period. Ang ibang babae ay nakakaranas ng mahinang cramps sa unang week ng conception. Maaaring ito’y dahil sa implantation, paglaki ng uterus, o kaya naman sa corpus luteum cyst na naglalabas ng progesterone hanggang ang placenta ay umabot ng 12 weeks. Kung ikaw ay nag-aalala, ‘wag mahiyang magpatingin sa eksperto.

5. Pagkahilo

Parte rin ng morning sickness and pagkahilo at pananakit ng ulo. Ngunit kung ikaw ay hindi nakakaranas ng nausea pero pakiramdam mo ay gumagaan ang iyong ulo? Baka ikaw ay buntis na. Ito’y may kaugnayan sa pagtaas ng blood supply at pagbabago ng takbo ng circulatory system nila. Kasama na rito ang pagbaba ng blood sugar bilang early sign ng pregnancy.

Ang pagkain ng kaunti subalit madalas at pagsusuot ng komportableng damit ay isang magandang paraan para mabawasan ang pagkahilo. Kung nakakaramdam ka na ikaw ay mawawalan ng malay, humiga lang at humingi ng tulong medikal.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Written by

Mach Marciano