LOOK: Miriam Quiambao buntis sa kaniyang 2nd baby!

LOOK: Miriam Quiambao buntis sa kaniyang 2nd baby!

Ayon kay Miriam at mister niyang si Ardy, ipinagdadasal at pinagplaplanuhan palang sana nila ito. Hindi nila inakala na ito ay agad na matutupad at mapapaaga.

Dating beauty queen at TV host na si Miriam Quiambao kasama ang kaniyang mister na si Ardy Roberto may pasabog bago matapos ang taong 2020. Inanunsiyo nina Miriam at Ardy na masusundan na ang si Baby Elijah!

Mababasa sa artikulo na ito:
  • Kung paano nalaman ni Miriam Quiambao na siya ay pregnant
  • Ang kaniyang pregnancy journey at 45 years old

Miriam Quiambao buntis sa kaniyang pangalawang anak

Sa kaniyang Instagram account kahapon ay may nakakagulat na balitang ibinahagi ang beauty queen at host na si Miriam Quiambao. Ayon sa caption ng kaniyang post siya ay positive at humihiling ng dasal sa kaniyang mga fans at followers.

Ang pagiging positive niyang ito ay hindi isang masamang balita. Dahil si Miriam hindi positive sa COVID-19 kung hindi positive na nagbubuntis sa pangalawa nilang anak ng mister na si Ardy Roberto. Mas idinetalye pa nga ng mag-asawa ang balitang ito sa vlog ni Miriam.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Miriam Quiambao-Roberto (@miriamq888)

Ayon sa mister ni Miriam na si Ardy, sa gitna ng masasamang balita ngayong 2020, nais nilang tapusin ang taon sa pamamagitan ng napakaganda at napakasayang balita na ito. Isang sorpresa na ayon kay Miriam ay nalaman nila bago mag-pasko.

“Thank God kasi meron siyang surprise before Christmas actually. And we now so excited to share with you the great news, that we are, I’m positive. I am positively pregnant. Yey!”

Ito ang masayang pahayag ni Miriam sa kaniyang vlog na sinundan nila ng kaniyang mister na si Ardy ng pagpapakita ng kaniyang ultrasound scan result.

LOOK: Miriam Quiambao shares birth story of Baby Elijah

Miriam Quiambao, pinuri ang kanyang stepson bilang “Best Kuya” sa kanilang baby

11-week old na baby ni Miriam Quiambao, nagsisimula na mag-“homeschooling”

Miriam at mister na si Ardy nagplaplano na pala para magka-baby ulit, ngunit hindi nila inakala na ito ay mapapaaga.

Kuwento pa ng mag-asawang si Miriam at Ardy, hindi nila inaasahan ang magandang balita. Pero ipinagdadasal at pinagpapaplanuhan na nilang sundan ang panganay nilang si Elijah.

Ngunit hindi nila inaasahan at inaakala na ito pala ay mapapaaga.

Sa katunayan ay gusto na nga nilang humingi ulit ng tulong sa duktor na gumabay kay Miriam sa una niyang pagbubuntis na napaka-sensitive. Ito ay dahil na-diagnosed siya noon ng pagkakaroon ng kondisyon na kung tawagin ay APAS o Antiphospholipid Antibody Syndrome. Ito ay isang kondisyon na nagpahirap kay Miriam na magbuntis. Ngunit sa tulong ng siyensya at pagtitiwala niya sa Panginoon ay nalampasan niya.

Kuwento pa ng dating beauty queen, hindi tulad ng pagbubuntis niya noon sa panganay niyang si Elijah, ngayon ay iba ang nararamdaman niya.

“Nagulat nalang ako kasi November nag-skip ako ng period. So, I was counting the days sabi ko ang tagal na. Tapos yung mga symptoms ko before when I was pregnant with Elijah like tenderness of the breast hindi ko nararamdaman.”

Dagdag pa nito: “Pero ang napapansin ko para akong laging hapong-hapo. Parang lagi akong pagod, feeling ko gusto ko lang laging matulog. Ganoon naramdam ko no’n, e. Tapos hindi naman ako nasusuka. By God’s grace kahit kay Elijah hindi ko naramdaman yung pagsusuka na yun. Walang indications aside from missed period.”

Ito ang pagbabahagi pa ni Miriam sa kaniyang pangalawang pagbubuntis.

miriam quiambao

Image screenshot from Miriam Quiambao’s YouTube video

Miriam Quiambao: Another miracle ito!

Para nga masagot ang kaniyang agam-agam ay nag-home pregnancy test si Miriam. Ngunit nagkaroon ng faint second line ang resulta.

Buti na lang, kuwento nito, na mayroon pa siyang naitagong isa pang pregnancy test kit na may digital indicator mula sa kaniyang unang pagbubuntis. Dito ay lumabas na nga na nagdadalang-tao ang dating beauty queen.

“So yung nag-digital test ako saka ko nalaman. Pinakita ko kay Ardy and we were so happy. It was really a surprise, a very pleasant surprise,” saad pa ni Miriam.

miriam quiambao

Image screenshot from Miriam Quiambao’s YouTube video

Ayon pa sa kaniya, ito ay isa na namang milagro sa pagsasama nila ng kaniyang mister. Dahil sa kaniyang edad at kondisyon ay hindi niya inaasahan na siya ay mabubuntis pa. At ito ay agad na mangyayari halos dalawang taon matapos maisilang ang panganay niyang anak na tinawag niyang “mirable baby.”

“Another miracle ito di ba, imagine 45 years old na ko, 1 to 2 percent of getting pregnant. Tapos ito wala pang mga work-ups spontaneous pregnancy siya”, sabi pa ni Miriam.

Kaya naman dahil sa naging karanasan sa nauna niyang pagbubuntis na sinundan ngayon ng pangalawang pagbubuntis na hindi nila inaasahan ngunit tunay nilang pinapasalamatan ay narito ang mensahe ng mister niyang si Ardy Roberto sa lahat ng kanilang taga-subaybay.

“So, we just want to encourage everybody whose down and out or just low in hope this 2020 not to give up on hope and on whatever you are praying for. There is nothing really impossible with God.”

Ito ang pahayag ni Ardy Roberto.

Ayon naman kay Miriam, dahil sa kaniyang APAS at hemorrhage situation ay muli niyang ipinapaubaya sa pangangalaga ng Panginoon ang kaniyang pangalawang pagbubuntis.

Reaksyon ng mga netizens

Samantala, hindi lang ang mag-asawa ang labis na natuwa sa magandang balita. Pati ang kanilang mga fans at followers ay masaya rin sa napakagandang balita na ito sa buhay nila.

“What a great blessing! Congratulations!!! 💗💗💗 praying for healthy pregnancy!”

“Congratulations Miriam & Robert! Ending 2020 with a BANG😊🙏👏”

“Waaaaaah! Congraaaats!! Im so happy for you guys!! Growing Family!! Ang sayaaaa!! Praise God! 🙏🏻🙏🏻🙏🏻”

Ilan lamang ito sa mga mensahe na natanggap ng mag-asawa mula sa kanilang mga kaibigan sa Instagram.

Sa ngayon, si Miriam ay 9 weeks pregnant na. Matatandaang isinilang niya ang kaniyang panganay na anak noong February 16, 2019. Ito ay pinangalanan niyang Elijah.

miriam quiambao

Image from Miriam Quiambao’s Facebook account

 

Source: YouTube

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Article Stories
app info
get app banner