X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Janella Salvador umamin na sinaktan daw siya ni Elmo Magalona!

4 min read
Janella Salvador umamin na sinaktan daw siya ni Elmo Magalona!

Dagdag pa ng aktres na si Janella Salvador, hindi lang daw ito ang unang beses na sinaktan siya ng kaniyang onscreen partner na si Elmo Magalona.

Matapos makitang may mga pasa sa braso ang aktres na si Janella Salvador, inamin niya na ito raw ay dahil sa kaniyang onscreen partner na si Elmo Magalona.

Dagdag pa ni Janella na hindi daw ito ang unang beses na nangyari ang pananakit. Bakit nga ba siya sinaktan ni Elmo? At ano ang dahilan ng pananakit ng aktor?

Janella Salvador, umaming sinaktan ni Elmo Magalona!

 
 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
    A post shared by Janella Salvador 🦄 (@superjanella) on Sep 4, 2018 at 7:22am PDT

 

Nagsimula ang mga pangyayari nang makita sa isang interview na mayroon mga pasa sa braso at binti si Janella. Dito na nagsimula ang mga haka-haka na si Elmo Magalona daw ang nananakit sa dalaga.

Bukod dito, inakusahan ng ina ni Janella Salvador na si Jenine Desiderio ang ina ni Elmo na si Pia Magalona na binayaran daw nito ang isang blog para pagtakpan ang anak.

Sinabi pa ni Jenine sa isang fan na “We’ve been quiet kahit anak ko na tinulak palabas ng van at nahulog sa kalye. Pero para baligtarin pa kami, ibang usapan na yan.”

Nagulat ang mga fans ni Janella at Elmo at sinabing huwag daw magsabi ng mga ganoong salita ang ina ni Janella.

Inamin din ni Janella ang pananakit sa kaniya ni Elmo

Di nagtagal ay nagsalita na si Janella tungkol sa isyu at inamin na sinaktan nga siya ni Elmo. Aniya, nangyari daw ang pananakit nang sila ay nasa isang party.

Nakainom daw ang aktor, at sinaktan nito si Janella dahil sila ay nagtatalo. Dahil sa pananakit, sinampal daw niya ang aktor at umamin din si Janella na siya raw ay nakainom din.

Dagdag pa niya na hindi raw iyon ang unang beses na sinaktan siya ng binata. Nangyari na daw ang pananakit ilang buwan na ang nakalipas at sinabi pa raw ni Elmo na hindi niya matandaan ang kaniyang ginawa. Pinatawad naman daw siya ni Janella at sinabing huwag na itong uulitin.

Humihingi si Janella ng tulong sa isang psychiatrist

Dahil sa nangyari, nagsimulang pumunta sa psychiatrist si Janella upang humingi ng tulong. Aniya, si Elmo din daw ay humihingi ng professional help sa isang psychiatrist at umaasa siya na matutulungan ang problema ng binata.

Sabi ni Janella na gusto lamang daw niyang malaman ng mga tao ang katotohanan, at ayaw niyang sinisiraan ang kaniyang ina. Wala daw siyang intensyon na siraan si Elmo, at gusto lang niyang mag-focus sa kaniyang sarili.

Dagdag pa ni Janella, “For two years, I focused on Elmo and myself. This time, I am giving more attention to myself. He hurt me and I cannot, can never tolerate that.”

Ano ang dapat gawin kapag sinaktan ka ng iyong asawa?

Normal lang sa mga mag-asawa ang makipag-away o makipagtalo sa isa’t-isa. Ngunit kahit kailan, hindi dapat ito umabot sa pisikalan.

Hindi tama na saktan ng isang babae ang kaniyang asawa, at lalong lalo nang hindi tamang saktan ng isang lalake ang kaniyang asawa. Ito ay tinatawag na domestic violence, at wala itong mabuting naidudulot sa mga mag-asawa.

Ngunit madalas, hindi agad nakakapagsalita ang mga babaeng sinasaktan ng kanilang asawa. Dala na rin ito siguro ng takot, pagkahiya, at pagkaawa sa sarili, at pag-aalala sa mga anak.

Kung ikaw ay biktima ng domestic abuse, huwag mag-atubiling humingi ng tulong at tumawag sa hotline ng NBI Violence Against Women and Children Desk (Tel. No.: 523-8231 to 38 / 525-6028).

Kung ikaw ay natatakot, puwede ka ring humingi ng tulong sa isang mapagkakatiwalaang kamag-anak, o kaibigan. 

Kapag ikaw naman ay nakakita ng ebidensya ng domestic abuse tulad ng mga di maipaliwanag na pasa, pagkabalisa ng biktima, pagiging takot sa asawa, at biglang inilalayo ang usapan pagdating sa pananakit ng kaniyang asawa, huwag magdalawang isip na tumulong.

Minsan ang kinakailangan lang ng mga biktima ay ang suporta at kasiguraduhan na sila at ang kanilang mga anak ay magiging ligtas. Puwede ka ring tumawag sa NBI hotline kung sa tingin mo ay may kakilala kang biktima ng domestic abuse.

Tandaan, lahat ng bagay ay nadadaan sa mabuting usapan. Huwag hayaang uminit ang ulo at umabot sa pananakit ang mga pagtatalo.

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

 

Source: Philstar

Basahin: You could be a victim of financial abuse in marriage without even knowing it

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Janella Salvador umamin na sinaktan daw siya ni Elmo Magalona!
Share:
  • LOOK: Janella Salvador, ipinakilala na ang kaniyang first baby!

    LOOK: Janella Salvador, ipinakilala na ang kaniyang first baby!

  • Janella Salvador: "After giving birth, I really lost confidence in myself"

    Janella Salvador: "After giving birth, I really lost confidence in myself"

  • Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

    Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

  • LOOK: Janella Salvador, ipinakilala na ang kaniyang first baby!

    LOOK: Janella Salvador, ipinakilala na ang kaniyang first baby!

  • Janella Salvador: "After giving birth, I really lost confidence in myself"

    Janella Salvador: "After giving birth, I really lost confidence in myself"

  • Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

    Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.