Janella Salvador, Nagpahayag ng Opinyon Tungkol sa Kasalan: "Don't Settle"

Nagpahayag ng kaniyang opinyon tungkol sa pagpapakasal si Janella Salvador. Kailan nga ba masasabing handa na ang isang tao sa kasal?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kamakailan, naging usap-usapan si Janella Salvador matapos ang kanyang bukas-loob na pagsagot tungkol sa kasalan sa panayam sa Couch Talk series sa YouTube. Kasama si Elisse Joson, tinalakay nila ang mga mahahalagang usapin sa pagiging magulang at ang papel ng kasal sa pagbuo ng masayang pamilya.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Janella Salvador naglabas ng pahayag tungkol sa marriage
  • Kailan ba dapat na magpakasal ang mag partner?

Janella Salvador naglabas ng opinyon tungkol sa pagpapakasal

Sa tanong ni Elisse kung gaano kahalaga ang kasal sa paglikha ng maayos na family environment, inamin ni Janella na bagama’t ideal ang pagkakaroon ng kasal, hindi ito palaging nagreresulta sa masayang pamilya. “It’s ideal to be married so that your kids grow up in a complete family, but it just doesn’t work out for some and that’s the reality of it,” ani ni Janella.

Larawan mula sa Instagram ni Janella Salvador

Idinagdag niya na ang kasal ay nararapat lamang kung handa ang parehong partido na gugulin ang natitirang bahagi ng kanilang buhay na magkasama, at hindi dapat maging dahilan ang pagkakaroon ng anak para magmadaling magpakasal. “I don’t believe na just because you have a kid, you have to get married automatically, even if you’re not ready. Don’t settle if you’re not ready,” pahayag niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram ni Janella Salvador

Kailan masasabing handa ka nang magpakasal?

Nagbigay din si Janella ng matapang na opinyon tungkol sa mga magulang na nananatili sa relasyon kahit hindi na masaya, alang-alang lamang sa anak. Ayon sa kanya, maaaring mas makasama ito sa bata dahil maaaring lumaki ito sa isang magulong kapaligiran.

Para sa maraming magulang, ang tanong na “Handa na ba ako magpakasal?” ay hindi madaling sagutin. Iba-iba ito depende sa sitwasyon. Ayon kay Janella, mahalagang pag-isipan ang desisyong ito nang mabuti at tiyaking handa ang parehong panig. Hindi sapat na dahilan ang pagkakaroon ng anak para magmadaling magpakasal, lalo na kung maaaring magdulot ito ng hindi magandang epekto sa kaligayahan ng magulang at kapakanan ng bata.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram ni Janella Salvador

Ang mga pahayag ni Janella ay nagbigay-inspirasyon sa maraming magulang na nanonood. Para sa mga magulang isang mahalagang paalala ito na ang kasal ay hindi dapat minamadali at dapat pinapasok lamang kung sigurado at handa na ang parehong panig.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa huli, binigyang-diin ni Janella Salvador na ang kaligayahan at kapakanan ng pamilya ang pinakamahalaga. Sa panahon ngayon, mahalagang tanungin ang sarili: “Handa na ba talaga ako?” bago gumawa ng malaking desisyon tulad ng pagpapakasal.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Jobelle Macayan