Nagbigay ng komentaryo si Janice De Belen sa isang podcast na ang mga lalaki raw ay hindi kayang magmahal ng dalawang babae sa magkasabay na panahon.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Janice De Belen sa tanong na kaya ba ng lalaki magmahal nang sabay: “Of course not!”
- Ginawa ni Janice De Belen para sa kaniyang mga anak
- at gawin kapag nalamang nag-cheat ang partner mo?
Janice De Belen sa tanong na kaya ba ng lalaki magmahal nang sabay: “Of course not!”
Sa isang panibagong video sa YouTube channel na ‘Wala Pa Kaming Title’ podcast na may pamagat na “The Third Party” ay binukas nila ang topic tungkol sa mga mistress o kabit sa isang relasyon. Kasama sa talakayang ito sina Carmina Villaroel, Janice de Belen, Gelli de Belen, at Candy Pangilinan.
Pinag-usapan nila dito ang pagtataksil sa isang relasyon at kapwa nagbigay ng mga komentaryo hinggil sa ganitong usapin.
Pagbabahagi ni Candy Pangilinan, mayroon daw siyang kaibigan na naging kabit at hindi alam nito na siya na ang naging third-party. Kahit daw gustuhin na ng taong ito na umalis na ay hinahabol pa rin siya ng kanyang nakarelasyon na may relasyong iba.
Dahil dito, nakapagbigay tuloy ng opinyon si Janice De Belen hinggil sa isyu ng kaibigan ni Candy.
“Hinahabol siya dahil mahal siya? Kung mahal siya hindi mo ilalagay ‘yong babae sa posisyon na iyon.”
Nabuksan tuloy ni Carmina ang topic tungkol sa kung ang lalaki ba talaga ay kayang magmahal ng dalawa sa iisang panahon. Pagtatanong ni Carmina kay Janice, “Hindi ka naniniwala na may lalaking kayang magmahal ng dalawang pantay?”
Tingin naman ni Janice, hindi maaaring magmahal ng pantay ang isang lalaki sa dalawang magkaibang tao. Aniya, darating din ang punto kung saan kailangan nitong mamili.
“Of course not, because at some point you will need to choose.”
Para rin sa magkukumare, kung sakali raw na ginawa ito sa kanila at humiling na gawin pabalik ay naniniwala silang hindi papayag ang mga lalaki. Ayon kay Janice, “It’s a sexist thing” daw kasi.
Nasingit din sa usapan ang iba’t ibang rason kung bakit nga ba naghahanap pa ng ibang karelasyon ang isang lalaki kahit committed na.
Para kay Candy Pangilinan, kasalanan daw talaga ng lalaki kung bakit sila nangangaliwa pero naniniwala siyang mayroon ding kontribusyon ang kababaihan kung bakit ginagawa ito ng lalaki.
Para naman kay Janice De Belen, “That question can never be answered with a real answer.”
Siningit din nila na maganda raw na tignan ang family history ng lalaki upang malaman kung anong environment ang kinalakihan niya.
“If their parents do that and as they grow up ‘yan ang nakikita nilang normal.”
Karaniwan daw kasing nagiging ‘norm’ ito sa pamilya na basta inuuwian ang tahanan ng tatay na nangagaliwa ay ayos na. Maaari nang mapatawad sa isang ‘sorry’ lamang.
BASAHIN:
4 na paraan para magkaroon ng ‘healthy fights’ na nagpapatibay ng relasyon ng mag-asawa
3 tips para sa mga mag-asawa para madagdan ng spice ang pagtatalik
Ginawa ni Janice De Belen para sa kaniyang mga anak
Sa pagbabahagi ni Janice ng kuwento niya, sa ganitong kalagayan ay umalis daw siya sa relasyon para sa kanyang mga anak.
“Kagaya ng sa parte ko, I left because it’s not right. I don’t like my children to grow up thinking that it is right and acceptable.”
Pagbabalik-tanaw ni Janice noon, nalaman din daw ng kanyang mga anak ang tungkol sa isyu nilang magkarelasyon.
“This is their life too. So yes, you have to be a part of it. They have to know why. So that maaga pa lang naiintindihan na nila na that it is not right.”
Nagbukas din muli si Carmina ng katanungan na kailan ba dapat magpatawad at kung kailan dapat umalis na. Partikular na tinanong niya dito si Candy at Janice bilang kapwa naranasan nila ang ganitong kalagayan.
Para kay Janice, “It’s your own timing. Kung ano ‘yung kaya mo pa.”
Para naman kay Candy, “I have to choose to forgive.”
Magkasalungat naman ang naging karanasan nina Janice at Candy tungkol sa closure sa kanilang mga ex-relationships.
Kung si Janice ay nasabi na raw niya lahat sa karelasyon niya ang hinanakit at damdamin niya, si Candy naman ay hindi. Para raw kasi kay Candy hindi na niya kailangan pa ito para sa isang closure.
Kaya raw siya nagpatawad ay para makapag-move forward na siya sa nangyari upang magkaroon na rin daw siya ng freedom at sanity.
Hindi rin naman daw maiiwasang makaramdam talaga ng insecurity kapag nasa gitna ka ng ganitong kalagayan. Sa paglipas daw ng panahon ay nawala rin ito para kay Janice dahil ginagawa niya ang pagmo-move on para sa kanyang sarili.
Ano ang dapat gawin kapag nalamang nag-cheat ang partner mo?
Labis nga naman ang sakit na mapagtaksilan ng partner. Maaaring magkaroon ito ng long-term na epekto sa iyong pagkatao nang hindi mo namamalayan. Sa ganitong kalagayan paano nga ba magcocope up kung nakaranas ng cheating? Narito ang ilan:
- Huwag sisisihin ang sarili sa nangyari.
- Magpokus sa mga bagay na makapagpapakampante ng iyong pakiramdam
- Matutunan ang self-love at self-care.
- Humanap ng support system.
- Magseek ng professional help kung sobra na ang nararanasang epekto.