Madaragdagan muli ang pamilya ng mag-asawang sina Japoy at Janice Lagman Lizardo! Ito ay dahil kamakailan lang, nag-post si Japoy sa kaniyang Instagram account upang ipaalam sa kaniyang mga fans na buntis ang kaniyang misis.
Janice Lagman Lizardo, buntis sa pangalawang anak!
Sa caption ni Japoy, sinabi niyang “The Lizardo Squad is getting bigger! We will be having another member! See you on February! Thank you Lord for another wonderful blessing!!”
Bukod dito, tinanong pa niya ang mga netizen ng “The question is, is it a boy or a girl? What do you think?”
Matatandaang mayroon nang isang 2-year old na anak ang mag-asawa, na si Jace Alonzo.
Inaasahang sa Pebrero ng susunod na taon ay manganganak na si Janice sa pangalawa nilang anak. Umaasa kaming ipapanganak na malusog at masigla ang bagong miyembro ng Lizardo Squad!
Paano nila pinapalaki si Jace?
Ngayong magiging kuya na si Jace, importante na magampanan niya ang papel bilang isang kuya sa kaniyang baby na kapatid.
Pagdating sa usapin ng pera, ay maaga pa lang, sinisimulan na ng mag-asawa na turuan ang kanilang anak.
Kuwento ni Japoy, “Jace is just 2 yrs. old so I dont know if he understands already but I keep telling him to save money. He already have his own piggy bank. We tell him to put his coins there.”
Tinuturuan rin daw nilang mag-asawa ang anak na maging mapili sa kaniyang mga kinakaibigan.
Aniya, “I want to tell him that he should surround himself with good friends the ones that’s gonna be there through good and bad. Friends that will encourage him and sharpens him and make him a better person.”
Kung tagumpay naman ang pag-uusapan, maaga pa lang ay tinuturuan na nila si Jace ng mga mahahalagang values para makamit ang tagumpay.
Sabi ni Japoy ay wala raw shortcuts sa tagumpay, kaya’t kailangan ang pagiging masipag at matiyaga para makamit ang tagumpay. Bukod dito, tinuruan rin niya ang anak na ibahagi ang kaniyang mga blessings sa ibang tao.
Source: ABS-CBN
Basahin: Taekwondo champ Japoy Lizardo: Mga nais kong ituro sa aking anak
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!