TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
EnglishFilipino
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login
  • EnglishFilipino
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

LOOK: Jason Abalos at Vickie Rushton, ikinasal na!

5 min read
LOOK: Jason Abalos at Vickie Rushton, ikinasal na!

Matapos ang sampung taon, ngayon ay ganap ng mag-asawa sina Vickie at Jason.

Tingnan ang mga larawan dito sa ginanap na Jason Abalos and Vickie Rushton wedding nitong September 1, 2022.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Jason Abalos and Vickie Rushton wedding.
  • Kailan na-engaged sina Jason Abalos at Vickie Rushton.

The simple yet stunning Jason Abalos and Vickie Rushton wedding

Ikinasal na ang long time sweethearts na sina Jason Abalos and Vickie Rushton. Ito ay naganap nitong Huwebes sa San Antonio de Padua Parish Church sa Nasugbu, Batangas.

Bagamat wala pang official post si Jason at Vickie sa ginanap nilang kasal ay kumalat na sa social media ang litrato nila sa simula ng bagong chapter ng kanilang pagsasama. Ito ay sa pamamagitan ng mga kaibigan nina Jason at Vickie na nakasaksi sa kanilang pag-iisang dibdib. Tulad nalang ng actor na si Marco Alcaraz na ibinahagi ang paglalakad ni Vickie sa isle habang papalapit sa altar kung saan naghihintay si Jason.

Makikita rin sa videos na ibinahagi ni Marco sa kaniyang IG story na napaluha si Jason habang tinitingnan si Vickie na naglalakad patungo sa altar. Nagpasilip rin siya sa kung paano naging fun at special ang first kiss ng ngayon ay mag-asawa ng sina Jason at Vickie.

Jason Abalos and Vickie Rushton wedding

Larawan mula sa Instagram account ni Marco Alcaraz

Mga celebrities na present sa kasal ni Jason at Vickie

Jason Abalos and Vickie Rushton wedding

Habang ang actor naman na si Joross Gamboa ay nagbahagi rin ng ilang tagpo sa kasal. Makikita sa mga videos at photos na ibinahagi ni Joross sa IG stories niya ang ilan sa mga celebrities na naging parte ng pag-iisang dibdib ni Jason at Vickie. Naroon ang mag-asawang sina Kaye Abad at Paul Jake Castillo.

Present rin sa kasal ang actor na si JC Tiuseco at dating boksingerong si Onyok Velasco. Saksi rin sa kasal nina Jason at Vickie si Joseph Bitangcol. Siya ay nakasama ni Jason sa programang Star Circle Quest.. Imbitado rin sa kasal si Patrick Garcia at misis nitong si Nikka Garcia.

Ang official photographer ng wedding nina Jason at Vickie na Nice Print Photo ay nagbahagi rin ng mga litrato ng bagong kasal.

Nangunguna na nga rito ang “First official wedding photo of Mr and Mrs @thejasonabalos and @vimrushton.” Ito ay base sa IG post ng Nice Print Photo.

Sa IG account pa rin ng Nice Print Photo ay ibinahagi nila ang detalye ng suot na wedding gown at barong nina Jason at Vickie.

Si Jason ay may suot na ‘intricately embroidered Barong Tagalog’ na taglay ang art deco details ng designer na si Francis Libiran. Makikita rin sa malapitan na ito ay may custom Baybayin embossed threadwork.

Jason Abalos and Vickie Rushton wedding

Larawan mula sa Instagram account ni Nice Print Photo

Habang ang bride na si Vickie ay may suot ring long-sleeved wedding gown na dinisenyo parin ni Francis Libiran. Ito ay embroidered na nagtataglay ng studs at mga crystals.

 
View this post on Instagram
  A post shared by Niceprintphoto (@niceprintphoto)

Sa post na ito ng Nice Print Photo kung saan naka-tagged ang bagong kasal ay bumaha ang pagbati mula sa iba pang celebrities at fans nina Vickie at Jason.

Dimples Romana: Beautiful. Congratulations @thejasonabalos @vimrushton

Ara Mina: Stunning bride @vimrushton and beautiful creation @francislibiran8. Congrats Vicky and Jason Abalos

Max Collins: Congratulations @vimrushton @thejasonabalos

Kailan na-engaged sina Jason Abalos at Vickie Rushton

Hunyo nitong taon ng i-share nina Jason at Vickie na sila ay engaged na. Pero base sa post ni Jason ay Setyembre noong nakaraang taon siya nag-propose ng kasal sa dating beauty queen.

“Habambuhay ko pasasalamatan ang Panginoon sa buhay mo Baba. Patugtugin na ang kampana!”

Ito ang caption ng post ni Jason na kung saan magkikitang magkayakap sila ni Vickie at suot na nito ang kanilang engagement ring.

 
View this post on Instagram
  A post shared by Jason Abalos (@thejasonabalos)

Si Vickie sa parehong araw na nag-post si Jason tungkol sa kanilang engagement ay ibinahagi narin sa publiko ang little secret nila ni Jason at kalakip nito ang isang Bible verse.

“So, Baba and I have been keeping a little secret… “

“When the time is right I, the Lord, will make it happen.” Isaiah 60:22”

Ito ang sabi naman ni Vickie.

Sina Vickie at Jason ay nagkakilala noong 2010 sa isang event sa Bacolod. Sila ay sampung taong magkarelasyon bago nagpakasal.

Pero bago pa man ang big event nila kahapon ay nagpahiwatig na si Jason noong nakaraang taon na nais niya ng bumuo ng pamilya. Ito ay ng matapos na ni Vickie ang career niya sa pagsali sa mga beauty pageants.

“Siguro nasa ano na kami ni Vickie, eh. Matagal na akong naghihintay na matapos si Vickie sa pagpa-pageant. Tingin ko ayon na ‘yon, eh. Sabi ko, ‘O, tama na yan, hindi ka na pwede, tayo naman.”

“Kasi hinayaan ko siya talagang lumarga, gawin niya lahat ng gusto niya habang dalaga pa siya. So ngayon, siguro panahon na para bumuo naman kami ng pamilya.”

Ito ang sabi noon ni Jason sa isang panayam.

Si Vickie ay isa ring produkto ng reality show na ginawa ng ABS-CBN. Siya ay nanalong first runner up sa Binibining Pilipinas pageant noong 2018.

Instagram

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • LOOK: Jason Abalos at Vickie Rushton, ikinasal na!
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko