TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
EnglishFilipino
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login
  • EnglishFilipino
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

LOOK: Jason Abalos at Vickie Rushton, engaged na!

4 min read
LOOK: Jason Abalos at Vickie Rushton, engaged na!

Lampas isang dekada matapos nilang magkakilala ay sa altar din ang ending nina Jason Abalos at Vickie Rushton.

Dumagdag na sa listahan ng malapit na ang wedding ang aktor na si Jason Abalos at ang fiance nitong Filipina-British actress na si Vickie Rushton. Maraming kaibigan nila ang natuwa dahil after a decade ay ikakasal na.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Jason Abalos and Vickie Rushton wedding malapit na!
  • Love story nina Jason at Vickie

Jason Abalos and Vickie Rushton wedding malapit na!

Napa-hashtag “Sana All” na naman ang netizens nang mabalitaang may bago na namang naisama sa listahan ng showbiz couple na engage ngayon. Isang nakakakilig na inanunsyo ng magkarelasyong Jason Abalos sa Filipina-British actress na si Vickie Rushton.

Sa post ni Vickie Rushton sa kanyang personal Instagram account, pinost niya ang larawan ng singsing na tanda ng kanilang engagement na nasa isang buhangin ng beach.

Sinundan naman ito ng larawa nilang dalawa ni Jason Abalos kung saan nakayakap siya habang pinapakita niya ang engagement ring sa kanyang kamay. Ayon pa sa caption ng aktres, matagal na raw nilang tinatago ito at napagpasyahang sabihin ngayong taon lamang,

“So, Baba and I have been keeping a little secret. When the time is right I, the Lord, will make it happen.”

jason abalos vickie rushton wedding

Larawan kuha mula sa Instagram account ni Vickie Rushton

Hindi rin naman nagpahuli si Jason Abalos sa pagbabahagi nito sa kanyang Instagram account. Pinost niya rin ang parehong picture na pinost ni Vickie sa kanyang IG account. Sweet na sweet na nagpasalamat ang aktor sa Panginoon dahil daw sa kanyang karelasyon na si Vickie.
Dito niya rin ni-reveal na una niya na raw tinanong ang kanyang karelasyon noong nakaraang taon ika-1 ng Setyembre. Ang matamis na sagot ng aktres, ‘syempre’.

Habambuhay ko pasasalamat ang Panginoon sa buhay mo Baba. Patugtugin na ang kampana! 9/1/21 she said “syempre”

Dahil dito inulan tuloy ng pagbati ang comment section ng post ng dalawa mula sa malalapit na kaibigan ng dalawa sa showbiz. Ang ilan sa nagpaabot ng kanilang pagbati ay sina Kitkat, Joross Gamboa, Melissa Ricks at Kristoffer Martion.
Joross Gamboa: “Congrats!!!!!!! Kasalan na yan!!!!!”
Kitkat: “Omg! Kaya pala di nakarating sa baby shower ko ang ninong @thejasonabalos at ninang @vimrushton abala sa engagement! Awwww finally! Masaya nako kahit di kayo nakapunta kasi nangyari yan! Mahal ko kayo and CONGRATZ mga labs!!!”
Kristoffer Martin: “Yun oh! Congraaats bradeeer”
Melissa Ricks: “Grabeeee yehey!!!! May the Lord continue to bless your relationship. So happy for you guys!!!”
jason abalos vickie rushton wedding

Larawan kuha mula sa Instagram account ni Vickie Rushton

BASAHIN:

LOOK: Donita Rose engaged na sa kaniyang boyfriend na si Felson Palad!

Maja Salvador engaged na sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Rambo Nuñez!

LOOK: Zeus Collins engaged na sa kaniyang girlfriend na si Pauline Redondo!

Love story nina Jason at Vickie

Lampas isang dekada na ang nakalipas buhat noong unang magkita sina Jason Abalos at Vickie Rushton. Sa Instagram post noon ni Jason taong 2018, binalikan niya ang isang larawan kung saan sila unang nagkakilala.

Ayon kay Jason, sa isang karavan ng media network sila nagkakilala. Nakasuot pa noon si Vickie Rushton ng school uniform. Habang si Jason naman ay artista na.

Biro pa ni Jason Abalos, ang husband-to-be ni Vickie Rushton, kinilig daw si Vickie noong una siyang makita.

“8 years ago fan na fan lang kita tapos umakyat ka pa sa stage para ikaw kantahan ko.”

Hirit naman ni Vickie Rushton, ang kaniyang husband-to-be raw ang kinikilig dahil hindi na raw ito makakanta dahil sa nginig.

jason abalos vickie rushton wedding

Larawan kuha mula sa Instagram account ni Vickie Rushton

2010 sila unang nagkita. Nanatili ang kanilang pagiging magkaibigan hanggang sa humantong na ito sa romantic relationship.

Sa dating panayam kay Jason Abalos, sinabi niya na matagal na niyang gustong bumuo ng pamilya kasama si Vickie Rushton.

Ngunit kinailangan niyang hintayin si Vickie dahil aktibo ito sa pagsali sa pageant noon. 2021 nang pormal na ianunsyo ni Vickie na pahinga na siya sa pagsali sa mga beauty contest.

Kaya naman nakahanap ng pagkakataon si Jason Abalos na sabihin kay Vickie Rushton na oras na para silang dalawa naman ang maging priority.

“Talagang hinayaan ko siyang lumarga at gawin ang lahat ng gusto niya habang dalaga pa siya. So ngayon siguro panahon na para bumuo ng pamilya.”

Si Jason Abalos ay matagal nang nakilala bilang mahusay na aktor. Nitong taon ay sinubukan niyang makapasok bilang public servant at siya ay nanalo.

Habang si Vickie Rushton naman ay kilala sa pageantry world. Noong Binibining Pilipinas 2018 ay naging first runner up siya. Taong 2019 ay sumali siya ulit ngunit nakapasok lamang sa Top 15.

Bukod sa pagsali sa mga beauty pageant, nakilala rin si Vickie Rushton nang maging housemate siya sa ‘Pinoy Big Brother: All In’ taong 2014.

Instagram
Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Ange Villanueva

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • LOOK: Jason Abalos at Vickie Rushton, engaged na!
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko