Handa nang maging future wife ang aktres na si Maja Salvador nang ianunsyo nito na siya’y engaged na sa non-showbiz boyfriend niyang si Rambo Nuñez Ortega sa kanyang Instagram account.
Mababasa ang mga sumusunod sa artikulong ito:
- Maja Salvador engaged na: “My new beginning”
- Maja Salvador and Rambo Nuñez Ortega love story
- Mga bagay na dapat tandaan bago magpakasal
Maja Salvador sa kaniyang engagement: “My new beginning”
Larawan mula sa Instagram account ni Maja Salvador
Ginulat ng aktres na si Maja Salvador ang netizens nang mag-anunsyo ito ng kanyang engagement sa non-showbiz boyfriend niyang si Rambo Nuñez Ortega.
Sa kanyang Instagram account, masayang pinost ni Maja nitong April 17, Linggo ang larawan niyang may suot na engagement ring habang may hawak na baso.
Sinundan naman ito ng kanilang larawan ni Nuñez na makikitang magkayakap at emosyonal ang couple. Nilagyan niya ang larawan ng caption na “My new beginning” kung saan naka-tag din ang account ng kanyang boyfriend, na ngayo’y fiancé na niya.
Hindi rin nagpahuli sa pagse-share ng larawan si Nuñez. Sa kanyang Instagram account naman ay pinost niya ang larawan nilang dalawa kung saan pareho silang tumititig sa isa’t isa.
Nilagyan naman niya ito ng caption na, “The best part is yet to come my love” na naka-mention din ang Instagram account ni Maja Salvador.
Agad namang nagpaabot ng pagbati ang mga celebrities na sina Jessy Mendiola, Elisse Joson, Ruffa Gutierrez, KC Concepcion, Pauleen Luna-Sotto, Arci Muñoz at Yassi Pressman sa pagiging engaged nina Maja Salvador at Rambo Nuñez.
Mula sa comment section ng Instagram post ni Maja Salvador
Maja Salvador and Rambo Nuñez Ortega love story
Unang nag-date ang aktres na si Maja Salvador ang non-showbiz boyfriend nitong si Rambo Nuñez Ortega noong taong 2010. Hindi ito nagtagal dahil napilitan si Maja na piliin ang career kaysa sa kanyang love life noong mga panahong iyon.
Taong 2019 nang muling magkaroon ng romantic relationship ang dalawa for the second time around. Binalewala ni Maja ang isa sa mga rules niya sa pakikipag-date, ito ang muling makipagbalikan sa naging ex-boyfriend.
“Minsan you break your own rules, and I think it’s worth it.”
Sa isang interview naman noon sinabi ng aktres na, “Wag na tayo sa into details, ibigay niyo na lang sa akin ‘yon, at least nag-share ako. It’s my first time na, one thousand percent, na walang pagdadalawang isip, if I’ll share it or not.”
Kahit pa siyam na taon na mula nang unang magkarelasyon ang dalawa, ayon kay Maja sobrang welcoming pa rin daw sa kanya ng pamilya ng kanyang non-showbiz boyfriend. Kahit daw noong magkahiwalay pa sila ay hindi nawala ang komunikasyon ni Maja sa nanay ni Nuñez.
BASAHIN:
After 18 years bilang magkarelasyon, Aubrey Miles at Troy Montero engaged na!
Donita Rose na-bash matapos ipakilala ang bagong boyfriend: “Yes, they have been painful for me”
Marian Rivera biniro ni Urvashi Rautela sa pagkakaroon muli ng baby: “3rd one coming soon”
Mga bagay na dapat tandaan bago magpakasal
Mga bagay na dapat tandaan bago magpakasal | Larawan kuha mula sa Pexels
“Ang pag-aasawa ay hindi parang kaning isusubo at iluluwa kapag napaso.”
Ganito parati ang sinasabi ng mga nakatatandang ikinasal na payo para sa mga ikakasal pa lamang. Isa itong paalala para sa mga couple na hindi basta-basta ang pagdedesisyon na ikasal.
Kung minsan, nagiging dahilan ang kasal kaya hindi na nakakawala ang ibang magkarelasyon kahit hindi na masaya. Lalo sa bansa tulad ng Pilipinas kung saan mas mahirap makipaghiwalay kaysa magpakasal dahil sa kawalan ng batas tungkol sa divorce.
Kaya bago ito pinal na pagdesisyunan ay maraming bagay na dapat tandaan. Narito ang ilan sa mga maaaring ikonsidera:
- Tandaan na ang karelasyon ay hindi kukumpleto sa buhay mo, kinakailangang mayroon plano para sa sariling pag-unlad.
- Huwag magtakda ng mga expectations sa pagpapakasal na hindi ninyo napagkasunduang dalawa.
- Hindi parating mararamdaman ninyong dalawa ang pagmamahalan sa isa’t isa.
- Alamin ang relasyon ng isa’t isa sa bawat pamilya para malaman kung saan nagmumula ang ilang kultura at kaugalian.
- Maging aware sa finances ninyong dalawa upang maging handa sa iba’t ibang gastusin na pagtutulungan ninyong dalawa.
- Tandaang hindi maiiwasana ang hindi pagkakaunawaan.
- Pag-usapan ang halaga ng tiwala at kung papaano ito gaganap sa inyong relasyon.
- Gumuhit ng linya kung kailan dapat nang itigil ang pagsasama.
- Planuhin kung papaano ang magiging set-up ng pagkakaroon ng pamilya.
- Laging isipin na hindi parating magkapareho ang mga desisyon ang prinsipyo ninyong dalawa.
- Bumuo ng relasyon na parang bang mag-best friend kayo.
- Huwag kalimutang i-express ang pagmamahal sa isa’t isa kahit pang matagal nang magkasintahan.
- I-establish na mahalaga at palagi dapat i-practice ang maayos na komunikasyon sa isang relasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!