X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Marian Rivera biniro ni Urvashi Rautela sa pagkakaroon muli ng baby: "3rd one coming soon"

5 min read

Super close pa rin si Urvashi Rautela kay Marian Rivera matapos magbiro ang Indian actress tungkol sa posibilidad na magkaroon ng ikatlong baby ni Marian.

Mababasa sa artikulong ito ang mga sumusunod:

  • Biro ni Urvashi Rautela kay Marian Rivera
  • Friendship nina Urvashi at Marian
  • Paano napaibig ni Dingdong Dantes si Marian Rivera?

Biro ni Urvashi Rautela kay Marian Rivera

Tuloy pa rin ang matibay na friendship nina Urvashi Rautela at Marian Rivera!

Ito’y matapos mapa-react si Urvashi sa post ni Marian sa Instagram. Pinakita ni Marian ang kanilang routine na interactive bedtime story ng kanilang anak ni Dingdong Dantes na si Sixto.

“Ending our day with an interactive bedtime story. Goodnight and sweet dreams everyone!”

Sa parehong post ay napa-comment naman si Urvashi, at humirit ng ikatlong baby kina Marian at Dingdong.

marian rivera urvashi

Kinilig naman ang mga netizen sa nasabing comment ni Urvashi. Kanila ring hiniling na magdilang-anghel ito at magkaroon na nga ng bagong baby sina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Heto ang ilang comment ng mga netizen sa hirit ni Urvashi kay Marian:

“yessss, I hope so queen Urvashi!!”

“Yes please @marianrivera”

Noong 2021 ay naitanong na si Marian Rivera ng media kung handa ba siyang magkaroon ng pangatlong baby. Ayon kay Marian, bukas sila ni Dingdong na muling madagdagan ng tsikiting ang kanilang famiy.

Magpapasalamat din siya sa Panginoon sakaling biyayaan muli sila ni Dingdong ng isa pang supling. Ngunit aniya, thankful na siya sa dalawa nilang anak.

“Kung bibigyan ulit, thank you na binigyan ulit ng pagkakataon pero kung dalawa lang talaga, sobrang thank you na diyan sa dalawang anak ko na ‘yan.”

Bukod sa kanyang work ay busy rin si Marian sa pag-aalaga ng kanilang anak ni Dingdong na sina Sixto at bunso nilang si Zia.

marian rivera urvashi

Larawan mula sa Instagram account ni Marian Rivera

Friendship nina Urvashi at Marian

Unang nagkita sina Marian Rivera at Urvashi Rautela nang magtungo ang Kapuso actress sa Eliat, Israel.

Kabilang si Marian sa mga naging hurado para sa 70th edition ng Miss Universe. Nakasama niya sa panel of judges ang India actress, na isa ring beauty queen.

Si Urvashi ay kinoronahan bilang Miss Universe India noong 2015, at kilala ring celebrity sa Bollywood.

Ayon kay Marian, si Urvashi raw ang unang kumausap sa kanya noong sila ay magkasama sa Israel. Natuwa rin si Marian dahil hindi nito akalain na alam ni Urvashi ang kanyang kantang ‘Sabay-Sabay Tayo’.

Mismong si Urvashi pa raw ang nagpaturo sa kanya ng dance steps para sa nasabing kanta. Nag-viral ito sa social media at kinagiliwan ng mga netizen.

Bukod sa kanilang nakakatuwang pagsayaw sa Miss Universe, bumilib din daw si Urvashi sa asawa ni Marian na si Dingdong. Nakita kasi ni Urvashi kung paano naging maalaga si Dingdong sa kanyang misis habang nasa Israel.

Ito’y matapos magsilbing tila ‘water boy’ si Dingdong para kay Marian habang busy ito sa pagiging judge sa beauty pageant. Sinabi ni Urvashi na swerte si Marian sa kanyang mister dahil sobrang mahal na mahal siya nito.

Hanggang ngayon ay nagkakausap pa sa social media sina Urvashi at Marian. Nagpatuloy ang kanilang pagkakaibigan sa kabila ng distansya nila sa isa’t isa.

BASAHIN:

Marian Rivera sa relasyon nila ni Dingdong Dantes: “Maganda kasi sa amin para kaming mag-bestfriend.. hindi as asawa.”

Nico Bolzico never nagselos sa mga nakatambal ni Solenn Heussaff: “That’s her job. I really respect her profession.”

LOOK! Korean stars Hyun Bin at Son Ye Jin bumiyaheng USA para sa honeymoon

marian rivera urvashi

Larawan mula sa Instagram account ni Marian Rivera

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

Paano napaibig ni Dingdong Dantes si Marian Rivera?

Sa interview ni Celeste Tuviera kay Marian Rivera, kinuwento ng celebrity ang naging simula ng pag-iibigan nila ni Dingdong. Matatandaan na dati silang nagkasama sa GMA-7 series na Dyesebel.

Ayon kay Marian, isa sa mga unang paramdam sa kanya ni Dingdong ay noong makakita siya sa table ng isang pouch na Hello Kitty.

Noong time na ‘yon ay nahuhumaling si Marian sa Hello Kitty at sa chocolate. Nang buksan niya ang pouch ay nakita niya na punong puno nga ito ng tsokolate.

Nagtanong siya sa set kung kanino ang naturang pouch, at noong walang sumagot ay kinain na niya ang mga chocolate na laman nito.

“Yon pala bigay niya (Dingdong). Eh maldita ako, kunwari hindi ko siya pinapansin. Sa kanya pala ‘yon.”

Nagsimulang mag-iba ang tingin niya kay Dingdong at ikunsidera itong mabuting tao noong siya’y maaksidente sa set.

Ayon kay Marian, habang siya’y nasa dagat bilang sirena ay bigla siyang inalon nang malakas. Kahit magaling siyang lumangoy ay nahirapan siya dahil sa nakalagay na weights sa kanyang costume na buntot ng sirena.

Nang malaman ni Dingdong ang nangyari ay nagalit daw ang aktor at kaagad na tumalon sa dagat para maisalba si Marian.

Kwento ni Marian, mataas ang boses ni Dingdong sa mga crew dahil sa aksidente. Pero kapag siya ang kinakausap ay malumanay at kalmado ang aktor.

“Doon ko nakita na mabuting tao siya. Hindi dahil siguro gusto niya ko, pero ayaw niyang may nasasaktang ibang tao.”

Nagsimula na ring manligaw si Dingdong sa kanya, napansin ito ni Marian sa mga actions ng aktor.

YouTube, Instagram

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Ray Mark Patriarca

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Marian Rivera biniro ni Urvashi Rautela sa pagkakaroon muli ng baby: "3rd one coming soon"
Share:
  • Kris Aquino ibinahaging may bagong pag-asa dahil sa bagong doktor niya: “I do have a strong chance of getting better.”

    Kris Aquino ibinahaging may bagong pag-asa dahil sa bagong doktor niya: “I do have a strong chance of getting better.”

  • Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

    Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

  • Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

    Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

  • Kris Aquino ibinahaging may bagong pag-asa dahil sa bagong doktor niya: “I do have a strong chance of getting better.”

    Kris Aquino ibinahaging may bagong pag-asa dahil sa bagong doktor niya: “I do have a strong chance of getting better.”

  • Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

    Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

  • Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

    Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.