Jason Abalos wife na si Vickie Rushton buntis na sa kanilang panganay.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Jason Abalos and wife Vickie Rushton’s pregnancy.
- Pagbati ng mga celebrities sa mag-asawa.
Jason Abalos and wife Vickie Rushton’s pregnancy
Magkakaanak na ang aktor na si Jason Abalos at kaniyang beautiful wife na si Vickie Rushton. Ito ang inanunsyo ng dating beauty queen sa kaniyang Instagram account.
Ang announcement ginawa ni Vickie sa pamamagitan ng isang cute Instagram video ng kaniyang ultrasound. Sa ultrasound makikitang may kalakihan na ang fetus na dinadala ni Vickie. Base nga sa voice-over ng nasabing video ay masasabing nasa pangalawang buwan na ng pagbubuntis si Vickie ng kunan ang nasabing ultrasound.
Ito ang caption ni Vickie sa nasabing video na may kalakip na bible verse.
“The first time we saw you.
“For this child we have prayed and the Lord has granted the desires of our hearts.”
1 Samuel 1:27”
View this post on Instagram
Pagbati ng mga celebrities sa mag-asawa
Ang mga celebrity friends nina Jason at Vickie ay masaya sa balitang ibinahagi ng beauty queen. Kaya naman nag-iwan sila ng congratulatory message nila sa mag-asawa.
Si Jason naman tatlong heart emoji ang naging reaksyon sa pregnancy announcement ng kaniyang misis.
Matatandaang nitong Disyembre nang nakaraang taon ay nagpahiwatig si Jason na gusto niya ng magkaanak sila ni Vickie. Ito ay matapos niyang i-share ang first Christmas photo nila ni Vickie bilang mag-asawa. Sa caption ng post ni Jason, hiling niya n asana soon ay “cute” ng nakasingit sa gitna nilang dalawa.
“Last year’s Christmas post na gamit yong picture namin sa marriage banns vs ngayon Mr. and Mrs na, ang daming nangyari na dapat ipagpasalamat sa taas, yong pinakamalupit na blessing na lang ni Lord ang hinihintay namin baka next year may cute na naka singit na sa gitna. :)”
Ito ang sabi noon ni Jason.
Sa ngayon ay natupad na ang wish ng aktor.
Congrats Vickie and Jason!