JC Santos and wife Shy Herrera, ibinahagi ang pregnancy journey sa kanilang "miracle" Baby River

Dasal at try lang ng try ang naging sikreto ni JC at Shy sa naging pagbubuntis kay River.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

JC Santos tinawag na miracle baby ang anak niyang si River. Alamin dito kung bakit at paano niya nasabi ito.

Mababasa sa artikulong ito:

  • JC Santos and wife Shy Herrera pregnancy journey with Baby River.
  • Why JC Santos and wife called Baby River a miracle baby.

JC Santos and wife Shy pregnancy journey with baby River

Image from JC Santos Instagram account

Nakapanayam ng aming theAsianparent team, ang couple na sina JC Santos at misis niyang si Shy Herrera. Dahil usap-usapan ngayon sa social media ang napaka-cute nilang baby na si River Aletheia. Si River ngayon ay higit sa isang taong gulang na.

Sa panayam ng aming team kay JC at Shy ay naikuwento nilang si Baby River pala ay isang miracle baby. Dahil si Shy ay may sakit palang endometriosis na inakala niyang dahilan para mahirapan siyang makapagdalang-tao. Ang kondisyon niyang ito ay hindi niya naman daw itinago sa mister na si JC. Kaya laking gulat at pasalamat nila ng ipagbuntis niya si Baby River.

“Si River sa totoo lang miracle baby siya. Kasi may endometriosis ako sa right ovary ko. So parang doon pa lang hindi na ako pwedeng magbuntis o magka-anak o magka-baby sabi ko sa kaniya.

Hineads up ko na siya. Thankful naman kami after ilang months of trying lang. Galing pa man din siya sa right ovary ko kung saan ‘yong endometriosis ko. So considered naming miracle baby nga siya talaga.”

Ito ang kuwento ni Shy.

Dagdag pa niya, gustong-gusto talaga nila ni JC na magkaaanak. Kaya kahit alam nilang mahirap para sa kondisyon niya ay sinubukan at ipinagdasal nila ng paulit-ulit na mabiyayaan sila ng anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“We were trying kasi gusto naming magka-baby. Tapos ayun dasal ng dasal at healthy lifestyle. Na-blessed naman kami.”

Ito naman ang kuwento ni JC.

Misis ni JC na si Shy nahirapan sa panganganak

Image from JC Santos Instagram account

Laking pasalamat nila ng pakinggan ng Diyos ang dasal nila. Nagpasalamat nga rin daw sila dahil mahigpit ang kapit ni River. Kasi noong mga panahong hindi pa alam ni Shy na siya ay buntis ay napaka-active pa niya sa gym.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Nagwo-workout pa ko non. After a week doon ko nalaman na pregnant na ako. Eh that time napaka-active ko sa gym.”

Ito ang sabi pa ni Shy. Bagamat dagdag pa niya may pakiramdam na siya noon na maaring buntis siya dahil namiss niya na ang kaniyang period.

Sa kabuuan, sa kabila ng kaniyang kondisyon ay naging maayos ang pagbubuntis noon ni Shy. Doon nga lang daw siya nagkaproblema noong siya ay manganganak na.

“Nung manganganak na ko doon na nagka-complications. Kasi yung placenta ni baby mababa ‘yong water content so kailangan kong ma-induce. Nag-3 days labor ako eh.”

Kuwento pa ni Shy, noong una ay sinubukan niya sanang mag-normal delivery. Pero sadyang maliit ang cervix niya at hindi makalabas si baby.

“Unfortunately, ‘yong cervix ko pala maliit hindi malabas-labas si baby. Retroverted. So nahihirapan lumabas si baby kaya nag-end ako cesarean,” sabi pa niya.

Sulit naman daw ang sakit, hirap at pagod ng mailabas niyang ligtas si baby River. Kuwento ni JC, ito daw ang naunang nasabi ng misis ng maipanganak niya na ang kanilang baby.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Her first sentence when lumabas na si River, ang tanong niya agad sa nurse ‘Kulot po ba?’ Sabi ng nurse ‘wala pa po basa pa ‘yong hair niya.’”

Ito ang natatawang kuwento ni JC.

BASAHIN:

REAL STORIES: My endometriosis miracle baby

Assunta De Rossi, emosyonal na binahagi ang sonogram ng kaniyang “miracle baby”

Miracle baby: Mum shares story of how her baby was brought back to life

Hatian ng toka ni Shy at JC bilang new parents

Image from JC Santos Instagram account

Bilang new parents, naghahatian ng toka si JC at Shy sa pag-aalaga noon sa newborn nilang si River. Si River ay ipinanganak noong February 2020, simula ng COVID-19 pandemic, kaya pag-amin ng mag-asawa ay nahirapan sila. Pero mabait naman umano at very calm si baby River. Lagi nga lang daw itong gutom biro ni JC.

“Ako ‘yong morning. Pag gising na si River, patutulugin ko na si Shy mga 9 or 10 matutulog siya. Tapos ako muna ‘yong sa breakfast. Ang rule namin sa pupu and change diapers, kung sino unang maka-amoy siya ang magpapalit.”

Ganito umano ang hatian nina JC at Shy sa pag-aalaga noon sa newborn pa nilang si Baby River.

Si JC Santos ay isang aktor na unang nakilala sa pagganap niya bilang “Ali” sa teleseryeng “Till I Met You” sa ABS-CBN. Maliban dito ay may mga nagawa na rin siyang pelikula tulad ng “On Vodka, Beers, and Regrets” kasama si Bela Padilla.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa press conference ng nasabing pelikula niya inanunsyo na siya ay magiging ama na. Ikinasal naman sila ng misis na si Shy noong Setyembre 2020.

Sa ngayon, siya ay gumagawa ng bagong proyekto kasama ang aktres na si Yassi Pressman. Ito ay ang Filipino remake ng Korean Film na “More Than Blue”.

Source:

ABS-CBN

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement