Kilalanin ang cute baby ni JC Santos na si Baby River Aletheia! Tignan ang kanilang cute pictures together.
Mababasa sa artikulong ito:
- Anak ni JC Santos na si Baby Aletheia
Anak ni JC Santos na si Baby Aletheia
Marso, nitong nakaraang taon, matatandaang ipinakilala ng aktor na si JC Santos sa buong mundo ang kaniyang baby girl. Ibinahagi ng aktor sa kaniyang instagram account ang picture nilang magkasama ni baby River Aletheia.
Sa kanilang picture makikita ang ngiti at saya sa mukha ni JC habang buhat-buhat si baby River.
“#HomeQuarantine #DaddyDuties Afternoon probinsya air for my little sunshine. 👼🏼 🌅,” caption ng aktor sa nasabing post.
Anak ni JC Santos na si baby River Atheleia, isa sa mga maituturing cutest baby sa social media ngayon
Si baby River Aletheia Santos ay ipinanganak noong February 2020.
Maraming netizens ang natutuwa at talaga namang nakakaramdam ng gigil dahil sa napakacute na si River.
Mayroon din sariling instagram account si Baby River na talaga namang sinusubaybayan ng publiko.
Makikita sa mga naunang post sa ig ni River na kahit ilang buwan pa lang ito ay talaga namang gustong gusto nito ang pagharap sa camera.
Sino ba naman ang hindi manggigigil sa napakacute na si baby River. Idagdag mo pa ang kulot, matatambok na pisngi at bilugang mata nito. Talaga nga namang real life baby doll!
Ngayon ay lagpas isang taong gulang na ang anak ni JC Santos. At habang lumalaki ay mas nakikita at lumalabas ang kakikayan nito.
Sa isang video na naka-post sa ig acc ni baby River, makikita na naglalagay ito ng lipstick sa sarili niya.
BASAHIN:
Jewel Mische ipinanganak na ang kaniyang 3rd baby na si Yzbel Quinn
LOOK: Ryzza Cenon, ipinagdiwang ang first birthday ni Baby Night
JC Santos, ineenjoy ang kaniyang pagiging first time daddy
Ito ang unang beses na naging ama si JC Santos, kung kaya naman bilang isang first time daddy hindi nito maiwasang iflex sa kaniyang social media accounts sa tuwing siya ay gumagawa ng mga daddy duties.
Simula rin nang ipakilala niya ang kaniyang anak sa buong mundo mas napadalas ang paspopost nito ng picture nila ng kaniyang baby girl.
Lumabas ang pagkamultitasker ng aktor ng dumating sa buhay nila si baby River.
Makikita sa instagram post na ito na naglalaro si daddy JC habang binabantayan ang kaniyang baby.
Talaga namang maganda ang araw kapag kasama mo ang cute na cute na baby tulad ni River, tignan ang larawang ito na may caption na, “Beautiful day! 😎”
Masayang-masaya si JC Santos sa kaniyang pagiging first Dad, at kitang-kita nga ito sa kaniyang mga post sa kaniyang Instagram account kasama ang kanilang baby ni Shyleena na si Baby Aletheia.
JC Santos at asawa nitong si Shyleena Herrera
Si baby River Aletheia ay anak ni JC Santos sa kaniyang non-chowbiz wife na si Shyleena Herrera.
Ang magkasintahan ay nagpakasal noong September 2019 at isinapubliko naman ni JC noong January 2020. Hindi maikakaila na masaya ang aktor sa relasyon nilang mag-asawa.
Si Shyleena o mas kilala sa palayaw nitong Shy ay crush na umano ni JC noong sila ay high school pa lamang. Nakilala niya si Shy nang dumalo sila sa parehong organization event sa kanilang paaralan.
Ayon sa aktor, unang kita pa lang niya sa dalaga ay nabighani na agad ito sa kaniyang kagandahan. Sinubukan niya rin umanong manligaw dito ngunit sa kasamaang palad ay na-basted siya nito.
Nagkahiwalay sila ng landas noong sila ay tumuntong sa kolehiyo at nagkaroon ng mga sari-sariling trabaho. Makalipas ang ilang taon ay pinagtagpo muli sila ng tadahana.
Sa pagkakataong ito ay hindi na pinalagpas ni JC ang pagkakataon, niligawan niyang muli si Shy, at hindi na pinakawalan pa. Maligaya ang aktor dahil ang pinapangarap lamang niya noon na babae ay asawa na niya ngayon, bonus pa dahil sa knialang baby girl.
Ayon kay JC, sa ngayon ay nakafocus sila ni Shy sa pagbuo at pagpapatibay ng kanilang pamilya. Idagdag mo pa ang pag-aalaga at pagpapalaki sa kanilang cute na cute na baby girl, na si River Aletheia