TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Jewel Mische ipinanganak na ang kaniyang 3rd baby na si Yzbel Quinn

5 min read
Jewel Mische ipinanganak na ang kaniyang 3rd baby na si Yzbel Quinn

Alamin dito ang kahulugan ng pangalan ng kaniyang pangatlong anak.

Jewel Mische ipinanganak na ang kaniyang pangatlong baby na isang girl ulit.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Jewel Mische gives birth to 3rd
  • Kahulugan ng pangalan ng anak ni Jewel Mische.

Jewel Mische gives birth to 3rd baby

Jewel Mische

Image from Jewel Mische’s Instagram account

 

Nanganak na si Jewel Mische! Ang magandang balita ay ibinahagi ng dating aktres sa kaniyang Instagram. Bagama’t wala pang detalye sa kaniyang panganganak ay ipinakita na ni Jewel ang taglay na kagandahan ng kaniyang pangatlong baby girl na pinangalanan nila ng kaniyang asawa na si Alister Kurzer na Yzbel Quinn.

Sa kaniyang post ay isinalarawan ni Jewel ang kaniyang baby na si Yzbel. Sabi ni Jewel ay pinaghalong looks ng kaniyang mga ate na sina Aislah Rose at Emerald Jade ang bunso nilang si Yzbel.

 
View this post on Instagram
  A post shared by Jewel Kurzer (@mischejewel)

“A full head of dark hair, doe-eyes, full lips and a perfect mix of his big sisters. Grateful that IF another girl, every prayer was answered and more!!!”

Ito ang pagsasalarawan ni Jewel sa kaniyang 3rd baby girl.

Dagdag pa ng aktres ay inlove na inlove na siya sa baby niyang si Yzbel. Kumbinsido nga raw siya na ito ay pinili talaga ng Diyos para sa kaniya.

“My heart, yet again, had grown a million sizes in one instance.. —Yzbel is definitely handpicked by the Lord and I can’t imagine life without her now. I shake my head in amazement”, sabi pa ni Jewel.

Jewel Mische hindi nalungkot na naging girl ang baby at hindi ang hiniling niya na sana ay boy na

Jewel Mische family

Image from Jewel Mische’s Instagram account

 

Nito lang Oktubre ay inamin ni Jewel na hinihiling niya sa Diyos na sana ay baby boy na ang kaniyang 3rd baby. Inakala niya ngang boy na talaga ito dahil sa laki ng pagkakaiba ng mga pregnancy symptoms na naranasan niya sa mga anak niyang sina Aislah at Emerald. Kahit nga raw nakapag-ultrasound na siya ay hindi pa rin nawawala ang kaniyang pag-asa.

“My first 2 pregnancies were almost identical. This pregnancy has been 100% different so that made me even more convinced it would be a boy this time. The first ultrasound showed a “70% sure girl” & “30% chance boy”, well, did that help.”

Ito na ang natatawang pagbabahagi ni Jewel sa kaniyang Instagram account. Dahil sa ito ay kaniyang 3rd at last baby na, ay hindi basta naalis ang paniniwala ni Jewel na ito ay magiging lalaki na.

Sa katunayan ay bumili at naghanda nga rin umano siya ng mga gamit na pang-baby boy kahit lumabas na sa ultrasound na 100% sure na baby girl ang ipinagbubuntis niya. Pero magkaganoon man hindi daw nalungkot si Jewel na maging girl ulit ang pangatlo niyang anak.

“I can honestly say though, even if desired, I’m not “desperate” for a baby boy. This is my last pregnancy & the thought of having 3 girls brings such sweet joy & satisfaction to my heart still.????”

Ito ang sabi pa ni Jewel.

BASAHIN:

Assunta De Rossi’s baby Fiore: Meaning behind the name

Jewel Mische sa panganganak ngayong may COVID-19 outbreak: “We did it!”

Jewel Mische, nagkwento tungkol sa kaniyang sakit na mastitis

Kahulugan ng mga pangalan ng anak ni Jewel Mische

Jewel Mische kids

Image from Jewel Mische’s Instagram account

Kung nasubaybayan ang mga naunang pagbubuntis at panganganak ni Jewel, ang pangalan ng kaniyang mga anak ay may mga kahulugan.

Tulad sa panganay niyang si Aislah Rose na ang pangalan ay mula sa salitang “isla” na ang ibig sabihin ay river at love. Dinagdagan lang ito ng letrang “h” para maiba ang spelling at magkaroon ng mas malalalim na kahulugan. Ito ay base sa Hebrew alphabet. Ang pangalang “Rose” naman ay mula sa paborito nilang bulaklak ng kaniyang asawa.

Ang pangalawa niyang anak ay nagngangalan namang Emerald Jade. Ayon kay Jewel napili nilang pangalanang Emerald ang kanilang pangalawang anak dahil sa ito ay nangangahulugan ng majestic beauty at rare strength. Dagdag pa na ito ay “tempered with mercy” at “lover of mankind.”

Samantala, para sa kaniyang 3rd baby ay sinabi ni Jewel na nahirapan silang mag-isip ng pangalan para rito.

“Truth is I’m spending all of my pregnancy waiting for some sort of linguistic miracle —waiting for that “God given name” for THIS ONE. Because you know, I’ve always said l believe that the name you choose for your baby will be a defining piece of his or her identity for a lifetime.”

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2

Ito ang pagbabahagi niya noon sa Instagram.

Yzbel Quinn: God’s perfection

Nakaugalian narin ni Jewel na magpagawa ng personalized blanket na kung saan nakasulat ang pangalan ng baby niya. Nitong Martes, ay binukasan ni Jewel ang pinagawa niyang personalized blanket para sa kaniyang 3rd baby girl. Sa mga blanket na old rose ang touch of color ay nakasulat ang pangalan ng kaniyang pangatlong anak na si Yzbel Quinn.

 
View this post on Instagram
  A post shared by Jewel Kurzer (@mischejewel)

Sa background ay maririnig si Jewel na ipinapaliwanag kung ano ang kahulugan ng pangalan ng pangatlo niyang anak. Ayon sa kaniya ang Yzbel ay name variation ng pangalang Ysabella na nangangahulugang “God’s perfection” base sa bibliya. Habang ang pangalang “Quinn” naman ay may Latin origin at nangangahulugang “a girl who is as pretty as two.”

Congrats Jewel Mische!

Source:

Instagram 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Jewel Mische ipinanganak na ang kaniyang 3rd baby na si Yzbel Quinn
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko