Jeep at UV express, balik operasyon na sa susunod na linggo

Mga jeep at UV express, balik operasyon na sa susunod na linggo. Alamin kung paano magiging safe kung sakaling mag-commute sa kabila ng banta ng COVID-19.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mga jeep at UV express, balik operasyon na sa susunod na linggo. Alamin kung paano magiging safe kung sakaling mag-commute sa kabila ng banta ng COVID-19.

Jeep UV Express balik operasyon

Bagama’t laganap pa rin ang coronavirus o COVID-19 sa bansa, nakasailalim na ngayon sa General Community Quarantine o GCQ ang Metro Manila. Ibig sabihin nito ay 50% ng mga PUVs ay dapat balik operasyon na rin.

Una nang nakabalik sa pamamasada ang mga bus at mga operasyon ng LRT at MRT. Kaya naman apela ng mga jeepney drivers, kailan sila mapapayagang bumyahe na rin?

Sagot ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB chief, maari na silang bumalik sa pagpasada sa susunod na linggo.

Image from Inquirer

Paliwanag pa ni Chair Martin Delgra,

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Next week for both UV and traditional jeepneys. For Monday, slots will be opened for UV and then followed by the traditional jeepney.”

Sitwasyon ng mga jeepney drivers

Dahil sa tatlong buwan na walang kita dahil sa lockdown, marami sa mga jeepney drivers ang umasa na isa sila sa mga mapapayagan nang bumalik sa kanilang trabaho noong June 1. Ito ay nang maideklara nang GCQ ang Metro Manila.

Dahil dito, ilan sa mga jeepney drivers ang nagprotesta at ang ilan naman ay nanglimos sa mga daanan. Naging sanhi pa nga ito nang pagkahuli sa ilan dahil nilabag umano nila ang lockdown guidelines.

Gayunpaman, mayroon namang alternatibong pamamaraan ang mga jeepney drivers para maging safe ang kanilang mga pasahero.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa video na ito, makikitang mayroon ng systematic na paraan ng pagbabayad at maging ang pag-upo sa loob ng jeep ay sumusunod sa social distancing.

Paano naman ang pag-angkas?

Image from ABS CBN News

Ang kasalukuyang polisiya ay nagbabawal pa rin na mag-angkas dahil hindi ito sumusunod sa social distancing.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kasama ang no backride policy sa inilabas na revised guidelines ng Department of Transportation (DOTr) para sa GCQ.

“Pillion riding or backriding on a motorcycle, however, is still prohibited, whether under ECQ or GCQ. Backriding does not comply with the government’s social distancing protocols.”

Sa ilalim ng GCQ, pinapayagan na ang mga public and private sectors na mag-operate muli. Ito ay basta sumusunod sila sa 50-50 workforce policy.

Gayunpaman, umaabot sa 100,000 katao ang mga daily commuters sa Metro Manila at kung makalahati man ito, hindi pa rin uubra kung limitado lamang ang kapasidad ng mga PUVs katulad ng bus at tren.

Ayon sa DOTr,

“Commuters should expect long queues before getting on the MRT 3 or a bus as authorities will strictly impose physical distancing even at the train stations and bus stops. MRT 3 will be allowed to carry only 12 percent of its regular passenger load and the buses 50 percent.”

Halos 2,000 Grab at taxi drivers naman na ang pinayagan ng LTFRB na magbalik pasada. Ngunit strikto nilang ipinapatupad ang social distancing kahit sa loob ng sasakyan. Ibig sabihin nito ay lahat ng mga GrabCar transactions ay gagawin ng cashless at hindi rin puwede ang GrabShare sa ngayon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dapat bang naka-GCQ na ang Metro Manila?

Image from Politics.com

“There are people around the world that are doing their best to fight COVID-19. But it is unlikely that this virus will disappear next week or even next month. This battle is going to be a long-term battle.”

Ito ang pahayag ni WHO Western Pacific regional director Takeshi Kasai.

Kaya dapat na gawing basehan ng gobyerno ng bawat bansa sa mundo ang epidemiological situation sa kanilang lugar sa pagli-lift ng lockdown. At dapat sila ay gumawa ng istratehiyang balanseng magbabalik sa normal na takbo ng lipunan habang patuloy na kinokontrol ang pagkalat ng sakit.

“We want every country to respond according to their local situations and prepare for a large-scale community outbreak. We want them to think of a strategy to bring back, in a balanced way, the societies back to normal as much as possible.”

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Source:

Inquirer

Basahin:

Private hospitals sa Cebu puno na ng COVID-19 patients

Sinulat ni

mayie