Isa raw sa ginawang hakbang ng Youtuber na si Jen Barangan sa pangba-bash na natatanggap niya ang pag-take ng break sa social media sa loob ng isang linggo.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Jen Barangan on handling bashers: “I think nag-social media detox ako like a week”
- Love life ni Jen Barangan at kung ready na ba siyang mag-settle down
Jen Barangan on handling bashers: “Nag-social media detox ako, like a week”
Hindi maiiwasan ng mga sikat na personality na makatanggap ng negative comments, panlalait, at lahat ng klase ng pangungutya mula sa kanilang bashers. Kaya nga iba-iba rin ang paraan nila sa pagha-handle ng ganitong sitwasyon depende kung ano ang mas nakakabuti para sa kanilang mental and emotional health.
Ibinahagi ng Youtuber na si Jen Barangan sa isang exclusive interview sa #ShareTheCare launch na partnership sa pH Care at Edukasyon.ph ang kanyang way sa paghaharap sa ganitong problema. Ayon sa kanya, challenging daw na maituturing ang pagha-handle sa ganitong sitwasyon. Minsan na rin daw siyang nagpahinga sa social media dahil hindi na niya kinakaya ang labis-labis na pamba-bash,
“It was really challenging, I think nagsocial media detox ako like a week and then I got back.”
Parati niya raw ipinapaalala sa sarili na hindi naman kilala ng mga taong ito ang kanyang buong pagkatao para maapektuhan sa kanilang mga sinasabi. Natutunan niya raw na mas bigyang importansya ang mga taong mas malalapit sa kanya na nakakaalam ng kanyang tunay na pagkatao. Sila pa nga raw ang lumalapit sa kanya para lang kumustahin siya,
“Then I realized kasi all of these people bashing me, they don’t know me, they just know the surface of it pero the whole me? They don’t know me. So parang sinabi ko sa sarili, “Why would I be affected to those people na hindi naman talaga ako kilala?””
“And those people na kilalang-kilala ako, they reached out to me and for me they matter the most.”
Iniisip na lang din daw niya na hindi naman ito nagre-reflect sa kanyang pagkatao at mas kanila ito,
“That’s when I finally decided to go back in social media and do whatever I want and whenever I see negative comments I just paran,g iniisip ko na lang what that person is doing is a reflection of him or herself rather than me so ‘yun yung nakakatulong din sa akin.”
Minsan pa nga raw sa halip na gantihan ito ng negative comments ay ibinabalik niya na lang ng positive na reply.
“Sometimes hindi ako nagbabasa ng mga comment pero if ever I’d get to encounter tinatry ko commentan ng positive.”
Jen Barangan hindi pa raw pinaplanong magpakasal with her current boyfriend
Kabilang sa sumikat na video ng Youtube na si Jen Barangan, ang pagkukwento niya sa kanyang ex-boyfriend. At kung paano ito nagloko sa kanya noon. Naging usap-usapan ito at kung paano niya nahuli ang pangangaliwa nito sa kanya.
Ikinwento niya ito na natatawa pa bagay na senyales na hindi na niya mahal ito. Mayroon na rin siyang bagong dine-date ngayon na pareho niya ring gumagawa ng content sa kanilang Tiktok account.
Ngayon, hindi tuloy maiwasan ng netizen na magbato ng katungan tungkol sa kanyang current boyfriend. Ma kapareha niyang nasa industriya ng aviation dahil isa rin pala itong piloto. Tanong ng marami kung kailan nga ba raw sila na magpapakasal.
Ayon sa Youtube, hindi pa raw nila napag-uusapan ang ganitong usapin. Wala pa sa plano nilang magpakasal dahil nga sa masyado pang bago ang kanilang relasyon. Bagaman ito naman daw ang nakikita niyang gagawin nila in the future,
“As of now, medyo we were [not] able to talk about it kasi sobrang bago pa namin. Siguro in the future pa.”
Sa ngayon naman daw ay smooth sailing naman ang career nilang dalawa ng kanyang boyfriend. Mas pinipili na lang daw muna nilan enjoyin ang bawat minuto ng kanilang achievements. Saka na lang pag-usapan ang pagpapakasal nilang dalawa,