Jennica Garcia ibinahaging pinoproseso na ang annulment ng kasal nila ni Alwyn Uytingco. Magkaganoon man, aktres hindi pa handang pumasok muli sa isang relasyon.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Jennica Garcia at Alwyn Uytingco annulment.
- Bakit hindi pa handa si Jennica na makipag-relasyon muli.
Jennica Garcia at Alwyn Uytingco annulment
Sa isang panayam ay natanong ang aktres na si Jennica Garcia ukol sa estado ng relasyon nila ng mister na si Alwyn Uytingco. Si Jennica mabilis ang naging sagot at sinabing nasa proseso na ang annulment ng kasal nila ni Alwyn.
“Definitely, we are already separated and then we are working on the annulment.”
Ito ang sabi ng aktres.
Pero kahit dalawang taon narin silang hiwalay ni Alwyn, si Jennica hindi parin humandang pumasok sa isang relasyon.
“Siguro kung hindi ako single mom and then I was just simply married in the past maybe I’ll be more open to being in a serious relationship again.”
Ito ang pahayag ni Jennica sa naging maingay na paghihiwalay nila ni Alwyn na pati ang ina niyang si Jean Garcia ay hindi napigilang magsalita rin noon.
Bakit hindi pa handa si Jennica na makipag-relasyon muli
Nang matanong naman si Jennica kung bakit hindi pa siya handang makipagrelasyon muli, ito ang naging sagot niya.
“Ang hirap kasi when you are dating, parang okay kasi siya as partner ko lang. Kasi when you are a single mom kailangan nakikita mo rin siya as a good father. Kasi feeling ko pag inisip ko lang sarili ko na he”ll be a good partner for me, parang ang selfish ko.”
Ito ang sabi pa ng aktres.
Matatandaang February 2021 ng magsimula ang ugong na hiwalay na sina Alwyn at Jennica. Ito ay matapos burahin ni Jennica ang mga picture nila ni Alwyn na magkasama sa kaniyang Instagram account. Sinundan ito ng pagtatanong ng aktres kung paano mapapalitan ang pangalan niya sa Instagram na kung saan gusto niyang alisin ang apelyidong Uytingco.
Hanggang sa ibinenta na online ng aktres ang mga lumang gamit nilang mag-asawa at lumipat sila sa bagong bahay ng kaniyang mga anak.