X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Jennica Garcia sa tunay na estado ng relasyon nila ni Alwyn Uytingco: “Hindi na po talaga kami mag-asawa.”

4 min read

Jennica Garcia and Alwyn Uytingco naging tuluyan na talaga ang paghihiwalay. Aktres ito ang nilinaw sa isang panayam.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Jennica Garcia and Alwyn Uytingco relationship.
  • Paghihiwalay ni Jennica Garcia at Alwyn Uytingco.

Jennica Garcia and Alwyn Uytingco relationship

Jennica Garcia and Alwyn Uytingco kasama ang dalawa nilang anak

Tuluyang ng tinuldukan ng aktres na si Jennica Garcia ang relasyon nila ng mister na si Alwyn Uytingco. Ayon sa pinaka-latest na interview kay Jennica, hindi na sila nagkabalikan ni Alwyn tulad ng inaakala ng marami.

“’Yon na po talaga ‘yon. Wala na po talaga akong ibang maisasagot kung hindi, hindi na po talaga kami mag-asawa.”

Ito ang deretsong pahayag ni Jennica tungkol sa estado ng relasyon nila ni Alwyn.

Pagpapatuloy niya, halos dalawang taon narin silang hiwalay ni Alwyn. At ngayon nagsasalita siya tungkol dito upang ito ay matuldukan na at hindi na mapag-usapan pa.

“And feeling ko, maraming nagugulat, pero matagal na po. Magdadalawang taon na po. Hindi siya bago. Oo. Nagkataon lang na hindi po kasi ako nagsasalita about it.

Pero ‘yon nga, para hindi na rin siya mapag-usapan ulit kasi gusto ko na rin talaga na moving forward, huwag na lang siyang pag-usapan pa.

Kasi hindi na rin naman iisa ang buhay naming dalawa ngayon, since we’re no longer romantically linked to each other.”

Ito ang sabi pa ni Jennica.

Dagdag pa ng aktres, pinili niyang limitahan ang mga pahayag tungkol sa kanila ni Alwyn bilang respeto sa pamilya nito. Dahil ayon sa aktres kahit hiwalay na sila, ang pamilya ni Alwyn at itinuturing niya paring pamilya niya.

“’Yon lang din talaga. I don’t think darating ‘yong araw na magiging bukas ako sa isang open interview para pag-usapan kung bakit ito natapos, kung ano ang nangyari. Out of my respect na rin kay Alwyn and his family, more importantly siyempre, ‘yong parents niya.”

“Ayaw ko kasing dumating sa punto na hindi ako makakatingin kina Mama Liza, ‘yong mommy ni Alwyn. Ayaw kong dumating ‘yong araw na hindi ako makakatingin sa mata niya dahil may nasabi ako na hindi maganda patungkol sa anak niya.”

“Dahil natapos man ‘yong marriage namin, hindi naman sila kasama doon. Kumbaga, in my mind, they will always be family. It’s just that, hindi na kami mag-asawa ni Alwyn.”

Ito ang sabi pa ng aktres tungkol sa estado ng relasyon nila ni Alwyn sa isang panayam sa kaniya ni DJ Jai Ho.

Paghihiwalay ni Jennica Garcia at Alwyn Uytingco

jennica garcia and alwyn uytingco

Larawan mula sa Facebook page ni Alwyn Uytingco

February 2014 ng maikasal sina Alwyn at Jennica sa pamamagitan ng isang secret wedding. Pebrero rin ng nakaraang taon ng magsimula ang ugong na naghiwalay na sila.

Ito ay matapos burahin ni Jennica ang mga picture nila ni Alwyn na magkasama sa kaniyang Instagram account. Sinundan ito ng pagtatanong ng aktres kung paano mapapalitan ang pangalan niya sa Instagram na kung saan gusto niyang alisin ang apelyidong Uytingco.

Hanggang sa ibinenta na online ng aktres ang mga lumang gamit nilang mag-asawa at lumipat sila sa bagong bahay ng kaniyang mga anak.

Subalit nanatiling tahimik ang aktres sa estado ng relasyon nilang mag-asawa. Ang kompirmasyon na sila ay hiwalay na ay ginawa ni Jennica noong Mayo sa pamamagitan ng isang virtual interview.

Oktubre noong 2021, base sa social media post ng dalawa ay nag-uusap sila sa posibleng pag-aayos ng kanilang pamilya. Magkasama rin nilang sinalubong ang pasko ng parehong taon kasama ang mga anak na sina Mori at Alessi.

Makikita rin sa mga social media post ni Alwyn na sinusuyo niya talaga ang asawa na si Jennica. Katunayan ay ibinahagi pa niyang na-celebrate na ang 12 years nila bilang mag-asawa. Si Alwyn may sweet na mensahe pa noon kay Jennica kasabay ng pagdiriwang ng Valentines Day noong nakaraang taon.

jennica garcia and alwyn uytingco valentines 2022

Larawan mula sa Facebook page ni Alwyn Uytingco

“Kaya mas excited ako na ipagdiwang anibersaryo at balentimes namin ni Jen. Lalo na sa taon na ‘to.”

“Alam naman natin lahat, isang MILAGRO ang ma-celebrate namin ang 12th anniversary namin. Muntik na nga magtapos sa 11th year. (Opo, dahil po sa’kin. Ako po ang may sala. Sorry na po.) Kaya napakahalaga sa akin / sa amin na maipagdiwang ang anniv namin. Kasi isa siyang malaking blessing talaga.”

“Nanay, salamat. At kahit ganito ako, maraming kakulangan sa’yo, maraming pagkakamali at napaka imperfect na tao, nakikita mo pa rin ako. Salamat sa 12 years natin pagsasama. Salamat sa pagmamahal.”

“I see you, Jennica. Mahal kita.”

Ito ang bahagi ng mensahe ni Alwyn noon para kay Jennica.

Marami ang nag-akalang mula noon ay tuloy-tuloy na ang naging pag-aayos ni Alwyn at Jennica.

Si Jennica hindi naman idinetalye kung annulled na ang kasal nila ni Alwyn. Pero pagdating sa pagiging magulang sa mga anak na sina Mori at Alessi ay nagkakasundo naman sila.

Inquirer

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

Inedit ni:

Marhiel Garrote

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Jennica Garcia sa tunay na estado ng relasyon nila ni Alwyn Uytingco: “Hindi na po talaga kami mag-asawa.”
Share:
  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

    Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

  • LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

    LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

    Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

  • LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

    LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.