Jennica Garcia on having a new partner: “Sa naranasan ko, ok na po kahit wala ng dumating, wag lang po ako masasaktan ng ganoon po ulit.”

Ayon sa aktres, kung may pangarap siya ngayon, ito ay para sa mga anak niya. At ang hiling na sana ay hindi nila maranasan ang naranasan niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Jennica Garcia nagkuwento tungkol sa hiwalayan nila ni Alwyn Uytingco. Sabi pa ng aktres, sa naranasan niya ay mas mabuti pang maging single siya kaysa masaktan ulit ng tulad ng ginawa ni Alwyn.

Mababasa dito ang sumusunod:

Pagkukuwento ni Jennica Garcia tungkol sa hiwalayan nila ni Alwyn Uytingco

Larawan mula sa Facebook account ni Jennica Garcia

Taong 2021 ng unang umugong ang balitang hiwalay na si Jennica Garcia at Alwyn Uytingco. Pero nabigyan ng pag-asa ang mga fans nila ng sabihin ni Alwyn sa parehong taon na binigyan siya ng second chance ni Jennica. Pero Pebrero nitong taon ay sinabi ni Jennica sa isang pahayag na hindi na talaga sila mag-asawa ni Alwyn. Bagamat sila daw ay may maayos na relasyon para sa dalawa nilang anak.

Sa panayam sa kaniya ng kilalang broadcaster na si Karen Davila kasama ang inang si Jean Garcia ay nagkuwento si Jennica tungkol sa naging hiwalayan nila ni Alwyn. Ayon kay Jennica ay nagkabalikan sila ni Alwyn at sinubukang ayusin ang kanilang pagsasama. Pero sa second chance nila, siya na ang umayaw at nakaisip na tuluyan ng ihinto ang relasyon nila.

“When we separated, I already gave my all for another year to try. Si Alwyn nung bumalik naman siya he tried nakita ko naman yung willingness niya. Sa totoo lang po parang ako na yung problema after nung one year.”

“We don’t fight kasi ayoko nga ng conflict. Pero di ko napansin na sa one-year pala na yun parang nag-momoveon na ko ng hindi ko alam. Kaya nung sinabi ko sa kanya na pasensya ka na, ayoko na. Feeling ko nagulat din siya.”

Ito ang pagbabahagi ni Jennica.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Facebook account ni Jennica Garcia

Jennica sa muling pag-aasawa

Ayon kay Jennica, nang mga panahon daw na iyon ay feeling niya wala na siyang maibibigay pa sa asawa. Dahil daw naibigay niya na dito ang lahat. Naging masyadong conscious din daw siya sa sarili niya at natakot na baka iwan muli siya dahil sa itsura niya.

“Ang problema, alam ko, pag tinuloy ko pa hindi ko nakikita na enough yung sarili ko. Natatakot akong tumanda. Doon ko na-feel na nasa bahay lang ako pero parang kailangan kong mag-concealer ata.”

“When I was married with him, I know I gave my 200 percent. So nung umalis siya binigay ko yung 200 ko wala na kong 300 na ibibigay. Yung napepressure po ako hindi enough yung naibigay ko so kailangan kong magbigay ng bago para hindi na siya aalis.”

Ito ang pagbabalik-tanaw pa ni Jennica sa nangyari sa pagsasama nila ni Alwyn.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nang matanong kung naiisip ba ni Jennica na mag-asawa ulit, ito ang naging sagot ng aktres.

“Sa naranasan ko po kasi ok na po kahit wala ng dumating, wag lang po ako masasaktan ng ganoon po ulit.”

“Kung meron po akong pangarap ngayon e yung mabuhay ko po yung mga anak ko na masaya po sila. Mabigay ko pangangailangan nila at higit  sa lahat makahanap sila ng asawa sa future na hindi po sila iiwan.”

Ito pa ang sabi ni Jennica.

Larawan mula sa Facebook account ni Jennica Garcia

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement