Jennica Garcia sa mga anak na sina Mori at Alessi: “They are such beautiful, kind and sensitive souls.”

Jennica super proud at thankful na lumalaki ng maayos ang mga anak sa kabila ng paghihiwalay nila ng mister na si Alwyn Uytingco.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Jennica Garcia ibinahagi ang sweet and touching moments niya kasama ang two little daughters niyang sina Mori at Alessi.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Jennica Garcia sweet touching moments with daughters Mori and Alessi.
  • Celebrity mom na si Jennica nagpasalamat sa pagkakaroon ng two beautiful at sensitive daughters na sina Mori at Alessi.

Jennica Garcia sweet touching moments with daughters Mori and Alessi

Larawan mula sa Instagram account ni Jennica Garcia

Nitong July 15 ay nagdiwang ng kaniyang 8th birthday ang panganay nila Jennica Garcia at Alwyn Uytingco na si Mori. Base sa post ni Jennica sa Instagram ay masaya bagamat simple nilang naidaos ang birthday ng kaniyang anak. Ito ay sa pamamagitan ng pag-didinner, paglalaro sa arcade, playhouse at pagbisita sa isang library.

Pero ayon kay Jennica, mas naging special daw ang birthday celebration ng anak para sa kaniya nang pauwi na sila. Habang hinihintay daw ang kanilang Grab car na ibinook ay may touching moment na ginawa ang dalawa niyang anak.

Si Alessi pinagpose sa kaniyang toy camera ang kaniyang Ate Mori. Ang mga sinabi ng anak na si Alessi ang kumurot daw sa puso ni Jennica. Dahil hindi niya daw akalain na matatandaan ito ng anak.

“Ate Mori please, I’m freezing time. I like seeing you happy and you’re so beautiful.”

Ito daw ang sabi ni Alessi sa kaniyang ate.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon kay Jennica, minsan na siyang tinanong ng anak na si Alessi noon kung bakit lagi niyang pinipicturan silang magkapatid. Ang sagot ni Jennica, ito daw ay paraan niya para i-freeze ang oras na kasama sila.

Larawan mula sa Instagram account ni Jennica Garcia

Jennica nagpasalamat sa pagkakaroon ng two beautiful at sensitive daughters na sina Mori at Alessi

Kaya naman si Jennica, labis na na-touch na natandaan pa ito ng anak. Kaya naman ang proud mom, mas lalong nagpasalamat sa Diyos sa pagkakaroon ng dalawang pretty at sensitive na mga anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Thank you Lord for giving me the best gift in Mori and Alessi. 🙏🏼 They are such beautiful, kind and sensitive souls.”
“Happy Birthday Mori! 🌼”

Ito ang sabi ni Jennica at pahabol na pagbati sa panganay niyang si Mori.

Samantala, ilang araw bago ang kaarawan ni Mori ay nag-celebrate din ng kaniyang 5th birthday ang bunso niyang si Alessi.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Jennica Garcia

 

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement