Ibinahagi ni Jennica Garcia ang hirap na naranasan niya nang isilang ang kaniyang ikalawang anak na si Alexis.
Jennica Garcia nagkaroon ng postpartum depression
Hindi naging madali para kay Jennica Garcia ang pagiging isang magulang sa kaniyang mga anak na sina Athena Mori at Alexis. Sa interview ni Bernadette Sembrano sa aktres, ibinahagi nito ang dinanas na postpartum depression matapos manganak sa kaniyang bunso na si Alexis.
Matatandaang pinangungunahan noon ni Jennica Garcia ang tribe ng earth loving mothers na tinatawag na Kalinga Ni Nanay. Pero dahil sa nararanasang depresyon ay itinigil ito ni Jennica.
“Tinigil ko ‘yung talks ng Kalinga Ni Nanay because I had postpartum depression with my second child. And I didn’t feel eligible or a good enough mother to hold talks,”
“I was so confident on how I parent my child, then nawala ako ng confidence kasi noong dumating ‘yung 2nd baby ko, hindi ko na nagagawa ‘yung mga routine na ginagawa namin noon. I was already resorting to gadgets para maaliw ‘yong –kumbaga yung tinuturo ko hindi ko na siya na-aapply.”
May mga pagkakataon umano na pakiramdam ng aktres ay hindi siya nagiging mabuting ina sa kaniyang panganay. Naiisip umano niya na hindi niya naibibigay ang best niya bilang isang ina sa kaniyang panganay na anak dahil sa pagiging abala sa kaniyang bunso. Dahil dito, tuwing gabi raw ay pinarurusahan niya ang kaniyang sarili.
Hindi man nabanggit ni Jennica kung anong klaseng parusa ang ginagawa nito sa kaniyang sarili. Malinaw na hindi maganda ang epekto ng postpartum depression sa aktres.
Nalaman na lang daw niya na mayroon siyang postpartum depression nang maghiwalay na sila ng kaniyang ex-husband na si Alwyn Uytingco. Tumagal na raw pala ng tatlong taon ang iniinda niyang postpartum depression.
“When it comes to postpartum I’ve found out that it’s very important that your husband is supporting you, 100 and 10 percent. You have to feel cared for. It’s the gesture that she needs. Very important ‘yung support ng in laws, support ng parents. And the sweetest thing that a friend can do, once a week magpadala kayo ng ulam.” “Minsan kasi ang nanay hindi na ‘yan kumakain. Pagkatapos mapakain ang mga bata, pagod na pagod na ‘yan gusto na lang matulog.”