Jennica Garcia sa mga single mom na tulad niya: “Huwag kayong mag-alala season lang ‘yan. Darating ang panahon na sasabihin niyo, ‘Ay, kaya ko naman pala”

Si Jennica ngayon mula sa pagkakalugmok ng magkahiwalay sila ni Alwyn Uytingco ay unti-unting nakabawi na.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Jennica Garcia ibinahagi ang pinagdaanan niya ng siya ay maging single mom na.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Jennica Garcia life as a single mom.
  • Payo ni Jennica sa mga single mom na tulad niya.

Jennica Garcia life as a single mom

Larawan mula sa Facebook account ni Jennica Garcia

Sa isang panayam ay ibinahagi ng aktres na si Jennica Garcia ang naging karanasan niya simula ng magkahiwalay sila ng mister na si Alwyn Uytingco. Kuwento ng aktres unti-unti niyang ibinenta ang mga gamit niya para matustusan ang pangangailangan niya at dalawang anak.

“Nung single mom na ako paisa-isa na ko let go ng mga items ko. Kasi ayoko talagang mangutang.”

“Naalala ko nun, nung magmomove na kami ang una kong binenta cellphone. Binenta ko yung cellphone ko. Tapos nagpalit ako ng phone na basta lang may working na app na Instagram at Facebook. Pero mura lang yun kasi parang 4 thousand lang yun e. Tapos syempre groceries namin ng mga bata, ang next kong binenta the month after that yung laptop ko. Pinakahuli kong binitawan yung Nintendo Switch ko.”

Ito ang pag-aalala ni Jennica sa mga unang buwan ng sila ay magkahiwalay ng mister niyang si Alwyn.

Kuwento pa ni Jennica, maliban sa pagbebenta ng gamit ay kinailangan niya ring patigilin sa pagtratrabaho sa kaniya ang mga househelp nila. Dahil sa hindi niya na kayang paswelduhin pa ang mga ito.

Ganito man ang pinagdaanan ni Jennica simula ng siya ay maging single na, hinarap niya daw itong mag-isa. Ito ang paliwanag ng aktres kung bakit.

“Gusto ko ring ituro sa mga anak ko na dapat kaya naming mag-adjust sa kung ano lang yung capacity lang namin na meron kami.”

Ito ang pag-aalala pa ni Jennica sa kaniyang pinagdaanan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram ni Jennica Garcia

Payo ni Jennica sa mga single mom na tulad niya

Pero ngayon si Jennica nakabawi na at muli ng nakaahon sa pagkakalugmok niya matapos ang hiwalayan nila ng mister. Sa isang panayam, ito nga ang payo ni Jennica sa mga single moms na tulad niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Sa mga biglang naiwan o nagulat na nagising mag-isa, huwag kayong mag-alala season lang ‘yan. Darating ang panahon na sasabihin niyo, ‘Ay, kaya ko naman pala.”

Ito ang sabi pa ni Jennica.

Larawan mula sa Facebook account ni Jennica Garcia

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement