Sa gitna ng usap-usapan ng hiwalayan nina Jennica Garcia Uytingco at asawa nitong si Alwyn Uytingco, naglabas ng open letter ang aktres para sa mga mag-asawa na nakakaranas ng problema sa kanilang relasyon.
Mababasa sa artikulong ito:
- Jennica Garcia Uytingco’s open letter
Jennica Garcia Uytingco: “There is nothing you can do to change your spouse heart.”
Taong 2014 ikinasal ang aktres na si Jennica Garcia sa aktor na si Alwyn Uytingco. At ngayon, sila ay may dalawang babaeng anak na sina Athena at Severina.
Ngunit bago matapos ang buwan ng Marso, naging kabi-kabila ang usapan sa celebrity couple matapos magtanong ni Jennica sa kaniyang Instagram account kung paano magpalit ng username sa nasabing platform, “I wish to change my USERNAME and NAME here on Instagram but with every attempt, I am asked to contact support because my account is verified.”
BASAHIN:
5 karaniwang pinag-aawayan ng bagong mag-asawa at paano ito masosolusyonan
Lara Quigaman’s advise to pregnant moms: Huwag kalimutan alagaan ang sarili
Jessy Mendiola to Luis Manzano: “I choose to spend the day and all of my tomorrows with you.”
Napansin din ng karamihan na inalis nito ang mga litrato ng kaniyang asawa sa kaniyang account. Dito na nagkaniya-kaniyang tanong ang mga netizen kung naghiwalay na ba ang dalawa.
Kasunod nito ay ang open letter ng aktres para sa mga mag-asawa na kasalukuyang nakakaranas ng problema sa kanilang relasyon.
Narito ang kaniyang sulat,
“Dear Parents,
Self love is not selfish. It only becomes selfish when you love yourself too much to the extent that your family becomes broken because of it. If you are going through something in your marriage but both of you are helping each other to keep the marriage intact, all praises to God!
However, if only the husband or the wife is trying to fix what is now broken and your spouse already let go of you to start a journey that is all about them (me, myself and I) A journey without your family in it… Cling to God and do not beg further for your spouse affection when you already tried getting them back many times.”
Payo ng aktres sa mga mag-asawa, kung alam nilang kaya pa, panatilihin lamang na malapit at buo ang pagsasama. Para naman sa mga iniwan na asawa, ‘wag na silang maghabol pa at panahon na para pakawalan sila.
“This is a bitter pill to swallow but truth is, there is nothing you can do to change your spouse heart. That is something only Jesus can do and you are not God. It is going to be very hard but know that you are never alone in Christ. The desire for companionship will be so strong during moments of loneliness but take courage in the fact that the Lord knows your story from start to finish. There are marriages that make it till their last breath, then there are those who end up parting ways for good. Which one among the two, will you end up in? Only God knows.
So hold on tight to Jesus and pray for His will and not yours to be done. WHY? Because whether your family is restored or otherwise, there is no better life than the life God has planned for you.”
Samantala, naging parte ng programang “Cristy Ferminute” sa Radyo Singko si Jennica Garcia. Dito natanong ang aktres ng host na si Cristy Fermin na siyang ninang din ng isa sa kaniyang mga anak tungkol sa estado ng kanilang pagsasama ng asawa. Subalit sagot ng aktres, ay hindi pa niya kayang pag-usapan ito sa harap ng maraming tao.
Naglabas din ng handwritten letter ang aktres para sa mga anak na sinasabi ang kaniyang pinagdadaanan at kung paano siya nagiging malakas sa gitna ng pagsubok. “Athena and Severina, know that Nanay has no regrets.” panimula ni Jennica. “Yes, I get scared when I think about the coming months and years because this is not how I planned the two of you to grow up.”
Nananatili namang tahimik si Alwyn Uytingco sa kaniyang Instagram account. Subalit naglabas ito ng kaniyang litrato at ang caption ay, “Ano man ang ibigay sa ‘yo ng buhay. ‘Wag mong bibitawan ang mga salitang “ok lang, may bukas”. Pumikit. Huminga. Lumaban ulit.”
Sa Facebook page ni Jennica, napansin ng mga netizen na ang kaniyang maiden name na ang ginagamit niya. Sa kabila ng usap-usapang ito, marami pa rin ang umaasang magka-ayos ang dalawa at malampasan ang problemang hinaharap.
Source: