Nitong linggo lamang, opisyal nang inanunsyo nina Jessy Mendiola at Luis Manzano na sila ay kasal na, ating silipin ang kanilang intimate wedding na ginanap sa Batangas.
Mababasa sa artikulong ito:
- Intimate wedding nina Luis Manzano at Jessy Mendiola
- Jessy Mendiola at Luis Manzano relationship
LOOK: Luis Manzano at Jessy Mendiola, ikinasal na!
Unang kinumpirma ng aktres na si Jessy Mendiola ang kaniyang relasyon sa TV host na si Luis Manzano noong 2016. Bago matapos ang taong 2020, inanunsyo nila ang kanilang engagement.
At nito ngang linggo, April 4, pagkatapos ng halos apat na taon ay ikinasal na ang dalawa via intimate wedding sa Lipa, Batangas.
Sa Instagram post ng aktres na si Jessy Mendiola, ipinasilip nito ang kanilang ilang wedding pictures pati na rin ang mismong video ng kanilang kasal. “So they are no longer two, but one flesh. Therefore what God has joined together, let no one separate.”
BASAHIN:
Jessy Mendiola: A friend “ruined” Luis’s proposal
“Months na lang.” Jessy Mendiola may plano nang magpagawa ng bahay kasama si Luis Manzano
LOOK: Sam Pinto ikinasal na sa basketbolistang si Anthony Semerad
Ang kanilang intimate wedding ay dinaluhan lamang ng ilang kamag-anak at kaibigan na malalapit sa kanila. Isa na rito ang magulang ni Luis na sina Edu Manzano at Vilma Santos-Resto. Kasama sina Senator Ralph Recto at Ryan Recto. Bukod pa rito, lubos ang pasasamalat nina Jessy at Luis kay Lipa City Mayor Eric Africa na siyang tumulong sa kanilang kasal sa Lipa, Batangas.
“Officially Mrs. Manzano.” ito ang naging caption ng aktres sa isa pa nitong picture kasama ang asawang si Luiz Manzano.
Mula sa malalapit na taong dumalo sa kanilang kasal, naging simple ngunit memorable ang kanilang espesyal na araw. Nakasuot ng puting gown si Jessy habang pink suit naman si Luis. Hindi rin naiwasang maging emosyonal ng dalawa sa gitna ng seremonya.
Luis Manzano at Jessy Mendiola wedding | Screengrab from Jessy Mendiola YouTube video
Hindi nawala ang pagiging komedyante ni Luis nang binasa nito ang isang lyrics ng kanta imbes na ang totoo nitong wedding vow. Ngunit narito ang kaniyang nasabing vow:
“I want to promise you that I will love you each day that comes. Even on those days na pareho tayong hindi kamahal-mahal. I will choose to love. I promise to be your rock when you are weak, to put a smile on your face even on the darkest days.”
Kapansin-pansin din ang pagiging emosyonal ni Jessy habang sinasabi ang kaniyang wedding vows.
“I will protect you and I promise that if you grow weak, I will be there to fight your battles for you. Today is the beginning of our journey, our lives together. I choose to spend the day and all of my tomorrows with you. I love you Ho Ho.”
Luis Manzano at Jessy Mendiola wedding | Screengrab from Jessy Mendiola YouTube video
Jessy Mendiola and Luis Manzano relationship
Sa media conference ng talk show program sa TV5 na Chika Besh and Fit For Life ay nagbahagi si Jessy Mendiola ng ilang impormasyong tungkol sa relasyon nila ng kilalang TV host na si Luis Manzano noong nakaraang taon. Ayon kay Jessy, ang relasyon nila ngayon ni Luis ay 4 years ng happy and strong.
Sa kabila ng mga pagsubok na kanilang pinagdaanan na ayon kay Jessy ay naging daan upang mas tumibay pa ang kanilang relasyon.
“Syempre maraming mga beses na ang isang relationship maraming pinagdaanan. So hindi lang naman about that alam nyo naman ‘di ba minsan tayo sa isang relationship may trust issues tayo. Mayroon tayong pinagdaanan noon na hindi madaling kalimutan at maka-moveon. Slowly as you go on with the relationship, marami kang matutunan and mag-heheal ka rin.”
Ito ang pahayag pa ni Jessy.
Luis Manzano at Jessy Mendiola wedding | Screengrab from Jessy Mendiola YouTube video
Marami nga rin daw silang planong magkasama. Sa katunayan ay nagplaplano na nga silang magpagawa ng dream house nila by the beach. Na ayon kay Jessy ay malapit ng matupad sa mga susunod na buwan. “Months nalang matutupad na yung pangarap namin na house by the beach.”
“Marami na kaming na-plaplan pero gusto lang naming onti-ontiin. And of course, maraming nagaganap, gusto namin palipasin iyong pandemic na ito. But everything’s clear for us.”
Ito ang dagdag na pahayag ni Jessy tungkol sa takbo ng relasyon nila ani Luis.
Again, congrats to the newly wed Mr. and Mrs. Manzano!
Karagdagang ulat mula kay Irish Mae Manlapaz