"Months na lang": Jessy Mendiola may plano nang magpagawa ng bahay kasama si Luis Manzano

"Months na lang": Jessy Mendiola may plano nang magpagawa ng bahay kasama si Luis Manzano

Jessy Mendiola inaming napag-uusapan na nila ni Luis Manzano na magpakasal. Pero bago yun ay mauuna muna ang pagpapagawa ng dream house nila.

Jessy Mendiola and Luis Manzano may plano ng magpagawa ng bahay! Ito ang inamin ni Jessy sa isang panayam tungkol sa estado ng kanilang relasyon.

Jessy Mendiola and Luis Manzano relationship

Gawing Sunday morning habit ang Fit for Life. Tumutok tuwing Linggo, ika-7 ng umaga sa
TV5. Mayroon itong primetime replay sa Colours kada Lunes, ika-7 ng gabi, at
mapapanood din sa Cignal TV sa CH 202 HD at 60 SD.

Sa media conference ng pinakabagong talk show program sa TV5 na Chika Besh and Fit For Life ay nagbahagi si Jessy Mendiola ng ilang impormasyong tungkol sa relasyon nila ng kilalang TV host na si Luis Manzano. Ayon kay Jessy, ang relasyon nila ngayon ni Luis ay 4 years ng happy and strong.

“Marami din doubt, maraming hesitations noon pero now we are very strong 4 years na kami. Feeling ko at this point marami na kaming natutunan sa isa’t-isa to move on with life together.”

Ito ang pahayag ni Jessy sa panayam.

Ito ay sa kabila ng mga pagsubok na kanilang pinagdaanan na ayon kay Jessy ay naging daan upang mas tumibay pa ang kanilang relasyon.

“Syempre maraming mga beses na ang isang relationship maraming pinagdaanan. So hindi lang naman about that alam nyo naman di ba minsan tayo sa isang relationship may trust issues tayo. Mayroon tayong pinagdaanan noon na hindi madaling kalimutan at maka-moveon. Slowly as you go on with the relationship, marami kang matutunan and mag-heheal ka rin.”

Ito ang pahayag pa ni Jessy.

Luis Manzano and Jessy Mendiola promise ring

jessy mendiola and luis manzano

Image screenshot from Chika Besh video

Dagdag pa ni Jessy, bagamat wala pang petsa kung kailan sila lalagay sa tahimik o magpapakasal ni Luis ay napag-uusapan naman nila ito. At naniniwala sila na may tamang oras para dito.

“Napag-uusapan narin namin. Everything happens sa tamang oras at syempre nasa plano yan ni Lord” sabi ni Jessy.

Sa ngayon, ang commitment nga daw nila sa isa’t-isa ay mapapatunayan sa promise ring na ibinigay ni Luis sa kaniya.

“Binigay niya sa akin two years ago and oo suot ko sya lagi. It’s a great feeling na you know na he respects my time. Yung timeline ko nirerespeto niya, yung mga plano ko sa buhay ni-rerespeto niya.”

“And he was there all the way and sobrang thankful ko lang kay Luis dahil he has been so patient.”

Ito ang dagdag pang pahayag ni Jessy.

Planong pagpapagawa ng bahay nina Luis at Jessy

Marami nga rin daw silang planong magkasama. Sa katunayan ay nagplaplano na nga silang magpagawa ng dream house nila by the beach. Na ayon kay Jessy ay malapit ng matupad sa mga susunod na buwan.

“Months nalang matutupad na yung pangarap namin na house by the beach.”

“Marami na kaming na-plaplan pero gusto lang naming onti-ontiin. And of course, maraming nagaganap, gusto namin palipasin iyong pandemic na ito. But everything’s clear for us.”

Ito ang dagdag na pahayag ni Jessy tungkol sa takbo ng relasyon nil ani Luis.

Luis Manzano on marrying Jessy Mendiola

jessy mendiola and luis manzano

Image from Luis Manzano’s Instagram account

Nitong nakaraang taon sa isang panayam ay deretsahan naman ding sinagot ni Luis kung bakit hindi pa niya inaayang magpakasal si Jessy. Ito ang naging kaniyang sagot.

“I am sure about her. I’m not having doubts at all. It’s just that I want to provide for her and give her the life that I think she and my would-be family deserve.”

Dagdag pa nga ni Luis, madali lang ang pagpapakasal pero ang pagmemaintain ng tahanan o ng isang pamilya ay mahirap. Kaya gusto niyang masiguro na siya ay handa na sa oras na pasukin niya na ito.

Nito lamang June 26 ay nag-celebrate ng kanilang 4 years anniversary bilang magkasintahan sila Luis at Jessy. Makikita nga sa mga larawan nilang magkasama kung gaano nila kamahal ang isa’t-isa at kung gaano sila kasaya.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

4 years of ups, downs… and so much mor! Happy 4th howhow ❤️❤️ @senorita_jessy

A post shared by Luis Manzano (@luckymanzano) on

Jessy Mendiola and Luis Manzano relationship issues

Matatandaang noong 2016 ay naging usap-usapan na si Jessy Mendiola ang naging dahilan ng hiwalayan ng noon ay magkasintahan na sina Luis Manzano at Angel Locsin. Pero sa pamamagitan ng social media ay nilinaw naman ni Luis na hindi ito totoo. Ayon sa kaniya, nagsimula umano silang lumabas ni Jessy tatlong buwan matapos silang opisyal ng maghiwalay ni Angel.

“To everyone asking or pretending to be ‘detectives,’ I was already single January pa lang. Around 2 days after the Star Wars Force Awakens showing here.”

“And the first time we got to really hangout was my birthday last year. Kung may iba kayong alam na mas alam pa sa amin, aba, e di kayo na!”

Ito ang pabirong sagot ni Luis sa mga bashers ni Jessy Mendiola sa social media.

Maliban sa 3rd party issue na ito ang isa pang pinupukol ng mga kritiko ng kanilang relasyon ay ang higit sa sampung taong agwat ng edad ni Luis kay Jessy. Ito naman ay kinibit-balikat lang ng dalawa at patuloy na pinatutunayan sa mga ito na masaya at mahal nila ang isa’t-isa.

 

Source:

Inquirer Entertainment, SunStar

BASAHIN:

Vilma Santos, minsan na raw sinagip ang buhay ni Jessy Mendiola, ayon kay Luis Manzano

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Article Stories
app info
get app banner