Jennica kung bakit hindi basta humihingi ng tulong sa inang si Jean Garcia: “Ganoon ba yun na kapag ba mayaman magulang mo nakahingi ka kaagad?”

Jennica sinabing natutunan niya daw maging responsible dahil sa ina niya ring si Jean Garcia.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Jennica Garcia nagkuwento kung bakit hindi siya humingi ng tulong sa inang si Jean Garcia noong mga panahong nahihirapan siya matapos ang hiwalayan nila ng mister na si Alwyn Uytingco.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Jennica Garcia bilang anak ng aktres na si Jean Garcia.
  • Jean proud sa anak niyang si Jennica.

Jennica Garcia bilang anak ng aktres na si Jean Garcia

Larawan mula sa Facebook account ni Karen Davila

Sa nakaraang panayam kay Jennica Garcia ng kaibigan niyang si Ynna Assistio ay ikinuwento niya kung paano niya unti-unting ipinagbebenta ang mga gamit niya noong nagkahiwalay sila ni Alwyn Uytingco. Ito ay para maibigay ang pangangailangan ng dalawa niyang anak.

Ang tanong ng maraming nakapanood ng panayam kay Jennica, bakit hindi siya tinulungan ng kaniyang ina at kilalang aktres na si Jean Garcia? Sa panayam sa kaniya at sa inang si Jean Garcia ni Karen Davila ay ibinahagi ni Jennica ang dahilan niya kung bakit hindi siya humingi ng tulong sa ina.

Pagkukuwento ni Jennica, hindi naman daw alam ng inang si Jean ang nangyayari sa kaniya noon. Kuwento rin ni Jean, ay nirerespeto niya ang privacy at family life ni Jennica. Kaya naman hinihintay niya ang anak na magkuwento o lumapit sa kaniya sa oras na may kailangan ito.

“Kung hindi siya mag-oopen up sa akin kahit na may inkling ako o something hindi manggagaling sakin na balita ko o ganito ganoon. Hinihintay ko palagi, respeto yun na siya yung magoopen-up. Yung ready siya.”

Ito ang sabi ni Jean.

Larawan mula sa Facebook account ni Jennica Garcia

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paliwanag naman ni Jennica, hindi talaga siya humingi ng tulong sa inang si Jean Garcia. Dahil alam niya naman daw na kaya niya pang gumawa ng paraan at higit sa lahat alam niyang hindi magdadalawang-isip ang ina na tulungan siya.

“Ganoon ba yun na kapag ba mayaman magulang mo nakahingi ka kaagad?”

“Yung reason ko rin talaga bakit ‘di ko sinabi kay Mama kasi alam kong ibibigay niya. At hindi naman niya kailangang ibigay kasi kung wala naman kami, hindi naman po namin ikamamatay.”

Ito ang pagkukuwento naman ni Jennica.

Jean proud sa anak niyang si Jennica

Larawan mula sa Facebook account ni Jennica Garcia

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pagpapatuloy pa ng aktres, kung ano man siya ngayon ito ay dahil narin sa inspirasyon at nakita niya sa inang si Jean na isa ring single mom. Dahil si Jennica, ni minsan daw ay hindi naramdaman na naghihirap sila. Ito ay bunga narin ng pagsisikap ng ina na maibigay ang lahat ng pangangailangan niya.

“Kahit single mom siya, siya lahat. Never kong na-feel na mahirap kami. Kasi si Mama very generous siya sa akin.”

Ito ang sabi pa ni Jennica tungkol sa inang si Jean Garcia.

Habang ang aktres naman na si Jean, sobrang proud rin sa anak na si Jennica. Dahil sa kabila ng hirap na naranasan nito ay nagawa nitong tumayo sa sarili niyang mga paa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Sobrang proud ako sa kanya kasi kumbaga, kakahiwalay niya lang sa asawa, tapos ngayon nag-start siya ng panibagong buhay. Ngayon, nakakabili siya unti-unti dahil hardworking siya. Tapos nanay siya, naaalagaan niya ang mga anak niya.”

Ito ang sabi naman ni Jean tungkol sa anak niyang si Jennica.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement