Aktres na si Jennylyn Mercado may babala sa mga gumagamit ng larawan at identity ng anak niya sa social media.
Mababasa dito ang sumusunod:
Jennylyn Mercado sa gumagamit ng identity ng anak niya
Larawan mula sa Instagram account ni Jennylyn Mercado
Napaka-cute naman talaga ng anak nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo na si Dylan. Kaya naman hindi nakakapagtaka na marami ang natutuwa at naaaliw sa kaniya. Sa katunayan, isang Facebook page ang nakapangalan kay Dylan ang umabot na sa higit 600,000 ang likes and subscribers. Dito umalma ang aktres at sinabing hindi sila ang nagmamanage ng naturang page. At ginagamit nito ang mga larawan ng anak niyang si Dylan na walang paalam.
“Sa sinumang namamahala ng Dylan Jayde Ho account, please get in touch with my management team Aguila Entertainment para we can resolve this ng maayos po.”
“Mali naman po ata na inassume nyo basta basta ang identity ng anak ko at nagawa nyo pang iverify yung page. May subscription option pa, which suggests na posibleng pinagkakakitaan nyo pa ito.. tsk tsk. Mali po yan…”
Ito ang caption ng post ni Jennylyn sa Facebook tungkol sa page na nakapangalan sa kaniyang anak na si Dylan.
Sa ngayon, base sa update mula rin sa aktres ay deactivated na ang Facebook account na nakapangalan sa anak niya.
Larawan mula sa Instagram ni Jennylyn Mercado
Buhay pamilya ni Jennylyn at Dennis Trillo
Sa mga post ni Jennylyn at Dennis sa Instagram ay makikitang napakasaya ng blended family set-up nila. Dahil makikita na ang mga anak ng aktor at aktres sa mga nauna nilang mga naka-relasyon ay magkakasundo.
Samantala, kamakailan lang ay pinuri si Dennis ng mga netizens dahil sa ipinost nitong litrato kasama ang anak ni Jennylyn na si Jazz. Isang bagay na hindi daw nagawa ng tunay nitong ama.
Limitado man ang mga larawan ng mga anak na ibinahagi ng mag-asawa sa social media ay hindi mapagkakailang napapalaki nila ito ng maayos. Makikita rin na mas tumitibay pa ang kanilang relasyon. Dahil sa pareho nilang hilig sa pagmomotor.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!