Jeric Raval umabot sa 18 ang anak, thankful sa kaniyang misis: "Andami kong atraso... nasaktan ko rin siya."

Nagsalita na rin si Jeric tungkol sa kumakalat na pregnancy rumor tungkol kay AJ.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Jeric Raval ikinuwento ang kaniyang naging pagkakasala sa kaniyang wife na si Holiday, dahilan para umabot sa 18 ang kaniyang anak sa iba't ibang babae.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Jeric Raval on infidelity, pagkakaroon ng 18 na anak
  • Pahayag ni Jeric Raval sa pregnancy issue ng anak na si AJ

Jeric on infidelity, pagkakaroon ng 18 na anak

Larawan mula sa Facebook account ni Jeric Raval

Sa lahat ng panahon palaging mainit ang isyu ng infidelity. Ang infidelity o cheating ay act ng pagiging unfaithful ng isang taong may kasintahan sa kanyang partner.

Nangyayari ito kung nag-eengage sila sa sexual o pagkakaroon ng romantic na relasyon na labas sa kanilang napagkasunduang set-up ng kanilang pakikipagrelasyon sa isa't isa. Ito ay paglagpas sa boundary at commitment na ipingako ng dalawa magkarelasyon sa kanilang dalawa.

Lalo itong nagiging usap-usapan kung celebrity ang nai-involve. Sa showbiz, marami na rin ang nasangkot sa ganitong isyu. Ngayon naman, ang naging tampok sa usaping ito ay ang aktor na si Jeric Raval nang i-reveal niya nito lang na mayroong siyang 18 na anak at nagkaroon ng maraming karelasyon. Pagkukwento niya, dati raw lima lang na anak ang sinasabi niya sa publiko.

Ibinahagi niya sa vlog ng host na si Ogie Diaz kung bakit nga ba nagpasya na siyang sabihin kung ilan talaga ang kanyang anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

"So 'yung iba ayoko naman na magdamdam sila kapag tinatanong sila ng mga kakilala nila na, "Bakit kapag tinatanong 'yung tatay mo, eh lima lang kayo?"

Larawan kuha mula sa YouTube video ni Ogie Diaz

Noon daw kasi hangga't hindi naman tinatanong ay hindi niya sasabihin. Kaya naman, ngayon na nagsisimula nang magtanong ang mga tao ay nagsimula na rin niyang banggitin ito. Tiniis niya raw na hindi ito sabihin sa loob ng lagpas tatlong dekada niya sa larangan ng showbiz.

Kaya umabot sa 18 ang anak ni Jeric Raval ay dahil na rin sa pagkakaroon niya ng iba't ibang karelasyon. Kaya naman nagpapasalamat siya sa kaniyang wife dahil tinanggap pa rin siya nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Lahad pa ni Jeric Raval, dumating din sa punto raw na ginawa niya ang lahat upang makabawi sa wife niyang si Holiday. Para raw sa kanya napaunderstanding at bait nito dahil sa kabila ng pagkakaroon niya ng anak bukod sa kanya ay nanatili pa rin siya sa tabi niya.

"Napaka-broadminded nun saka very understanding. Andami ko ngang atraso diyan eh, nakabawi naman ako. Syempre nasaktan ko rin siya."

"Eh, para magkaanak ka nang marami? Para tanggapin niya 'yun? Napakadalang ng ganun eh!"

May mga pagkakataon pa nga raw na sinasabihan ang wife nito ng "martir" pero ang tugon niya lang daw ay mahal niya nang sobra si Jeric Raval. Pagsasalaysay pa ni Jeric, noong una pa nga raw ay matindi ang pagseselos nito ngunit ngayon ay tinatawanan na lang ang ganitong usapin.

Iba-iba raw ang nanay ng mga anak niyang ito. Mayroon daw siyang anak sa United States, Saudi Arabia at maging sa Japan. Pagbabalik tanaw pa niya, napunta rin daw siya sa punto kung saan nawalan siya ng trabaho. Dahilan ito upang mawalan siya ng kakayahang matustusan ang pangangailangan ng lahat ng kanyang anak.

Nagpapasalamat daw siya na nauunawaan siya ng mga nanay ng kanyang anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

"Hindi ko naman pinagsisisihan."

Ganito naman ang tugon niya nang tanungin sa pagkakaroon niya ng maraming anak. Masaya raw kasi para sa kanya ang malaking pamilya. May mga panahon lang daw na nalulungkot siya sa tuwing hindi niya magawang mabigay lahat ng pangangailangan nila.

"So sabi ko nga, kung maibabalik ko lang 'yung panahon siguro hindi ako mag-aanak nang marami."

Malaki raw ang pasasalamat niya sa mga nanay ng anak niya dahil hindi siya kahit kailan sinumbatan ng mga ito tungkol sa anak niya.

Larawan mula sa Instagram account ni AJ Raval

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Jeric Raval sa issue ng kaniyang anak na si AJ

Naging maugong sa social media ang usapan na nagdadalang-tao nga raw ang kaniyang anak na si AJ Raval. Diretso nang sinagot ni Jeric kung totoo nga ba o fake ang naturang impormasyon.

Ayon kay Jeric, kaniya nang kinausap ang kaniyang 21-anyos na anak tungkol sa naturang issue. Sinabi raw ni AJ na nagsasawa na raw ito sa naturang rumor kaya hindi direktang sinasagot ng kaniyang anak ang pregnancy issue noong una itong lumabas.

Lahad ng action star, wala raw katotohanan na buntis ang kaniyang anak dahil nagsho-shooting pa ito para sa isang pelikula.

"Hindi (siya buntis). Eh ba't pa siya nagsho-shooting kagabi? Although I haven't seen her in two to three weeks."

Ngunit ayon kay Jeric, wala rin namang kaso sa kaniya kung sakaling totoong nagdadalang-tao ang kaniyang anak, na nali-link ngayon kay Aljur Abrenica.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

"At saka kung buntis, eh di mabuti. At least hindi pala siya baog, at saka ewan ko bakit ginagawa nilang problema 'pag 'yong tao buntis. 'Pag buntis, eh 'di manganak."

Hindi rin daw totoo na mayroon nang anak si AJ, dahil kung sakaling totoo man ito ay hindi rin ito matatago ng kaniyang anak.

Sinulat ni

Ange Villanueva