LOOK: Jericho Rosales at Kim Jones kumpirmadong hiwalay na matapos ang halos sampung taong pagsasama

Ang nagkumpirma ng hiwalayan ng dalawa ay ang ninong sa kasal at malapit nilang kaibigan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Jericho Rosales at Kim Jones kinumpirmang hiwalay na. Ang mag-asawa nag-desisyon na magkaniya-kaniya na noong 2019 pa.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Jericho Rosales at Kim Jones hiwalay na.
  • Love story nina Jericho at Kim.

Jericho Rosales at Kim Jones hiwalay na

Larawan mula sa Instagram account ni Jericho Rosales

Matapos ang mga ispekulasyon nitong mga nakaraang linggo, kinumpirma ng malapit na kaibigan nina Jericho Rosales at Kim Jones ang paghihiwalay nila. Ayon kay Ricco Ocampo, ang isa sa mga godfather sa kasal nina Jericho at Kim 2019 pa ng magdesisyon na maghiwalay ang dalawa. Pero ganoon pa man sila daw ay nanatiling magkaibigan at may maayos na relasyon  sa isa’t-isa.

“While the friendship between the two remains, they have decided it is time to lead separate lives. It was a mutual decision, an amicable separation, dealt with grace and maturity by both parties.”

Ito ang sabi pa ni Ocampo sa isang pahayag.

Love story nina Jericho at Kim

Larawan mula sa Instagram account ni Jericho Rosales

Si Kim at Jericho ay ikinasal sa isang intimate wedding ceremony sa Boracay noong May 2014. Ito ay matapos ang relasyon nila bilang magboyfriend at girlfriend ng higit sa dalawang taon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mula ng maikasal ay makikita sa kanilang social media post kung gaano sinusuportahan ng dalawa ang isa’t-isa. Si Jericho minsan pa ngang sinamahan si Kim sa mga modeling event nito sa ibang bansa.

Nitong 2022 ay nagpasilip pa nga ang dalawa ng buhay nila sa New York. Si Jericho ay nandoon para kumuha ng mga acting workshops. Habang si Kim ay patuloy sa pagtratrabaho bilang isang model. Nang parehong taon ay nagsimula ring lumabas ang balita na hiwalay na ang dalawa. Pero nanatili silang tahimik ukol dito.

Naungkat ulit ang hiwalayan ng dalawa nitong 2023. Pero hindi parin sila naglabas ng pahayag at sa halip ay pumunta ng magkasama sa ABS-CBN Ball. Doon ang bahagyang naipakita nila sa mga fans na maayos parin ang relasyon nila. Nang matanong naman sa isang panayam kamakailan lang kung ano ang estado ng relasyon ng actor sa misis na si Kim, ito ang naging sagot ni Jericho.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“We are happy, we are good. Kim and I are amazing. We are fantastic.”

Sa ngayon ay hindi pa tukoy kung ano ang dahilan ng paghihiwalay ng dalawa at sila ay hindi parin naglalabas ng opisyal na pahayag.

Larawan mula sa Instagram account ni Jericho Rosales

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement