Tinulungan ng mag-asawang Jericho Rosales at Kim Jones ang kanilang kapitbahay na hindi na nakalabas sa kanilang bahay, dahil sa hagupit ng bagyong Ulysses.
- Panayam sa pagtulong ni Jericho Rosales at ng kaniyang asawa.
- Pagtulong ni Donnalyn Bartolome
- Update kung kailan lalabas ang bagyong si Ulysses
Ayon sa actor paglabas umano nila’y baha na, kaya naman naisipan nilang mag-asawa a gamitin ang kanilang surfboards.
“This morning paglabas namin, baha na. Usually kapag baha dito kasi, ganyan talaga. Laging ganyan ang problema. Sometimes walang boats or flotation devices so naglabas kami ni Kim ng surfboard,”
Dagdag pa ni Jericho Rosales sa ginawang short interview sa kaniya ng ABS-CBN news, ligtas naman ang mga bahay na napuntahan nila. May iba umanong hindi mapuntahan ng mga rescue team dahil malakas umano talaga ang agos at wala pang mga bangka na magagamit sa pang-rescue.
“Okay naman [‘yung mga napuntahan namin sa bahay], safe naman sila, thank God. May mga iba lang na hindi na mapuntahan nung rescue teams kasi malakas na ‘yung agos and wala pang boats,”
Nananalig ang aktor na sa kabila ng nararanasan ng marami nating kababayan ngayon ay manatiling malakas at matatag.
“Stay calm and siguro it’s too late now to complain or anything so mas maganda, kung tayo mismo in the future we can prepare. It’s always preparation para sa akin. Preparation ng mga nasa bahay and ng mga rescuers. Of course, support the rescuers. I hope they get enough funds for rescue. We get better warnings sana for the people para hindi na mangyari,”
BASAHIN:
#WalangPasok: Mga lugar na suspended ang klase, Nov 12 (Thursday)
10 bagay na dapat gawin at ihanda bago dumating ang bagyo
Heto ang dahilan kung bakit hindi dapat maglaro sa labas kapag may bagyo
Matatandaang noong hinagupit din ang Metro Manila ng bagyong Ondoy noong 2009, naapektuhan din ang subdivision na tinitirahan ng aktor. Tumutulong din ang aktor sa pag-rescue noon. Nang matanong kung ano ang pagkakaiba ng karanasan niya noon sa Ondoy at karanasan niya ngayon sa bagyong Ulysses, ito ang naging sagot niya.
“Kasi parang paggising ng mga tao, napuyat sila kagabi, paggising nila ganyan na. Maraming taong hindi nakaalis. Based on nangyari na before tapos caught by surprise na naman tayo na ganito, I think in that sense medyo mas malala ito,”
Ayon din sa mga balita mas mataas ang naging water level ng bagyong Ulysses ngayon, nalampasan na nito ang Ondoy. Kaya naman mas malaki ang naging epekto nito ngayon. Subalit dahil alam na ng iba nating mga kababayan Marikina ang maaari nilang kahitnan sa pagbugso ng bayong Ulysses kaya nakapag-evacuate na. Pero marami pa rin sa ating mga kababayan ang na-trap sa kanilang bahay sa kabila ng paghahanda.
Larawan mula sa ABS-CBN News
Sa ngayon labis na naapektuhan ang Marikina at Montalban Rizal, marami ang mga na-trap sa kanilang mga tahanan at nag-iintay pa rin ng rescue.
Isa na rin ang celebrity singer at YouTube vlogger na si Donnalyn Bartolome ang nakiisa sa rescue operation ng ating mga kababayan sa Marikina at Rizal. Sa isang Facebook post ni Donnalyn sa kanilang Facebook page. Nanghingi siya ng tulong sa kaniyang mga followers na kung maaari silang mag-volunteer sa rescue operation. Kahit magbayad pa umano siya.
Marami namang tumugon sa kaniyang panawagan. Sa ngayon nga umano nagsasagawa na ng rescue operation ang mga nakausap ni Donnalyn. Nagpapasalamat siya sa lahat ng mga tumulong sa kaniyang makahanap ng mga rescuer.
Sa ngayon inaasahang tuluyang lalabas ng Philippine area of responsibility ang bagyong Ulysses sa Biyernes ng umaga.
Soure:
ABS-CBN News, Facebook
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!