Jericho Rosales to son Santino: “My compass. My rock. Voice of truth. Tropa.”

Aktor at anak niyang si Santino parang magkapatid lang kung titingnan sa bagong larawan nilang magkasama.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Jericho Rosales may sweet na mensahe sa only son niyang si Santino na parang kapatid niya lang kung titingnan.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Jericho Rosales message to son Santino.
  • Relasyon ni Jericho at anak na si Santino.

Jericho Rosales message to son Santino

Larawan mula sa Instagram account ni Jericho Rosales

“Parang magkapatid lang!” Ito ang naging reaksyon ng mga netizens sa bagong larawan ng aktor na si Jericho Rosales kasama ang anak niyang si Santino. Si Jericho bidang-bida ang anak sa bago niyang Instagram post. May sweet na mensahe rin ito sa anak na nagpapakita kung gaano sila nito ka-close.

“Saint. My compass. My rock. Voice of truth. Tropa. Kaagaw ko sa steak. Love you, pogs. I’m having a soft day. Take it or leave it.”

Ito ang caption ng IG post ni Jericho na kung saan naka-tagged ang anak niyang si Santino.

Relasyon ni Jericho at anak na si Santino

Larawan mula sa Instagram account ni Jericho Rosales

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Si Santino ay anak ni Jericho at dating model na si Kai Palomares. Maliban sa pagmomodel, si Santino ay kilala rin bilang isang professional football player. Siya ay nakatira o nasa pangangalaga ng kaniyang ina bagamat nanatiling maayos ang relasyon nito at kaniyang ama.

Maraming bagay na pinagkakasunduan ang mag-ama na gawin. Tulad ng pagwoworkout, pag-susurf at pagkain.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Si Jericho sinisiguro rin na present siya sa lahat ng milestones ng anak niya. Very active rin ito sa pagcocomment at pagrereact sa social media post nito.

Sa 23rd birthday nga ng kaniyang anak, si Jericho sinabing one proud dad siya sa anak na si Santino.

“I am extremely grateful for all the blessings I've received and for the love and support of my family and those around me. I look forward to what my “Jordan year” has to offer. Here's to being 23.”

Ito ang birthday post ni Santino na kinomentan naman ng ama niyang si Jericho nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“I love you baby Yoda. Always so proud of you.”

Ito ang mensahe pa ni Jericho Rosales sa anak.

Larawan mula sa Instagram account ni Jericho Rosales

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement