Jessy Mendiola: A friend "ruined" Luis's proposal

"The reason why we are making an engagement story vlog is because unique ang story namin." - Jessy Mendiola

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Usap-usapan ngayon ang engagement ni Jessy Mendiola at Luis Manzano, alamin ang kanilang engagement story.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Engagement nina Jessy Mendiola at Luis Manzano
  • Love story ni Jessy Mendiola at Luis Manzano

Engagement ni Jessy at Luis

"Wuhoo," captions Luis Manzano. | Photo by Pat Dy (from Luis Manzano's Instagram)

Noong weekend nagulat ang marami sa pag-anunsyo nina Jessy Mendiola at Luis Manzano ng kanilang engagement. Marami ang mga natuwa sa masayang balita na ito sa buhay nina Jessy at Luis. Inulan din sila ng mga pagbati mula sa mga kasamahan nila sa industriya. Ayon pa kay Jessy ito umano ang pinaka-special na vlog na kaniyang ginawa dahil sila'y engaged na.

Ang proposal umano'y naganap sa Amanpulo, isang luxury island. Binati ni Luis ang kaniyang girlfiend ng,

"Happy birthday to the howhow with me whether it be a suit, dive gear, or pambahay. I howhow you, may you have the best year ever ;)"

"Howhow" ang tawagan ng dalawa o endearment sa isa't isa. Habang nasa bakasyon umano ang dalawa tinanong ni Luis ang mahalagang tanong, at nag-YES naman ang dalaga.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa mga nakalipas na mga interview kay Luis sinabi niya na handa na siyang magpakasal at lumagay sa tahimik kasama ang kaniyang girlfriend n si Jessy Mendiola. Sinabi pa niya na si Jessy na ang 'the one' para sa kaniya. Nang tanungin siya kung bakit hindi pa sila nagpapakasal noon, ipinaliwanag niya na gusto pa umanong ma-achieve ni Jessy ang kaniyang goals sa buhay at magpokus sa kaniyang career. Suportado naman ito ng TV host.

"The reason why we are making an engagement story vlog is because unique ang story namin."

Screen capture from Jessy Mendiola's YouTube account

Ayon kay Jessy na-engage umano sila dalawang buwan na ang nakakalipas, "We got engaged 2 months ago, siyempre by the grace of God and sa tulong ni tadhana din. Sa tulong na nga tadhana finally nangyari na."

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Marami umano kasing mga tao ang nagsasabi na magpakasal na sila dahil hindi na sila bumabata. Kaya naman sabi ni Luis Manzano, "Ito na nga."

Pagkukuwento pa ni Jessy,

"Nakakatawa lang malaga 'yung story na to, kasi dumating na din sa point na maghihiwalay na tayo."

Dagdag pa ni Luis marami talaga umano silang pinagdaanan ni Howhow o ni Jessy Mendiola labas pa sa romantic context sa pagsasama nilang dalawa.

Nagsimula umano silang magkakila noon sa kanilang tv network. Madalas na nakikita ang dalawa sa mga shows sa ABS-CBN noon, 80% na umano ng pagkikita nila ay sa ASAP noon. Na ang tingin umano ni Jessy sa kaniya ay Kuya na manyak. Kwento pa ni Luis,

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Sa ilang mga encounters namin ay sa mga game shows ko naman.” 

Noon daw kung nang nag-guest si Jessy sa isang TV show ni Luis at may kontrobersiyang kinakaharap si Jessy ay kinausap niya si Jessy kung okay ba na tanungin ko ito, mag-joke ako ng ganito. Bago umano magsimula ang show. Ayon kay Jessy natuwa umano siya dahil nirespeto umano siya ni Luis. Simula raw ng pangyayaring iyon nagkaroon na sila ng comfortable connection.

Sa pagkukuwento pa ni Luis, “First date namin, 'yung may kilig o attraction noong April birthday ko 2016 kung saan ininvite ko siya.”

Napilitan lang umano pumunta si Jessy noon sa birthday ni Luis ayon sa pagkukuwento ng TV host. Nagbigay pa nga ng trivia si Luis patungkol sa pangyayaring iyon dahil iyon din umano ang first date ni Alex Gonzaga at Fiance nitong si Mikee. Swerte umano ang party na iyon ayon kina Luis at Jessy.

Nalaman umano nilang sila na ang the one para sa isa't isa dahil naroroon ang security at understanding sa pagitan nilang dalawa. Dagdag pa ni Luis, na kahit umano nagkakaaway sila o may mga hindi pagkakaintindihan ay nais niya itong maresolba kasama si Jessy. Nais niya ring nakikitang masaya ang kasintahan.

Screen capture from Jessy Mendiola's YouTube account

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paghihiwalay ni Jessy at Luis

May napapabalita noon na naghiwalay na silang dalawa, ayon kay Jessy,

"'Yung chicka talaga noon na naghiwalay kami, totoo iyon....Actually, I ended it nga. February rocky na talaga kami noon. Nag-aaway na talaga kami nun."

Na-realize umano ni Jessy na hindi sa lahat ng oras ay tungkol sa iyo ang inyong relasyon. "Its not all about me all the time. It bought us closer to each other."

"Our unique engagement"

Hindi ordinary ang engagement nina Jessy at Luis, sa pagkukuwento pa ni Jessy,

"Basically, I found out about the engagement ring even before Luis got to propose to me....You know why I know? Because this person told me."

Kuwento naman ni Luis, “September pa lang nasa akin na 'yung ring, naghahanap ako ng tamang timing kahit papaano.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Wala pa umanong idea noon si Jessy patungkol sa singsing. Dahil umano alam ni Jessy na buksan ang vault at mga pasikot-sikot sa bahay ni Luis ay pinatago muna ito ni Luis sa isangkaibigan, “So, hindi ko pwedeng itago sa bahay. So pinatago ko muna sa isang kaibigan namin.”

"Nung nag-away kami, 'yung kaibigan na gun she was there for me naman. 'Yung time na gun she was there for me namin. Itong person na to she was there for me." ani Jessy.

BASAHIN:

LOOK: Luis Manzano proposed, Jessy Mendiola said "YES"

STUDY: 5 benepisyo ng pagpapakasal sa kalusugan

Civil wedding: Step-by-step guide kung paano ikasal sa huwes

Kinukulit umano ng person na iyon si Luis upang kuhain ang singsing ayon kay Jessy. Hindi umano alam ni Jessy kung nais ng kaibigan niya na ipag-propose na si Luis o pinoprotekhan lamang siya nito. Tantanda pa umano ni Jessy ang pangyayari. May 29, naglabas umano ng ring box.

Jessy Mendiola and Luis Manzano announced their engagement on their respective Instagram accounts. | Photo: Pat Dy (Jessy Mendiola's Instagram account)

Ipinakita umano ng friend ni Jessy ang mga video ni Luis sa pagbili nito ng engagement ring. Matapos umani nito umuwi si Jessy para mag-isip. Para kina Jessy isang blessing in disguise ito dahil rito nagkaroon sila ng pagkakataon na makapag-usap ulit at ayusin ang kanilang relasyon. Subalit kahit na hindi na talaga mae-experience ang pakiramdam ng proposal ay ayos lamang ito ang mahalaga ang purpose nito at pagmamahalan nilang dalawa. May mga wedding plans na umano ang dalawa subalit secret muna ito ngayon. Pero sigurado ang dalawa na gusto nila itong maging intimate at private.

Isyu sa singsing ni Jessy

Noong Linggo, inanunsyo ng dalawa ang kanilang engagement, matapos nito isang local jeweler ang naglabas ng saloobin sa hindi tama umanong pag-credit nina Jessy sa kanila bilang "original creators" ng diamond ring ni Jessy. Narito ang pahayag ng Radiant Lux Jewelery,

“It is unfortunate that a company would insinuate a work for something that they did not do. We feel the need to inform the public that this is our work,” 

Dagdag pa nila,

“In our opinion, taking credit for something they did not do is detrimental to the industry that have ring makers who put their heart and soul to their pieces,”

Kaya naman naglabas din si Jessy ng kaniyang saloobin sa kaniyang YouTube channel upang sagutin ang issue. Sa isang Instagram post sinabi ni Jessy Mendiola,

"He bought the diamond from Radiant Lux Jewelry, and nabayaran niya ng buo yung diamond na 'yun, na andito sa ring na ito,”

Sinabi niya ito upang matapos ang mga espekulasyon na ang kaniyang engagement ring ay "sponsored". Ayon kay Jessy kinailangan umano niyang ipa-reset ang kaniyang engagement ring dahil umano sa hindi inaasahang pangyayari matapos nilang dumaan ni Luis sa brief-break up noong May.

Sa huli ayon kay Jessy gusto na niyang matapos ang isyu at mag-move on mula rito.

“Sana hayaan niyo nalang kami maging masaya. Hayaan niyo kami i-enjoy ang feeling na engaged kami kasi di namin na-enjoy 'yung feeling ng proposal. Sana ibigay niyo nalang sa amin to na walang ridicule, without saying bad things about us, without bashing us, without spreading so much hate.”

Wala pang pahayag ang Radiant Jewelry sa video statement ni Jessy Mendiola.

 

Source:

YouTube

 

Written by

Marhiel Garrote