Jessy Mendiola sa muling pagkikita nila ng Lebanese niyang ama sa Dubai: “One of my prayers came true.”

Maliban sa ama, Jessy nakasama rin ang mga kamag-anak sa father side niya sa Dubai.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Si Jessy Mendiola ay masayang-masaya at muli niyang nakasama ang Lebanese father niya. First time namang naka-bonding ni Luis Manzano ang pamilya ng ama ng misis niyang si Jessy sa Dubai.

Mababasa sa artikulong ito ang mga sumusunod:

  • Jessy Mendiola and her Lebanese father reunion.
  • Bakasyon nina Jessy Mendiola at Luis Manzano sa Dubai.

Jessy Mendiola and her Lebanese father reunion

Image from Jessy Mendiola's Instagram account

Sa kaniyang latest vlog ay ipinasilip ng aktres na si Jessy Mendiola ang ilang tagpo sa bakasyon nila ng mister na si Luis Manzano sa Dubai. Ayon sa kaniya, maraming first sa naging trip nilang ito. Portugal na ang kauna-unahang out of the country trip nila ni Luis bilang mag-asawa o ang kanilang first honeymoon sa labas ng Pilipinas.

“Daming first ngayon. First out of the country trip as a married couple. First time to fly after two years and first time naming i-try na mag-first class. Once in a lifetime experience pero feeling ko hindi na mauulit to kasi medyo kakaiba siya. Kakaiba sa bulsa.”

Ito ang natatawang pahayag ni Jessy.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pero maliban sa pagbabakasyon, may isa pang dahilan kung bakit pumunta ng Dubai si Jessy kasama ang mister na si Luis. Ito ay para makita ng ABS-CBN actress ang kaniyang Lebanese father na si Roger Tawile na higit sa dalawang taon niyang hindi nasilayan dahil sa COVID-19 pandemic.

“Meron pang isang rason kung bakit kami lilipad ay para makita ang aking papa.”

Labis niya daw na-miss ang kaniyang ama. Pero nang dahil sa banta ng COVID-19 at mga ipinatutupad na lockdown ay hindi siya makabiyahe at mapuntahan ito. Hindi nga rin daw nito nagawang umattend sa kasal nila ni Luis noong 2021. Kaya naman sa wakas, ngayon sa kanilang bakasyon sa Dubai ay natupad na ang isa sa mga ipinagdadasal niya.

“This year, one of my prayers came true. I am finally reunited with my Papa after 2 years.”

Image from Jessy Mendiola's Instagram account

Jessy nakasama rin ang ibang mga kamag-anak niya sa Dubai

Kaya naman sa kanilang naging pagkikita ay labis ang saya ni Jessy. Agad niyang nayakap ang ama ng makita ito sa isang mall na Dubai. Sila rin ay kumain sa isang restaurant kung saan ibinida ng kaniyang ama ang mga Lebanese food na ipinagmamalaki nila. Kasama ng ama ni Jessy tiyuhin ng aktres na 2 years old palang siya ng huli niyang makita.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa naging pag-uusap ni Jessy at kaniyang ama ay may request ito sa aktres. Ito ay lagyan ng subtitles ang mga vlog niya dahil isa ang kanyang ama sa sumusubaybay sa kanyang mga contents.

“Mag-subtitles daw ako kasi hindi niya ako naiintindihan.”

Ito ang natatawang sabi ni Jessy sa kaniyang vlog.

Mas naging mahaba ang pagbo-bonding ni Jessy at kaniyang ama ng magpunta sila sa Abu Dhabi para i-meet ang ilan pa niyang kamag-anak sa father side niya. Doon ay sobrang nag-enjoy at aktres pati na ang mister niyang si Luis na first time naka-bonding ang mga kamag-anak niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Finally sobrang saya ko na-meet ko sila. That was tiring but so much fun.”

“Sana nag-enjoy kayo sa konting pasilip na kasama ko ang pamilya ko. Saka si Hawhaw naka-bonding niya rin mga relatives ko.”

Ito ang nasabi ni Jessy sa dulo ng kaniyang vlog sa naging happy at successful na pagkikita nila ng kaniyang ama at mga kamag-anak.

Image from Jessy Mendiola's Instagram account

BASAHIN:

Jessy Mendiola maraming adjustments sa first year ng marriage nila ni Luis: “I chose the right man”

Jessy Mendiola sinagot ang basher na nagsabing, “Paano ka magkaka-baby niyan if you always exercise”

Carlo Aquino kumanta na sa hiwalayan kay Trina Candaza: ‘Nag-separate na kami this year lang’

Relatives ni Jessy sa Dubai happy na nakasama nila ang aktres at mister nito

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Samantala, sa kaniyang Instagram account ay nagbahagi si Jessy ng mga larawan ng kanilang bakasyon ni Luis sa Dubai. Sa mga larawan niya kasama ang kaniyang ama at mga kamag-anak ay nag-komento ang mga ito na very happy rin na makilala at makasama si Jessy. Ganoon rin ang mister nitong si Luis.

“We love you Jessy & Luis, hope to see you again in UAE or Lebanon ❤️❤️❤️❤️.”

“We had such an amazing time with you!❤️❤️❤️”

“It’s wonderful seeing you guys in the UAE ? hope to see you guys again soon! ❤️❤️”

Sa mga naunang vlogs ni Jessy ay ibinahagi niya ang naging pag-uusap nila ng kaniyang ama noong maikasal sa mister na ngayong si Luis Manzano. Sa kanilang video call conversation, sinabi ng ama ni Jessy na siya ay masaya para sa anak. Lalo na’t alam nitong mahal ng anak ang mapapangasawa at masaya ito sa taong napili niya.

“I was happy. I was happy for you because when you get married, it’s your life. And I asked you so many times before, ‘Baby, are you sure? Do you love him?’ And you said, ‘Yes, I love him. And I want to spend my future with him.’ For me, that’s enough I just want you to be happy. That’s all. If getting married with Luis makes you happy, Luis, it is.”

Ito ang nasabi ng ama ni Jessy noon na si Roger Tawile tungkol sa pagpapakasal ng aktres kay Luis Manzano.

Si Luis at Jessy ay ikinasal noong February 21, 2021 sa isang intimate at private wedding ceremony sa isang resort sa Batangas.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement