Luis Manzano at Jessy Mendiola pina-plano na ang kanilang church wedding.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Pagsasama nina Luis Manzano at Jessy Mendiola.
- Luis Manzano and Jessy Mendiola church wedding.
Pagsasama nina Luis Manzano at Jessy Mendiola
February 21, 2021 ng maikasal sa pamamagitan ng isang intimate civil wedding ceremony sina Luis Manzano at Jessy Mendiola. Ang kanilang kasal ay ginanap noon sa The Farm at San Benito sa Batangas na kung saan tanging pamilya ni Luis at malalapit na kaibigan nila Jessy ang nakapunta. Ang pamilya ni Jessy hindi nasaksihan noon ang kasal nila ni Luis dahil sa restriksyon na dulot ng COVID-19 pandemic.
Pero ayon sa pinaka-latest na panayam kay Jessy ay pinaplano at nalalapit na ang church wedding nila ni Luis. Sa darating nga daw na pagpapakasal nila sa simbahan ay present na ang kaniyang pamilya.
“Dream wedding naming. Finally, makakauwi na rin ‘ung family ko because when we did our civil wedding noong 2021, wala pa yung family ko noon.”
“Nakakatuwa, kasi my whole family is coming and finally they can meet Rosie.”
Ito ang masayang pagbabahagi ni Jessy.
LOOK: Luis Manzano at Jessy Mendiola, ikinasal na! | Screengrab from Jessy Mendiola YouTube video
Luis Manzano and Jessy Mendiola church wedding
Hindi rin daw bongga ang magiging church wedding nila ni Luis. Magiging intimate din daw ito tulad ng civil wedding nila. Pero ang espesyal na parte nito ay makakasama na nila ang pamilya ni Jessy. Ito daw ay alinsunod sa kagustuhan ng mister niyang si Luis na maibigay ang dream wedding niya.
“It’s an intimate wedding again, we’re not really hiding it but we’re not putting it our there naman. This time kasi, si Luis nga sweet eh, sabi niya I want you to have your wedding of your dreams, with your family and with the Lord.”
Ito ang pagkukuwento pa ni Jessy.
Maliban sa dream wedding niya ito, mas nai-excite din daw si Jessy sa nalalapit nilang church wedding dahil sa isa pang dahilan. Excited daw siyang makita ang kanilang little girl na si Rosie na maglakad sa aisle sa mismong araw ng kanilang kasal.
“Little bride siya, nae-excite ako, super. And naglalakad na siya, sana lang makayanan niyang maglakad sa aisle.”
Ito ang kuwento pa ni Jessy.
Larawan mula sa Facebook account ni Jessy Mendiola
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!