Luis Manzano ibinahagi ang nararamdaman niya ang first time dad. Si Luis kahit busy sisiguraduhin daw na present sa bawat milestones ng anak niyang si Isabelle Rose o Peanut na kanilang tawagin.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Luis Manzano as first time dad.
- Ginagawang pag-aalaga ni Luis sa anak na si Peanut.
Luis Manzano as first time dad
Tulad ng maraming first time dads inlove na inlove rin si Luis Manzano sa anak nila ni Jessy Mendiola na si Isabelle Rose o Peanut kung kanilang magiliw na tawagin. Sa katunayan, sa tuwing siya ay aalis ng bahay para magtrabaho ay nagmamadali daw siyang umuwi para agad na makasama ang anak.
“It’s really true na-excited ka umuwi. Grabe yung feeling na yun na kating-kati ka na makauwi. And there’s a bit of sadness when you get home and Peanut is already sleeping, but you want to play with her.”
Ito ang pagbabahagi ni Luis sa isang panayam.
Ginagawang pag-aalaga ni Luis sa anak na si Peanut
Pagbabahagi pa ni Luis very hands on siya bilang isang ama sa anak na si Peanut. Bagamat pag-amin niya may mga bagay siyang hindi kayang gawin hindi tulad ng misis niyang si Jessy. Pero si Luis nais maging present sa bawat developmental milestones ng kaniyang baby girl.
“Of course, may mga forte kasi na mas kumportable talaga ang isang nanay. But I make sure that as much as possible every milestone of Peanut I’ll be there.”
Ito ang sabi pa ni Luis.
Larawan mula sa Instagram account ni Luis Manzano
Sa ngayon daw ay nai-enjoy niya ang mga simpleng bagay na nagagawa nila ng anak. Pati na ang mga moments na alam niya kahit baby pa ito ay nagkakaintindihan na silang dalawa.
“My favorite every morning is every time I wake up, I go to her room. Then, I would shout ‘Peanut,’ haharap na yun tapos bungisngis na. She’d laugh which means she wants me to carry her. Those are the small things that I appreciate as a parent.”
Ito ang masayang pagbabahagi pa ni Luis sa nararamdaman at karanasan niya as first time dad.
Larawan mula sa Instagram account ni Luis Manzano
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!