X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

#SanaAll: Jessy Mendiola fresh at pretty matapos maipanganak si Baby Peanut

5 min read

Jessy Mendiola postpartum look hinangaan ng mga netizens! Aktres fresh at parang hindi na-haggard sa panganganak sa panganay nila ng mister na si Luis Manzano.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Jessy Mendiola postpartum look.
  • Birth story ng anak nila Jessy Mendiola at Luis Manzano.

Jessy Mendiola postpartum look

jessy mendiola postpartum look and baby rosie

Larawan mula sa Facebook account ni Jessy Mendiola

Usap-usapan ngayon sa social media ang aktres na si Jessy Mendiola dahil sa kaniyang postpartum look. Sa Facebook post ni Jessy na kung saan kuha matapos maipanganak ang panganay nila ng mister na si Luis Manzano ay fresh ito at tila walang bahid ng pagiging haggard.

Sa caption nga ng post ng aktres ay ibinahagi nitong nag-ayos talaga siya at sinadyang magpaganda para sa special na oras na ito sa kaniyang buhay. Pahayag ng aktres, talagang nagpa-full lashes siya at nagpakulot bilang paghahanda sa first family photo nila ni Luis at anak na si Isabelle Rose o Rosie sa palayaw nito.

Ang mga netizens hindi naman napigilang mag-react at mapa-sana all nalang sa postpartum look ni Jessy. Ito ang ilan sa komento nila.

“Dapat ganito ako kaganda pag nanganak .”

“Parang gusto ko tuloy magbuntis!”

“Sana all Diyosa look after giving birth.”

“Wala na ako masabi kundi isang malaking SANA ALL GANITO KAGANDA PAGKATAPOS MANGANAK .”

“Grabii naman ang pretty.. ako nung nanganak mukhang nabinat agad.”

“Sana all magandang nanganak ako kasi parang nakipag giyera sobrang haggard haha .”

“Sana all ganito kaganda after manganak ako kc mukhang bangkay na natagpuan palutanglutang sa ilog after 1week kasi magang-maga.”

Ito ang ilan sa nakakatawang komento ng mga netizens tungkol sa postpartum look ni Jessy Mendiola.

Birth story ng anak nila Jessy Mendiola at Luis Manzano

Samantala, sa YouTube vlog in Jessy ay ibinahagi niya ang naging birth story ni Baby Rosie. Ayon kay Jessy, December 28, 2022 ng maipanganak niya si Baby Rosie sa pamamagitan ng scheduled cesarean section delivery. Ito ay dahil pumulupot sa leeg ng kaniyang baby ant pusod nito na tinatawag na cord coil.

“Scheduled CS ako dahil may two cord coil si Peanut. And sabi ng OB it’s safer at syempre ayaw nating i-risk. At dahil first baby ko medyo mahirap makalusot si Peanut. So kapag pinilit siyang lumusot may tendency na humigpit yung cord coil, so mas mahirapan siyang huminga.”

Ito ang pahayag ni Jessy tungkol sa kaniyang naging panganganak.

Ipinakita rin ni Jessy sa kaniyang vlog ang mga minute bago niya tuluyang ilabas sa mundo si Rosie. Ang host at mister niyang si Luis Manzano ay hindi rin napigilang i-share sa vlog ang nararamdaman niya habang hinihintay ang pagsilang ng panganay niyang anak.

“Wala hindi ka makaka-prepare sa moment na to.”

“This is what we prepared for. This is the start of another journey. Kumbaga dito na papasok ‘yong hardwork bilang magulang. Realign a lot of things sa buhay.”

Ito ang sabi ni Luis na aminadong kinakabahan at nag-aalala ng mga oras na iyon.

Jessy na-CS ng manganak

Dahil sa na-CS at kailangang subaybayan ang kalagayan ni Jessy at kaniyang baby ay ibinahagi niya rin na sa ospital nila sinalubong ang bagong taon. Mula nga raw ng maipanganak ay hindi na mahiwalay si Luis sa kaniyang baby girl. Kuwento pa niya, very emotional ang mister sa pagdating ni Baby Rosie.

“Si Howhow sobrang inlove naiyak siya kagabi. Pero aminin niya na kamukha talaga niya. Inlove na inlove siya feeling ko makakalimutan niya na ako.”

Ito nangingiting sabi ni Jessy tungkol sa kaniyang mag-ama.

Luis manzano and baby rosie

Larawan mula sa YouTube vlog ni Jessy Mendiola

Sa pagpapatuloy ng vlog ay ipinakita rin ni Jessy kung gaano ka-close ngayon pa lang ang kaniyang mag-ama. Halos hindi nga raw mababa ng mister na si Luis ang kanilang baby. Siniguro rin nito na nakapag-shave siya lalo na’t maya-maya itong humahalik sa kanilang baby.

Nang makauwi nga sa kanilang bahay ilang araw matapos manganak, siyempre ang unang bisita ni Rosie ay ang batikang aktres na si Vilma Santos. Ang Star for All Seasons makikitang kilig na kilig na makita ang kaniyang apo. Napapalakpak pa nga ito sa sobrang saya na makilala ng personal ang baby girl na talaga nga daw na hiniling niya.

vilma santos and baby rosie

Hindi rin nito siyempre pinalampas na kargahin agad ang apo.

Matatandaang January 7, 2023 ng ibahagi ni Jessy Mendiola na siya ay makapanganak na. At ang kanilang baby ni Luis ay ipinangalanan nilang si Isabella Rose Tawile Manzano.

Noong panahong iyon ay hindi pa ipinakita nila Luis at Jessy ang mukha ng kanilang anak. Hanggang sa mag-isang buwang gulang ito nitong January 28 kung saan hindi na napigilan si Luis at Jessy na ibahagi sa mundo ang beautiful baby girl nilang si Rosie.

 
 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
    A post shared by Jessy Mendiola – Manzano (@jessymendiola)

Mapapahashtag sana all ka nalang talaga! Congrats Luis at Jessy! And welcome the world baby Rosie!

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

Jessy Mendiola Vlog

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

Inedit ni:

Marhiel Garrote

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • #SanaAll: Jessy Mendiola fresh at pretty matapos maipanganak si Baby Peanut
Share:
  • 7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

    7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

  • Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

    Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

  • Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

    Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

  • 7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

    7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

  • Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

    Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

  • Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

    Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.