Ibinahagi ni Luis Manzano ang nararamdaman niya ngayong magiging first time dad na siya.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Luis Manzano as a first time dad
- Paano gusto ni Luis na mapalaki ang kaniyang magiging anak
- Mensahe ni Luis sa buntis na misis na si Jessy Mendiola
Luis Manzano as a first time dad
Nitong mga nakaraang araw ay ibinahagi nina Luis Manzano at Jessy Mendiola na natupad na ang matagal na nilang inaasam sa kanilang pagsasama. Ito ay ang pagkakaroon ng anak. Dahil si Jessy buntis na sa kanilang first baby.
Si Jessy kitang-kita ang saya sa kaniyang mukha. Lalo pa’t sa ngayon ay mas naggo-glow ang ganda niya sa pagdadalang-tao sa kanilang baby girl nila ni Luis na tinatawag nilang ‘Peanut’. Habang si Luis, sa pamamagitan ng latest niyang vlog kung saan si Jessy ang mismong nag-interview sa kaniya ay ibinahagi ang nararamdaman niya sa ngayon bilang first time dad.
Pagsasalarawan ni Luis, mixed emotions siya sa ngayon. Pero napakasaya niya na dumating na ang matagal nilang hinihintay ni Jessy.
“Ang tagal na nating pinag-uusapan, kahit ‘di pa tayo kasal pinag-uusapan na yan. But once it’s there it’s one of those moments na you will never truly be prepared even if you believed that you are.”
“It’s surreal, it’s overwhelming with a bit of anxiety. It’s a whole gamut.”
Ito ang sabi ni Luis kay Jessy.
Pagpapatuloy pa niya, hindi naman sa sinasabi niyang hindi siya ready. Pero alam niya daw na maraming maging pagbabago sa buhay nila ang mangyayari pa.
“Hindi sa hindi ready but nandiyan ang reality. We wanna believe that we are more than capable of bringing a child into this world but it’s not simply ready ka financially, emotionally. Kumbaga it will always be a learning experience, lagi siyang journey na akala mo ok na lahat dun ka nagkakamali. Magbabago at magbabago pa lahat,” sabi pa ni Luis.
Aminado rin ang soon to be dad na natatakot siya sa bagong responsibility na kailangan niyang harapin.
“It’s overwhelming, the uncertainty of things. Nandiyan ‘yong fear eh. ‘Di ba sabi mo nga paghahandaan mo lahat ng yan but life has always a curve ball for that. Puwede ka maghanda to some extent pero ‘yong takot hindi mawawala.”
Paano gusto ni Luis na mapalaki ang kaniyang magiging anak
Hanggang ngayon daw ay hindi parin makapaniwala si Luis. Pero sa ilang buwan ng pagbubuntis ni Jessy may isang point daw nito ang talagang sumundot sa puso niya. Ito ay nang i-ultrasound ang kaniyang baby at bumukas ang kamay nito na tila nag-hehello sa kanila ni Jessy.
“It’s as if naghe-hello daddy, hello mommy siya. Like wow dun nag-sink-in yung parang magiging daddy na nga ako.”
Ito ang naluluhang kuwento ni Luis.
Larawan mula sa Facebook account ni Jessy Mendiola
Sa ngayon, sa edad na 41-anyos aminado si Luis na hindi na siya bumabata. Kaya naman sa pagiging ama sa anak ay may isang bagay daw siyang siguradong gagawin. Ito ay ang pagpapanatiling healthy ng kaniyang katawan para mas matagal pa silang magsama at marami pa silang maggawa ng kaniyang magiging anak.
Pero kung may isang bagay daw na nais ituro si Luis sa anak ay ang pagiging mabuti nito sa kaniyang kapwa. Isang characteristics na ayon kay Luis ay natutunan niya sa kaniyang amang si Edu Manzano.
“Gusto ko ma-appreciate niya ang lahat ng tao from all walks of life.”
“Kapag nagkaedad na tayo and then we meet mga taong nakahalubilo ni Peanut they can easily say na si Peanut ay isa sa mga blessings sa buhay nila. Gusto ko lang kapag napag-usapan ‘yong anak natin, ‘yong tao automatic nangingiti. Kahit paano dun tayo makakakuha din ng fulfillment na we did a job well done sa pagpapalaki kay Peanut.”
Ito ang sabi pa ni Luis.
Kung may characteristics naman daw ang ina na si Vilma Santos na nais ni Luis na makuha ng anak ay ang pagiging malambing nito. Ito ang paliwanag niya kung bakit.
“Si Mommy hindi mo pagdududahan na mahal ka niya. Because in every aspect ipaparamdam niya sayo kung gaano ka ka-appreciated.”
Sa ngayon, sabi ni Luis ang gusto niya lang maging supportive na ama sa magiging anak niya. Hangarin niya na gawin nito ang mga bagay na magbibigay sa kaniya ng ‘contentment, fulfillment at happiness’.
Pero giit ni Luis hindi lang sa magagandang experience niya gustong makasama ang anak at misis na si Jessy. Gusto niyang maging present sa buhay ng mga ito sa lahat ng oras.
Mensahe ni Luis sa buntis na misis na si Jessy Mendiola
Sa huli ay may sweet na mensaheng iniwan si Luis para sa kaniyang buntis na misis na si Jessy Mendiola.
“I know it’s not easy for you, there are so many changes. The bulk of the journey belongs to you ‘di ba, whether it be physical changes, mental changes, emotional, life changes, babagsak at babagsak pa rin sa mga Mommy.”
“I will be there always. I will do what I have to do as a husband and now as a father. Kapag dumating yung point na nahihirapan ka with everything going on, I will be right there.”
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!