Luis Manzano at Jessy Mendiola ipinasilip ang bago nilang bahay na mas safe umano para sa paparating nilang baby

Jessy sinabing hindi madali ang magbuntis but it’s all worth it.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Luis Manzano and Jessy Mendiola shows new house! Ayon sa mag-asawa mas safe ang bagong nilipatang bahay para sa kanilang paparating na baby girl.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Luis Manzano and Jessy Mendiola new house.
  • Update sa pagbubuntis ni Jessy Mendiola.

Luis Manzano and Jessy Mendiola new house

Nakalipat na sina Luis Manzano at Jessy Mendiola sa kanilang new house. At sa bago nilang vlog ay ipinasilip nila ang loob ng kanilang bahay na ayon sa mag-asawa ay pinili nila para sa safety ng kanilang paparating na baby.

Hirit ni Jessy, kahit love na love nila ni Luis 'yong dati nilang inuupahang bahay ay kailangan nilang maghanap ng low ceiling house. Dahil as new parents natatakot sila na sa paglalaro ng kanilang baby ay maaksidente ito at mahulog mula sa kanilang mataas na hagdan.

“Actually love na love namin ‘yung bahay na nilipatan namin last year. Kung matatandaan niyo, nag-house tour kami last year.

As much as we loved that house, we had to move to another rental home kasi ito na nga ang aming pinakabagong blessing sa aming buhay, Kailangang safe yung aming bahay.”

Ito ang sabi pa ng blooming na buntis at aktres na si Jessy Mendiola.

Sa loob ng bago nilang bahay ay ipinasilip ng mag-asawa ang iba’t ibang bahagi nito. Ilan nga sa mga proud nilang ipinakita ay ang kanilang art collections tulad ng paintings at sculptures na gawa ng mga Filipino artist.

Proud ring ibinida ni Luis at Jessy ang dining table na pagmamay-ari nila noong sila ay magkasintahan palang. Hanggang sa ngayon ay ginagamit parin nila ito at dinala sa kanilang bagong bahay.

May mini gym na sinet-up sina Luis at Jessy sa labas ng kanilang bagong bahay. Pagbabahagi pa ni Jessy bagamat pareho silang hindi ma-treadmill ni Luis ay kailangan niyang magkaroon ng isa nito sa kanilang bahay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dahil sa ngayon bilang isang pregnant mom ay ito daw ang kaniyang exercise para masigurong healthy ang kaniyang katawan at pagbubuntis.

Mayroon ring isang kwarto sa bagong bahay nila Luis at Jessy ang inilaan nila para sa kanilang kasambahay. Ang kwartong iyon noon ay opisina o den dapat pero hindi nagdalawang-isip ang mag-asawa na gawing bedroom ng angels nila.

“Ok lang kahit hindi siya maging office or kung ano talaga 'yong purpose niya sa bahay basta mabigay namin sa mga kasambahay namin na comfortable sila.”

Ito ang sabi pa ni Jessy.

Kuwento pa ng aktres, ang kapatid niyang interior designer na si Megan Tawile ang nag-style ng kanilang bahay. Sa ngayon ay hindi niya muna pinasilip ang baby room dahil hindi pa daw ito tapos gawin.

Larawan mula sa Facebook account ni Jessy Mendiola

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dagdag pa ng aktres, maliban sa safe para sa kanilang parating na baby ang kanilang new house, very simple daw ito na nagustuhan nilang pareho ni Luis.

“Kaya namin nagustuhan ‘yong bahay na ‘to kasi sobrang simple lang din niya. At saka malinis. Well-lit din, maganda ‘yong lighting sa bahay na ‘to.

At saka kapag lumabas ka, maaliwalas, mahangin, tahimik sa side na ‘to. So talagang nagustuhan namin ‘yong feel, ‘yong natural juju niya o 'yong energy, kumbaga.”

Ito ang sabi pa ni Luis Manzano at Jessy Mendiola sa kanilang new house.

Update sa pagbubuntis ni Jessy Mendiola

Larawan mula sa Facebook account ni Jessy Mendiola

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa ngayon ay 36 weeks ng buntis si Jessy at ready ng manganak anytime soon. Kamakailan lang ay bumisita sa isang health and wellness resort sina Jessy at Luis para mag-relax. Dahil sa ngayon daw ay very busy ang schedule nila habang mas nalalapit ang pagdating ng kanilang baby.

“Medyo naging sobrang hectic ng schedule lately, kaya kailangan lang din namin magpahinga muna. Bawal sa buntis ang ma-stress, kaya nag-relax muna kaming mag-asawa.”

Ito ang sabi ni Jessy sa isang IG post.

Ang naging quick getaway nina Luis at Jessy ay celebration rin sa 30th birthday ng aktres at soon-to-be mom.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kamakailan lang din ay na-callout ni Jessy ang isang news website na may ginawang article tungkol sa kaniyang pagbubuntis. Sa naturang artikulo ay sinabi ni Jessy na nakaka-insecure ang pagiging buntis dahil alam niyang lalaki at magbabago ang itsura niya.

Pero paliwanag ni Jessy hindi kumpleto ang na-qoute niyang statement na umani ng negative comments sa mga netizens. Ito ang bahagi ng paliwanag ni Jessy.

Larawan mula sa Facebook account ni Jessy Mendiola

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Some might think this is “mababaw” but for someone who struggled with body insecurities due to body shaming, this is quite a big deal for me.

“Kanya kanya naman tayo ng insecurities. Being pregnant is a GREAT BLESSING but also a HUGE sacrifice, especially if you’ve struggled with body image during your whole life.

Not only it will affect you physically but also emotionally and mentally. Andyan na din yung “Ready na ba ako to be a mom?” “Am I gonna be good enough?” “Will I be able to do the things I did before I got pregnant?”

"You have to be ready for the changes your body and mind will go through. I wasn’t at first, but as I saw my belly growing each day and the moment I started feeling my baby’s strong kicks and movements… I’ve accepted that my body will change regardless of how much I try to live in the past. To all the expectant moms out there like me, remember… you have a growing HUMAN inside of you. It’s not easy, but it’s WORTH IT.”