Jessy Mendiola ibinahagi ang kaniyang postpartum experience. Aktres may mensahe rin sa mga new mommies na tulad niya.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Jessy Mendiola postpartum experience.
- Mensahe ng aktres sa mga mommies na tulad niya.
Jessy Mendiola postpartum experience
Lagi mang flawless and beautiful sa mga videos at photos niya sa social media, inamin ng aktres na si Jessy Mendiola na minsan narin siyang na-losyang ng makapanganak kay Rosie o Baby Peanut.
“Nung bagong panganak ako, I’ve been posting on my vlog. So nakikita ng mga tao yung weight gain ko, nakikita ng mga tao yung pagpayat ko. Kapag talagang sinubaybayan mo yung I think it has been buong year. Diyos ko may mga videos ako na ang gulo gulo ng buhok ko, wala akong makeup. So may mga moments na ganun.”
Ito ang pagbabahagi ni Jessy sa isang panayam.
Pero agad siyang bumawi sa kaniyang sarili. Binalik niya ang dati niyang sarili at katawan bago magbuntis. Dahil naniniwala siya na ang pag-aalaga sa sarili ay malaking tulong para masigurong maalagaan mo rin ang iyong baby. Ito nga ang mensahe niya sa mga mommies na tulad niya.
Larawan mula sa Facebook account ni Jessy Mendiola
Mensahe ng aktres sa mga mommies na tulad niya
“Hay naku, you do you, mama. Kung ano magpapasaya sayo, kung anong feeling mo kung saan ka maganda, do it. Kasi how can you take care of your little one if you cannot take care of yourself di ba? Yung asawa mo pa aalagaan mo pa. Siyempre dapat happy si mommy.”
Dahil pagpapatuloy ng aktres, naniniwala siya sa kasabihan “happy wife, happy life”. Kaya naman kung ano man daw ang nagpapasaya sa mga mommies ay dapat hayaan niya ang sarili niyang gawin ito kahit na may questions ang iba.
“Ang talagang mood changer ng bahay ay si mommy. So you have to take care of yourself if you feel happy na mag-si-swimsuit ka or mag-ha-hanging top ka ba or shorty shorts, it’s okay. It’s your body. Nagluwal ka ng bata. If you’re proud of yourself, then go. If happy ka sa nakikita mo then ipakita mo.”
Ito pa ang payo ni Jessy sa mga new mommies na tulad niya.
Larawan mula sa Facebook account ni Jessy Mendiola