Anak nina Jessy Mendiola at Luis Manzano na si Rosie Manzano nagdiwang ng kaniyang first birthday. Jessy at Luis may sweet na mensahe sa kanilang anak.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Rosie Manzano first birthday.
- Mensahe nina Jessy Mendiola at Luis Manzano sa first birthday ng anak nilang si Rosie.
Rosie Manzano first birthday
Larawan mula sa Facebook account ni Jessie Mendiola
Nitong December 28 ay nagdiwang ang anak nina Luis Manzano at Jessy Mendiola na si Rosie ng first birthday nito. Ang mag-asawa parehong ibinida ang birthday photoshoot ni Rosie na kung saan makikita ang ka-cutan at pagkabungisngis ng kanilang little girl. Ang mag-asawa nagbigay rin ng kani-kanilang mensahe para sa anak na si Rosie.
Mensahe nina Jessy Mendiola at Luis Manzano sa first birthday ng anak nilang si Rosie
Larawan mula sa Facebook account ni Jessy Mendiola
Si Jessy naging emotional sa mensahe niya para sa anak. Ayon sa kaniya, hindi niya akalaing kaya niyang magmahal ng tulad ng ginagawa niya kay Rosie ngayon. Sa ngayon, ang anak daw ang lahat para sa kaniya at ang pagiging ina para dito ay maraming naituro sa kaniya.
View this post on Instagram
“Happy 1st birthday to our little girl, Rosie!
I never knew I could love like this. 🥹You have taught me patience, kindness and most of all how to LOVE unconditionally.🥰 Being your mother is an absolute blessing and I cannot imagine my life without you. You are my everything, my love. Thank you for bringing joy into our lives, our little sunshine! ♥️
I LOVE YOU SO SO SO MUCH, my Rosieboo.”
Ito ang mensahe ni Jessy sa anak na si Rosie sa first birthday nito.
Si Luis maiksi ngunit meaningful din ang mensahe para sa anak. Ito naman ang nasabi niya para sa unang kaarawan nito.
“Happy 1st birthday to the Peanut that changed our lives, Mama and i love you very much anak. You are our biggest blessing…anything and everything for you Peanut… i love you @isabellarosemanzano ❤️ 📸 @jessymendiola.”
Larawan mula sa Facebook account ni Jessy Mendiola
Happy birthday baby Peanut!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!