TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
EnglishFilipino
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login
  • EnglishFilipino
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

LOOK: Jessy Mendiola sa kaniyang prengnacy transformation sa anak na si Rosie

5 min read
LOOK: Jessy Mendiola sa kaniyang prengnacy transformation sa anak na si Rosie

Mga mommy netizens muling napa-sana all sa hindi nagbagong ganda ni Jessy mula ng mabuntis hanggang sa makapanganak.

Jessy Mendiola pregnancy transformation ibinahagi ng aktres sa kaniyang vlog. Netizens mas humanga sa ganda at freshness ng celebrity mom.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Jessy Mendiola pregnancy transformation.
  • Pregnancy journey ni Jessy Mendiola.
  • Baby Peanut 3 months old na.

Jessy Mendiola pregnancy transformation

Jessy Mendiola pregnancy transformation

Larawan mula sa Facebook accout ni Jessy Mendiola

Isa ngayon sa sinusubaybayang first-time mom ay ang aktres na si Jessy Mendiola. Dahil marami sa mga mommies ngayon ang humahanga sa aktres kung paano nito napapanatili ang kaniyang beauty at freshness sa kabila ng pagiging isang ina.

Sa pinakabagong vlog entry ni Jessy marami ang muling napa-sana all. Dahil si Jessy Mendilola ibinahagi ang kaniyang naging pregnancy transformation.

Mula sa ika-9 na linggo ng kaniyang pagbubuntis ay ipinakita ni Jessy ang unti-unting paglaki ni Rosie habang ito ay nasa kaniyang tiyan.

Si Jessy makikitang fresh at not looking stress sa pagdaan ng kaniyang pagbubuntis. Matatandaang sa isa sa mga naunang vlog ni Jessy ay ibinahagi nito ang sikreto sa kaniyang pregnancy glow. Ito ay daw ay ang suportang nakukuha niya mula sa mister na si Luis Manzado.

“Just support each other. Siyempre nandiyan ‘yong worries, nandyan ‘yong anxieties, nandyan ‘yong fear, nandyan ‘yong kasiyahan, pag-aalala ‘yong doubt, it’s very important that you support each other. Be open to each other.”

Ito ang sabi noon ni Jessy sa kaniyang vlog.

Sa pregnancy transformation nga na ibinahagi ni Jessy sa kaniyang vlog ay makikitang nandoon din ang mister na si Luis. Halatang-halata rin ang excitement nito sa unti-unti pa lang paglaki ni Rosie noong nasa tiyan palang ito ng kaniyang ina.

Reaksyon ng mga netizens

Marami nga sa mga mommy netizens ang napa-sana all muli sa post na ito ni Jessy. Dahil tila walang nagbago sa kaniyang mukha at katawan nang mabuntis hanggang sa maipanganak na si Baby Peanut o Rosie kung kanilang tawagin. Hinangaan din ng mga netizen ang paraang naisip ni Jessy para i-document ang kaniyang naging unang pagbubuntis.

“Ganda ng vlog na to perfect mula umpisa hanggang dulo ganda ni baby rosie at ni miss jessy walang kupas.”

“This is sooooo cute po. Such a memory. You are a beautiful and wonderful mom. Same to sir Luis. Both of you are wonderful parents. sana all maganda parin from the start hanggang manganak hehe.”

“What a beautiful and great idea of Jessie for documenting the preggy milestone of Baby Peanut in her womb.”

Baby Peanut 3 months old na!

3 months old baby Rosie Manzano

Larawan mula sa Facebook accout ni Jessy Mendiola

Sa ngayon, ay tatlong buwan na ang nakalipas ng makapanganak si Jessy Mendiola. Sa Instagram account nga ng aktres ay nagbahagi ito ng cute na larawan ni Baby Peanut na nakasuot ng isang little yellow dress katabi ang flower bouquet na hugis number 3. Ang caption ng post na ito ni Jessy ay ito.

“Our little sunshine!☀????????”

Sa isa sa kaniyang mga latest vlog ay ibinahagi rin ni Jessy ang unang pagkakataon na nakasama nila ng mister niyang si Luis si Baby Rosie sa kanilang out-of-town travel. Ito ay sa selebrasyon ng mag-asawa sa kanilang second wedding anniversary sa isang resort sa Batangas.

Si Baby Rosie makikitang isang very happy baby. Pagbabahagi nga ni Jessy ay mahilig na itong makipag-communicate sa kanilang mag-asawa.

“Ang likot niya na saka palasagot na siya. Ang bilis niya lumaki ano.”

Ito ang masayang pagbabahagi ng happy at first time mom na si Jessy.

Sa kanilang bakasyon ay marami sa mga first-time parents ang naka-relate kay Jessy at Luis. Dahil si Jessy at Luis, habang tulog ang anak na si Rosie ay binabantayan lang ito at hinihintay nilang magising para laruing muli.

Pregnancy journey ni Jessy Mendiola

Jessy Mendiola and Luis Manzano kasama si Baby Rosie

Larawan mula sa Facebook accout ni Jessy Mendiola

Sa kaniya pa ring YouTube vlog ay una ng ibinahagi ni Jessy ang naging birth story ni Baby Rosie. Ayon kay Jessy, December 28, 2022 nang maipanganak niya si Baby Rosie sa pamamagitan ng scheduled cesarean section delivery. Ito ay dahil pumulupot sa leeg ng kaniyang baby ang pusod nito na tinatawag na cord coil.

“Scheduled CS ako dahil may two cord coil si Peanut. And sabi ng OB it’s safer at siyempre ayaw nating i-risk. At dahil first baby ko medyo mahirap makalusot si Peanut. So kapag pinilit siyang lumusot may tendency na humigpit yung cord coil, so mas mahirapan siyang huminga.”

Ito ang pahayag ni Jessy tungkol sa kaniyang naging panganganak.

Dahil sa na-CS at kailangang subaybayan ang kalagayan ni Jessy at kaniyang baby ay ibinahagi niya rin na sa ospital nila sinalubong ang New Year 2023. At mula noon ng maipanganak si Rosie ay hindi na raw mahiwalay si Luis sa kaniyang baby girl.

Sa 3rd month celebration nga ng birthday ni Rosie ay ito ang mensahe ni Luis sa kaniyang baby girl.

“Happy 3rd month to the biggest blessing in our lives, our little Peanut. @jessymendiola and i love you @isabellarosemanzano ❤❤❤.”

Jessy Mendiola YouTube Vlog

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

Inedit ni:

Marhiel Garrote

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • LOOK: Jessy Mendiola sa kaniyang prengnacy transformation sa anak na si Rosie
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko