Hindi pinalampas ni Jessy Mendiola ang isang netizen na pumuna sa eyebags ng kaniyang anak na si baby Peanut o Rosie.
Mababasa sa artikulong ito:
- Jessy Mendiola binuweltahan netizen na nanlait sa eyebags ni Rosie
- Ano nga ba ang dapat gawin kapag nakatanggap ng negatibong komento tungkol sa anak?
Jessy Mendiola binuweltahan netizen na nanlait sa eyebags ni Rosie
Marami man ang cute na cute sa mga larawan ng anak nina Jessy Mendiola at Luis Manzano na si Rosie, hindi pa rin talaga maiiwasan na may netizen na negatibo ang mapapansin dito.
Tulad na lamang ng isang netizen na nag-iwan ng hindi magandang komento sa isang artikulo na isinulat at ibinahagi ng online news site na Bandera.
Larawan mula sa Instagram ni Jessy Mendiola
Sabi kasi ng netizen, “Grabe bakit ganyan ang bata, wala pang 2 years old per ang eyebags pang 80 years old na.”
Agad namang pinag-usapan sa social media ang komentong ito ng netizen. Kani-kaniyang sagot ang fans ng mag-asawang Luis at Jessy. Kaya naman nakarating din ito sa celebrity mom na hindi napigilang tumugon sa basher.
Larawan mula sa Instagram ni Jessy Mendiola
Ipinaliwanag ni Jessy Mendiola na natural ang pagkakaroon ng eyebags sa kanilang pamilya. May dugong Lebanese kasi ang aktres.
Dagdag pa rito, ipinahayag din niya ang pagkadismaya na may mga tao pala na kayang magsalita ng masasakit sa isang bata na wala pang malay sa mundo.
“Kalmahan ang panlalait sa bata. I-ayon po natin ang ganda sa panlalait, tignan niyo po muna sarili niyo sa salamin.”
Hiniling din ng aktres sa mga netizen na maging responsable sa kanilang mga binibitawang salita lalo na sa social media.
Larawan mula sa Instagram ni Jessy Mendiola
Ano ba ang dapat gawin kapag may nanlait sa iyong anak?
Hindi natin masisisi ang isang ina na tulad ni Jessy, kapag may mga tao na nagsasabi ng negatibong bagay tungkol sa iyong anak, mahirap itong pakinggan bilang magulang.
Mahalagang manatiling kalmado. Pakinggan muna ang sinasabi nila, ngunit huwag magpadala sa emosyon. Tandaan na hindi lahat ng tao ay may parehong pananaw at may mga pagkakataon na hindi nila nauunawaan ang kabuuan ng sitwasyon.
Kapag handa ka nang magsalita, gawin ito nang mahinahon at may respeto. Ipaalala sa kanila na ang bawat bata ay may kanya-kanyang katangian, at hindi tamang husgahan sila agad-agad. Maaari mo ring iparating na bilang magulang, ginagawa mo ang lahat para gabayan at suportahan ang iyong anak sa kanilang paglaki.
Ituon ang atensyon sa mga bagay na mas mahalaga—tulad ng pagmamahal at pagpapalakas sa iyong anak.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!