Jewel Mische sa kanyang second baby: "Asiah just turned 1... I was anything but ready."

Jewel Mische sa kanyang second baby: "Asiah just turned 1... I was anything but ready."

Aktres na si Jewel Mische inaming hindi niya napaghandaan ang pagbubuntis sa kaniyang 2nd baby.

Jewel Mische second baby, inaming noong una ay hindi niya inaasahan at napaghandaan.

jewel mische second baby

Image screenshot from Jewel Mische’s Instagram account

Jewel Mische second baby

Noong December 22 ay nagpost ng isang makahulugang mensahe si Jewel Mische sa kaniyang Instagram account. Ang mensahe ay may kalakip na larawan na kung saan makikita ang ingredients sa paggawa ng pesto pasta. Sa unang tingin ay tila ipinapakita lang ni Jewel ang kaniyang recipe sa paggawa ng pasta dish. Lalo na ang brand ng basil pesto na ginagamit niya na Prego. Pero kung babasahin na ang mensaheng kalakip nito, doon mo malalaman na may ipinapahiwatig itong mahalagang bagay sa buhay ng aktres. Sa kaniyang post ay ito ang nasabi ni Jewel Mische.

The announcement

“Roses are red, Violets are blue.. we have a secret and here is your CLUE!☺️”

Jewel Mische sa kanyang second baby:

Agad namang nahuluan ng mga Instagram followers ng aktres ang sinasabi niyang sikreto.

Kinabukasan, December 23, sinundan ang post na ito ng opisyal niyang pag-aanunsiyo na ang Jewel Mische second baby ay sunod ng ipapakilala sa publiko. At ang pinakamagandang regalong natanggap nila nitong nakaraang pasko.

“✨The best gift 🎁 this year is not under a tree. It’s the new ♥️beat near my heart.✨☺️☺️☺️”

jewel mische second baby

Sa hiwalay na Instagram post noong araw ding iyon ay sinabi ng aktres na siya ay 6 and a half pregnant months na sa kaniyang 2nd baby. At labis ang excitement at saya na nararamdaman niya.

Jewel Mische on having a 2nd baby

Pero nito lamang pagpasok ng bagong taon, ay may isa pang sikretong ibinahagi si Jewel Mische tungkol sa kaniyang 2nd baby. Ayon sa kaniya, hindi niya daw ito inaasahan at napaghandaan.

jewel mische second baby

“Another baby!! How wonderful! And.. TERRIFYING. — I planned our first, eagerly awaiting her arrival from the second I found out I was pregnant. This one, however, I was anything but ready.”

Dahil paliwanag niya, pinaplano sana nila ng kaniyang asawang American na si Alister Kurzer na sundan ang panganay nilang si Aislah Rose dalawang taon matapos itong maipanganak.

Ngunit sa hindi inaasahan ay nabuntis siya agad matapos ang 1st birthday ni Aislah. Kaya naman daw noong nalaman niyang positive at buntis siya ay halo-halong emosyon ang naramdaman niya.

“In my grand plan I was gonna wait at least 2 years between pregnancies. So I was expecting a negative test that night, thinking there was no way we were pregnant. I not only tried to prevent it but I was still breastfeeding (which should’ve helped as a natural birth control also).”

“I met the positive sign on the pee stick with a flood of questions and conflicted feelings. “Aislah just turned 1… she’s still nursing and sleeping with us? How is she gonna do as a big sister so soon? Is my body even sufficiently recovered from having her let alone support another baby?? What will people say??” And then that overwhelming feeling of guilt that I would need to sacrifice time and attention with Aislah when she still needs my undivided attention. “

“I didn’t know how to rationalize or sort through the sudden feelings of disbelief, fear, panic, excitement… ANGER?? I was even upset at the joy and pride my husband had and his excitement to contain himself.🤦🏻‍♀️”

Being ready on her baby #2

Pero sa pagdaan ng mga araw habang dinadala ang kaniyang second baby ay unti-unting nabago at naging handa si Jewel sa pagdating niya. At ngayon ay super excited na siya dahil ang kaniyang 1st baby na si Aislah ay magiging ate na.

“I am HAPPY to report that all the ugly emotions (along with the morning sickness) feels like a distant memory now. We are having a BABY!!!! Aislah is going to be a big SISTER!!!! I can’t be more THRILLED..nervous, but thrilled!!! And this baby was obviously planned for us long before we would have considered having another… I find that so SPECIAL!! And, this is the truth to which I cling during the questioning times and moments of doubt: GOD’s TIMING will always be PERFECT, even when my trust in it is not.♥️🙏🏼”

Marami namang mommies ang nakarelate sa post na ito ni Jewel. At nagbigay sila ng kanilang sentimyento sa magandang naging epekto ng pagkakaroon ng anak na magkasunod lang ipinagbuntis at ipinanganak.

jewel mische second baby

jewel mische second baby

Image screenshot from Jewel Mische’s Instagram account

Si Jewel Mische ay kasalukuyang naka-based ngayon sa Michigan, USA kasama ang kaniyang asawang si Alister at anak na si Aislah na nag-isang taon lang nitong July 2018.

Source: Inquirer

Basahin: Jewel Mische, nagkwento tungkol sa kaniyang sakit na mastitis

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner