Jhong Hilario sa pagtatapos sa kolehiyo bilang magna cum laude sa edad na 46-anyos: “Ito yung bayad ko sa utang ko sa mga parents ko”

Jhong may mensahe sa mga nagnanais makapagtapos sa kolehiyo sa kabila ng kanilang edad pati na trabaho at pamilya na inaalala.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Jhong Hilario nagtapos sa kolehiyo sa edad na 46-anyos. Alamin dito ang naging motivation ni Jhong sa kaniyang pagtatapos.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Pagtatapos ni Jhong Hilario sa kolehiyo.
  • Motivation ni Jhong sa kaniyang pagtatapos.

Pagtatapos ni Jhong Hilario sa kolehiyo

Larawan mula sa YouTube account ni Jhong Hilario

Very proud sa kaniyang graduation sa kolehiyo ang kilalang dancer at TV-host na si Jhong Hilario. Dahil maliban sa naisakatuparan niya ito sa edad na 46-anyos ay nagtapos rin siya bilang isang magna cum laude sa kursong Political Science sa Arellano University sa Maynila.

Si Jhong ibinahagi ang proud moment niyang ito sa kaniyang Instagram account. Ibinahagi ng TV-host ang kaniyang graduation picture na nakasuot ng toga kalakip ang detalye ng kaniyang pagtatapos.

Agad namang bumati ang mga kaibigang celebrities ni Jhong na sinabing siya ay isang inspirasyon sa achievement niyang ito.

Motivation ni Jhong sa kaniyang pagtatapos

Larawan mula sa Facebook account ni Jhong Hilario

Sa isang panayam ay ibinahagi ni Jhong ang naging motivation para makatapos ng pag-aaral sa edad na 46-anyos. Ganoon rin ang makatapos na may mataas na grado sa kaniyang pag-aaral.

“Ito yung bayad ko sa utang ko sa mga parents ko. Lahat ng parents ang gusto makatapos ng pag-aaral ang anak nila and lahat ginagawa nila. Nagtratrabaho sila ng marangal para makapagpaaral ng mga anak. Kahit na late na at the age of 46 at least buhay pa ang parents ko.”

Ito ang sabi ni Jhong sa kaniyang pagtatapos na katuparan rin daw sa pangako niya sa kaniyang mga magulang.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

May mensahe rin siyang iniwan sa iba pang gustong makapagtapos sa pag-aaral na tulad niya ay may edad na at may trabaho o pamilya ng inaalala.

“Sa lahat ng gustong makatapos ng pag-aaral kahit late na tulad ko meron talagang pagkakataon. Meron talagang paraan kahit busy tayo, time management lang.”

Ito ang sabi pa ng sample king sa isang panayam.

Si Jhong ngayon ay naninilbihan rin bilang isang councilor sa Makati.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Congratulations Jhong!

Larawan mula sa Facebook account ni Jhong Hilario

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement