Nagdiwang na ng ika-7 birthday party ang panganay na anak ni LJ Moreno at Jimmy Alapag.
Tuwang tuwa si Ian Maximus sa super heroes na tema ng kanyang birthday party.
Isinagawa ito sa Heroes Headquarters sa East Wing ng Shangri-La Plaza.
Happy family – Jimmy, LJ, Ian Maximus, Keona at Calen
Matatandaan na hindi ikinakaila ng mag-asawa na adopted ang kanilang panganay na si Ian Maximus.
Sa kwento ni LJ, malambot na ang kanyang puso pagdating sa mga bata at mga ulila.
Hindi na rin bago sa kanya ang ideya ng pag-aampon dahil may mga kamag-anak din siyang ampon mula sa side ng kanyang ina.
The happy parents – LJ Moreno at Jimmy Alapag
Gamit ang kanyang karanasan, inalalayan nila ni Jimmy si Ian na matutunan ang sitwasyon.
Simula pa lamang ng maampon siya, madalas na silang nagpupunta sa mga shelter kasama ang bata.
Ito ang kanilang naging paraan ng pagpapa-alala sa bata na dito siya nanggaling nang hindi ito sinasabi nang diretso.
Father & daughter – Keona at Jimmy
Nalaman ni LJ na siya ay buntis kay Keona ilang araw lamang matapos ampunin si Ian.
Gayunpaman, hindi nagbago ang pagmamahal niya kay Ian.
Kahit pa nang dumating din sa kanilang buhay si Caleb, pantay-pantay parin ang pagmamahal ng mag-asawa sa kanilang mga anak.
Birthday boy at ang super birthday cake
Ayon kay LJ, ang bilin ng social worker ay ‘isang tanong, isang sagot’ pagdumating ang panahon na magtanong ang bata.
Nagamit niya ito nang habang nanunuod ng isang pelikula, nagkomento si Keona na naaalala niya nang siya ay pinagbubuntis pa ni LJ.
Nang nagtanong si Ian kung siya ay galing din kay LJ, sumagot si LJ ng isang simpleng “hindi.”
Si Ian na ang nagdugtong na naaalala nga niya na galing siya sa shelter tulad ng kanyang mga kaibigan.
“I can honestly say na when I gave birth to Keona, walang pagkakaiba, kung anong love namin kay Ian noon, kay Keona, kay Caleb, pantay-pantay, pare-pareho,” Ayon kay LJ.
Source: Nice Print Photography
LOOK: Kylie Padilla, binigyan ng surprise baby shower
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!