SWEET! Jinkee Pacquiao pinagsisilbihan si Manny matapos ang laban, "through thick and thin"

Jinkee, sinabing manalo matalo mananatiling kampeon si Manny sa puso niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Jinkee at Manny Pacquiao sweet na sweet matapos ang laban ni Pacquiao kay Ugas. Sabi ni Pacman through thick and thin magkasama sila ng misis na si Jinkee.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Relasyon ni Jinkee at Manny Pacquaio.
  • Words of wisdom mula kanila Jinkee at Manny Pacquiao tungkol sa pag-aasawa.

Jinkee at Manny Pacquiao on their marriage: “Through thick and thin”

Image from Jinkee Pacquiao's Instagram account

Nabigo man ang boksingerong si Manny Pacquiao na agawin ang super welterweight title mula kay Yordenis Ugas nitong Linggo, para sa kaniyang mga taga-suporta ay siya parin ang numero unong boksingerong paulit-ulit na ikakarangal ng mga Pilipino.

Lalo na ng kaniyang pamilya at asawang si Jinkee Pacquaio na hindi nawala sa tabi niya sa bawat laban na sinusuong ng ating pambansang kamao.

Sa isa sa pinaka-bagong post ni Jinkee Pacquaio sa kaniyang Instagram account ay makikita kung paano niya inaalagaan ang asawang si Manny matapos ang laban nito kay Ugas.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dahil sa maga ang mukha ay hindi maidilat ni Manny ang mga mata niya. Kaya naman para makakain ay sinusubuan siya ng misis na si Jinkee.

Ang tagpong ito ay nakuhanan ng video pati na ang mga magagandang salitang sinabi ni Pacman tungkol sa relasyon nilang mag-asawa.

Maririnig sa video ang usapan na ito nila Pacquaio.

“Manny, grabe naman 'yang asawa mo sa pag-alaga sa 'yo.

Manny: Sabi nga ng through thick and thin. Sa hirap at ginhawa magkasama kayo dapat you are one.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ang nasabi ni Pacquaio tungkol sa relasyon nila ng asawang si Jinkee.

Words of wisdom tungkol sa pag-aasawa mula kay Jinkee at Manny Pacquaio

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Jinkee Pacquiao's Instagram account

Ang post na ito ni Jinkee may caption na kung saan sinasabi niya na dapat ang mag-asawa ay mag-turingang mag-bestfriend. At dapat ay panatilihin sa lahat ng oras ng mag-asawa ang romance sa pagitan nila. Ito ay para ang pagsasama nila ay manatiling exciting at hindi masira.

“Your best friend should be your spouse. ✨”

“Marriage is a unique, fragile bond between man and a woman. It is unique in that no other relationship between man and a woman allows them to become one. ?

If a couple keeps the romance alive in their own marriage, the temptation to look for someone else to meet their needs will be much less appealing.”

Maliban dito, may open letter rin na ipininost si Jinkee sa Instagram na naka-address sa mister na si Manny Pacquaio matapos ang nakaraang laban nito.

BASAHIN:

WATCH: Jinkee Pacquiao proves she has moves in the boxing ring too!

LOOK: Jinkee Pacquiao, the ultimate plantita—pati halaman niya, yayamanin!

Who’s Mommy? Jinkee Pacquiao plays adorable prank on her toddler with twin sis

Open letter ni Jinkee sa mister na si Manny Pacquaio

Ayon kay Jinkee, ay hindi maipapaliwanag ng mga salita kung gaano siya ka-proud sa asawa. Pati ang kanilang mga anak na mga saksi sa kung paano ibinibigay ni Pacman ang lahat sa mga laban niya para pasayahin ang nakararami.

“To my dear husband Manny?Words cannot express how proud I am of the Man you are . I'm
proud to be your wife. You mean the world to me and all our children. We love you so much. We your family have seen how much you have toiled, sacrified and given of yourself blood sweat and tears since the beginning when you dreamed of becoming world champion. You never think of yourself . And not afraid to risk your life on the ring time and time again because you love to make the people happy.”

Dagdag pa ni Jinkee sa pagdaan ng panahon ay mas lalo silang naging proud ng kaniyang mga anak kay Manny. Dahil maliban sa pagiging kampeon sa boxing ay hindi rin matatawaran ang pagiging matulungin nito sa ibang tao.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Jinkee to Manny: Win or lose on the ring You are Forever the Champion of our hearts?

Image from Jinkee Pacquiao's Instagram account

Kaya naman hirit pa ni Jinkee, win or lose si Manny ay champion parin sa puso niya at ng kanilang pamilya.

“Over the years we have become even more proud to be by your side as you inspire us to be kind giving and helpful to all.

More than your record feats in Boxing It is your love for God, dedication to the Word, and desire to share Jesus to every person you meet that makes us admire you more. ? Always here for you, my babe!”

“Win or lose on the ring You are Forever the Champion of our hearts! ? To all Our kababayans all over the world thank you for loving Manny. He loves you more than you know.”

Ito ang mensahe ni Jinkee sa mister na si Manny Pacquaio.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Source:

Instagram